Chapter 45

1.9K 12 3
                                    

In calculus, finding the limit of an infinity results you to an indefinite answer. You need to redefine and divide by the given highest exponent in order to get the right answer for it.

In life, finding a solution for the answer may result you in having a hard time. You need to see and focus on the bigger possibilities in order for you to determine what is right and wrong.

In relationship, you cannot determine the quality of an individual by just merely staring at them. You need to dig deep and observe every action for you to understand what they really are.

I learned a lot during those times that I were in a relationship. First, do not crack your walls just to let other people get in.

Set your standards high to the point that the right man can and will climb for you. Hindi kailangan na ikaw ang mag-adjust para lang sa bare minimun na kaya nilang ibigay.

Babae ka, hindi babae lang.

You hold a powerful power that nothing and no one can wreck.

Hindi mo obligasyon gawin ang mga bagay na alam mong kayang gawin din ng iba.

Know your worth as a person. Do not settle for less than what you deserve. Your worth is not determined by others' opinions or validation. It is important to remember that you should never compromise your own values or break your own boundaries just to please others or gain acceptance.

Cracking your walls or sacrificing your authentic self for external validation will only lead to dissatisfaction and a lack of fulfillment. Stay true to yourself and focus on building healthy relationships with people who appreciate and respect you for who you truly are.

"Bakit naman kasi sinuntok mo pa.." dinampian ko ng yelo ang kamay ni papa. Nilagyan ko na rin ng benda pagkatapos dahil malala ang sugat ng mga kamao niya sa ginawa niyang suntok.

Nanatili siyang nakatingin saakin.

"Anak... okay ka lang?"

Tumango ako. "Bakit naman hindi?"

I'll let the pain eventually subside. Halos ganoon naman sa lahat, hindi ba? Masasanay din ako. Not now but soon maybe.

"Huwag ka nalang kaya muna pumasok, pa?" suhestiyon ko.

Tumawa siya. "Kaya ko. Hindi naman gano'n kalala itong sugat."

"Si ate napaka oa," singit ni Reez. "Kaunting sugat lang naman 'yan. Tsaka malakas si papa. 'Di ba, pa?" Kumuha pa ng kakampi.

"Isa pa, marami kaming gagawin ngayon. Hindi pupwedeng wala ako."

"Ako rin, kailangan kong pumasok. Gagawa kami rough draft ng business plan. Sa susunod na buwan pa lang naman pasahan pero gusto ko ng tapusin ngayon para wala ng problema." Si Reez.

Binato ko ang nahawakan kong damit sa kaniya. "Baliw, hindi magandang madaliin ang mga ganiyan."

Second, huwag madaliin lahat ng bagay. One thing at a time.

Everything takes time. Hindi mo dapat ginawa, gawin, at gagawin ang pagmamadali. Kasi lahat may oras eh. Hindi dahil gusto mo na at parang puwede na, go ka na.

"Ano ba 'yan, by group?" tanong ko sa kapatid.

Tumango siya. "Tapos ako pa leader."

I chuckled. "Papuntahin mo sila rito ng matulungan ka. Huwag mong solohin ang paghila sa kanila pataas."

Patience is a virtue that can bring immense rewards.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now