Chapter 40

1.4K 10 1
                                    

Iba pa rin talaga ang hangin sa probinsya. Iyong walang halong polusyon at tanging boses lang ng mga marites ang maririnig.

"Umagang-umaga nakasimangot ka."

Nilapag ni Myin ang isang supot ng coffee galing sa Apayao Brew.

"Nandito ka nanaman, sawang-sawa na ako sa'yo."

Binatukan niya ako.

Tuwing umaga, nandito siya. Bago papasok sa duty niya sa ospital ay dadaan siya rito. Kung hindi pagkain, maiinom naman ang dala niya. She never went here empty-handed.

"Daig mo na ako," aniya. "Ang sexy sexy mo na samantalang ako kulang nalang maging pasyente sa trabaho."

Tumawa ako. "Ganito talaga kung walang iniisip."

"Asus!" she made a teasing face. "Lagi kang tulala! Walang iniisip my ass. Aminin mo na kasi, miss mo na 'no?"

Miss ko ba?

Hindi ko alam. Hindi siya nawala sa isip ko simula noong umalis ako. Pero hindi ko na rin ramdam na mahal ko siya.

Sa halip na gatungan ang pang-aasar ni Myin ay kinuha ko nalang ang cellphone. Naisipan kong buksan ulit lahat ng social media account ko. Ngayon ko lang 'to gagawin sa nakalipas na ilang buwan. I didn't know I could survive not opening a social media account.

"Ano ng balak mo?" nasa tabi ko si Myin. Alam kong kitang-kita niya kung paano ako mag log-in sa facebook, messenger, twitter, instagaram, at tiktok.

Bumungad saakin ang sunod-sunod na notifications. Ang iba ay tungkol sa birthdays na siyang nakalimutan ko rin. Tapos may mga notifications na post ng mga finafollow ko na artist.

Pero pumaibabaw lahat lahat ng mga messages ng mga kakilala ko. Puro kamusta at tanong kung nasaan na raw ba ako. Hindi nawala ang messages ni Gale. And him.

I put it to restricted accounts in order for me to read his messages. It all contains an update from him time to time. It all started after the day I left Ilocos.

All his messages are combined greetings of goodmorning, goodnoon, and goodnight. Of course there are long messages that summarizes what he did for the whole day. Pero ang pumukaw sa atensyon ko ay ang huling mensahe niya na kanina lang niya sinend.

Kenneth:
Hindi na ako umiinom skl

Kenneth:
Maaga na rin ako umuuwi hehe

I immediately closed the app and turn off my phone. Binaba ko ito sa lamesang nasa harapan at bumuntong hininga.

"May... job offer pala sa bagong bukas na PAGASA rito sa probinsya natin." Myin opened another topic, as she noticed how my mood changes.

Bakit ang hirap para kay Kenneth na bumitaw? I mean... I asked for a cool off between the two of us. Why would he message me day by day? Hindi ba niya naisip na mababasa ko rin lahat ng mga 'yon?

I sighed as I faced Myin.

"Mag-apply kaya ako?" tanong ko. "Malapit na mag one year old si baby. Kailangan ko ng mag-ipon ulit."

She nodded. "Tama. Magbibigay din ako para may ambag ako as a ninang."

I chuckled on her remarks. Ganap na ganap siyang ninang talaga. Hindi niya hahayaan na hindi siya ang unang mailista nila Reez at Emily sa mismong binyag.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now