Chapter 18

890 11 3
                                    

It is a busy week for all of us. Kenneth needed to exert more effort and time for he needs to defend his thesis. While I am busy finishing my clearance before this semester ends.

"May babayaran ka sa SC?" tanong ni Eca.

"Meron," sagot ko. "150 pesos."

Nandito kami sa room 104, naghihintay ng oras habang pinapanood namin iyong ibang mga seniors na magdefend ng thesis nila.

Mamaya pang alas dos balik ng SC officers sa office nila kaya kaysa umuwi sa dorm ay dito nalang kami maghintay para hindi sayang ang pamasahe.

"Sabay na tayo mamaya. Naka 500 na ako badtrip. Magtataka nanaman sila mama nito kung saan ko ginasto ang pera ko." She whined.

Hindi na kasi siya natuto, ilang taon na kami rito puro absent pa rin siya sa mga activities, ayan maraming bayad ang inabot niya.

Kenneth:
Pagdasal mo'ko

Me:
Bakit?

We always keep in touch through text. It's been a week since he became super busy. Hindi siya umuuwi sa dorm kaya hindi ko rin siya nakikita. Naintindihan ko naman dahil graduating student siya.

Kenneth:
Ako na susunod na kakausapin ng thesis adviser namin.

Me:
Hahahaha kaya mo na 'yan, malaki ka na

Me:
Goodluck, Ken!

Pagkatapos ng semester, hindi ako umuwi sa Cagayan. Dito ako hanggang matapos ang mid year namin. I was all alone sa dorm. Walang makausap, walang kasama. Lahat nagsiuwian dahil closing na.

My cycle all day would be eat, sleep, wash dishes, take a bath and it goes around for two weeks.

Ang graduation date na nakalagay sa university calendar ay sa July 16. Ang midyear practicum ko ay sa July 13 ang simula. Matagal ko ng sinabi kay Kenneth na baka alanganin ang pag-attend ko ng graduation rites niya.

Pero gagawa ako ng paraan. Even it cost finding a part time job for 15 days before my midyear. Para iyong kikitain ko roon sa job ay pagbili ko ng ireregalo sa kaniya.

Ang naisip ko nga na regalo ay relo na may naka engrave na Eng. Legazpi sa likuran nito. Kaso sinesearch ko palang ang prices ay napakamahal na.

"150 per hour ang sasahurin mo rito dahil part time lang. 15 days, right?" tanong ng chinese na may ari nitong botique.

Tumango ako.

Ang tanging gagawin ko lang ay magbantay sa counter. I started the next day. Wala akong pinagsabihan kahit kanino na kumuha ako ng part time. Maayos naman kahit sa sumunod na linggo.

Kaso noong huling araw ko na, nagtext si Kenneth, hindi ko alam ang irarason ko dahil pumunta siyang dorm ng walang pasabi! Naintindihan ko naman kasi doon din siya nagdodorm pero kasi ako ang hanap niya!

Me:
Eca, favor

It took minutes before Eca replied.

Franzesca:
Wow, buhay ka pa pala

Me:
pls huhu ;(

Franzesca:
Anuyorn

Me:
Wala kasi ako sa dorm. Nandoon si Kenneth ng walang pasabi at hinahanap ako pero sinabi kong may pinuntahan tayo. Send ka pic mo na kunwari kasama kita pls

Franzesca:
Potangina naman, sige saglit.

Pinagpapasalamat ko nalang na wala ang may-ari nitong botique kaya nagagawa kong magcellphone. Kapag nahuli ako ay baka hindi ibigay ang huling sahod ko.

Limits of Infinity | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora