Chapter 32

1.3K 9 2
                                    

Kanina ko pa hinihintay si Kenneth na lumabas ng kwarto. Sabi niya kasi susunod siya pero hanggang ngayon wala pa rin.

Pinainit ko kagabi ang mga niluto ko dahil kaunti lang naman ang nagalaw niya. Kanina pa nakahanda ang mga kakainin pero wala pa rin siya.

Hindi na ako nakatiis at pinuntahan siya sa kwarto.

"Love, the food is–"

Tinigil ko ang pagsasalita nang madatnan ko siyang nakatalikod at may kausap sa cellphone. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinanood siya.

"Did you tell Sir Feland about it? Yes. Do we really need those? The materials has been already told to the management. Even the casualties will probably paid by them."

Sinabunot niya ang sariling buhok dahil sa inis. Pagharap niya ay hindi niya inaasahan na nandito ako kaya nagulat pa siya.

"Yes. I'll get going. Pupuntahan ko nalang iyong site to check. Lagot tayo sa head kung nagkataon."

He ended the call and threw his phone on the bed. Kaagad na humablot siya ng t-shirt at nagsuot ng pantalon.

"Love, I'm sorry. I need to check something. Hindi kita maihahatid sa work."

"You won't eat?" tanong ko.

Ang aga-aga pa lang. Wala pang alas syete, aalis na siya?

"Sa firm nalang siguro." Mabilis niya akong hinalikan sa noo bago linagpasan at lumabas ng bahay.

Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga at nilagay lahat sa tupperware iyong mga ulam. Sayang. Ibibigay ko nalang sa nga workmmates ko.

Maayos naman kami. Kinakausap naman niya ako. Tabi nga kami matulog kagabi. Pero ramdam kong nay kakaiba. There's something off that even I can't pinpoint.

Pagdating ko sa office, isa-isa kong binigyan ng tupperware iyong mga katrabaho ko.

"Wow... ang bait natin ha," asar ni Eca.

Sa kadahilanang ayaw kong mahalata niyang hindi maganda ang timpla ko ay nginitian ko siya.

"Madaming sobra sa luto ko, sayang naman kung itapon." I lied.

But she is not convinced. She knew me more than anyone else can.

"Hindi ka hinatid ni engineer ngayon?" nagtataka niyang tanong. "Ilang araw ng nadadatnan kitang sa tricycle bumababa ah."

It's been days. Ganoon pa rin ang set-up namin. Uuwi akong pagod at wala siya. Gigising akong hindi siya kakain ng mga niluto ko kaya papasok akong wala sa mood.

"Bawal ba? Busy din naman siya."

She squint her eyes on me. "Nag-away ba kayo?"

Inis ko siyang binalingan. "What do you think?" I arched a brow.

"Hindi na pambabara 'yang ginagawa mo saakin. Pagsusungit na 'yan."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. I remained doing my work here at ng place. She then pulled a chair and seated beside me. Wala siyang pakialam kung nandiyan ba si Sir Alex. Basta dinaldal niya ako nang dinaldal.

"What happened? Magkwento ka, nandito naman akong makikinig sa'yo."

"Wala nga," maikling tugon ko.

"Asus! Wala raw. Pero kung umasta ka halos lahat sungitan mo na ah?"

"That's normal." I looked at her. "I mean... that is my attitude already."

She rolled her eyes. "Sige maglokohan tayo? Mag iisang dekada na kitang kilala."

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now