Chapter 2

1.3K 24 18
                                    

So this is what homesickness feels like.

Ilang araw pa lang akong nandito pero gusto ko nang maiyak dahil sa pangungulila. Lilipas din naman 'to, hindi siguro ngayon pero darating ang araw.

I am here at the lobby of CAS, waiting for Eca dahil late na late na ako sa Department Orientation. Kaninang umaga kasi ay maagang natapos ang college orientation kaya itinulog ko muna. Pagkagising ko ay halos mawalan na ako ng kaluluwa sa sobrang aligaga ng galaw ko dahil late na ako.

Bumili nalang din ako ng makakain habang naglalakad kaya dalawang lumpiang gulay lang ang laman ng tiyan ko sa ngayon.

"Ai!" Narinig kong sigaw ni Eca na Tumatakbo. Sabay kaming pumunta sa room 104 dahil doon ginaganap ang orientation.

Dahan-dahan kaming pumasok at kumuha ng upuan bago pumwesto sa pinakalikurang bahagi kung nasaan ang mga freshies kagaya namin. Magkakaparehas kasi kami ng mga kulay ng damit dahil napagkasunduan namin ito with the higher years kagabi. Pink sa first year, Black sa second year, White sa third year at saka College shirt naman sa Seniors.

Abala ang lahat sa pakikinig sa gurong nasa harapan, habang kami ni Eca ay naghahabol pa rin ng hininga dahil sa pagtakbo namin.

Rules are rules, kaya naman kanya-kanya kaming pakikinig nang sambitin ng professor ang mga bawal at hindi sa department na ito. Ipinaliwanag din nila nang maayos ang mga policies sa kursong ito. Kung ilan ang units, mga iba't-ibang subjects at syempre ipinakilala saamin ang mga guro isa-isa at ang kanilang achievements. Three instructors are graduate of Magna CumLaude here in the same university that where I am.

"So we will all introduce ourselves in front," wika ng isang propesor na siyang ikinadaing ng iba. "And you will give a word that describes you based on the first letter of your name. Let's start."

Ang basehan ng pagkakasunod-sunod ay ang attendance sheet. Nahuli kami ni Eca kaya matagal-tagal kami, may oras pa para mag isip ng maayos na sasabihin sa harapn.

Nagsimula ng magsalita sa harapan ang iba. Wala rin akong maibtindihan sa mga sinasabi kung minsan dahil maingay ang iba kakaisip ng sasabihin sa harapan.

"Anong pwede sa letter F?" Nilabas ni Eca ang cellphone niya at nagtipa sa google ngunit ang bagal mag-loading.

Isa sa mga napansin ko rin dito iyon. Ang signal ay hindi gaanong malakas lalo na kapag nasa loob ka ng mga rooms.

"Gago, malapit na tayo hindi ko pa alam ang saakin."

"Sabihin mo nalang F for flirt," bulong ko. "Malandi ka naman."

"Ang ganda mo batukan 'no, kaso may point ka." Nag-thumbs up pa siya saakin.

Dumating na sa parte naming mga first year students. May isang nauna, hanggang sumunod ang iba at hanggang sa kaunti nalang ang natira bago kami magsalita ni Eca sa harap.

"I'm Kria. K for kissable." Nagtawanan ang lahat nang matapos magsalita ang isa kong kaklase.

Napaka unexpected kasi iyon. Akala ko wala ng ibang makaka subok ng ginawa niya pero may nagsabi rin ng salitang "Available for tonight" at mas malala pa na "Lickable" ang sinabi. Nakikitawa nalang din ang mga professors.

Napagsabihan pa kami dahil sa sobrang ingay, sa kabilang room lang kasi ang office ni Dean.

"Okay next," natatawang umiling si sir. "Franzesca Maureen Ramirez."

Tumayo ang katabi ko at naglakad papunta sa harapan. Sinuri niya muna ang buong bahagi ng room bago nagsimulang magsalita.

"Franzesca Maureen Ramirez. 18. F for flirt," aniya at kumindat pa.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now