Chapter 20

1K 10 0
                                    

"Bumabagyo na't lahat, Aileen, wala ka pa rin. Balak mo pa bang pumunta?"

I chuckled upon hearing Eca's whins. Hindi ako nagising sa alarm ko ng alas singko ng umaga kaya heto ako ngayon at isang oras ng late sa parade na gaganapin ng PAGASA.

"Saglit nalang." Inipit ko sa tenga at balikat ang cellphone habang sinisintas ko ang sapatos. Pumunta ako sa harap ng full length mirror at nagliptint bago nagsuklay ng tatlong hagod.

"Kanina pa 'yang saglit mo. Seven thirty ko sinend tapos reply mo wait lang papunta na. Beh, mag nanine na, saglit pa rin ang sinasabi mo. Naglolokohan ba tayo rito?"

"Eto na papunta na talaga."

Hinablot ko ang tote bag na puti sa kama at nilagay ang wallet, cellphone at susi nitong kwarto. Niloud speaker ko itong cellphone para hindi ako mahirapan.

Paglabas ko ng dorm, mabuti may tricy kaagad sa terminal. Pero mapapagastos nanaman ako ng thirty pesos para lang sa capacity.

"Shit!"

Tumakbo ako pabalik ng dorm.

"Anong nangyari? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Eca.

"Nakalimutan ko 'yong flashdrive ni Sir Marlon."

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko pa kaagad maipasok ang susi sa tamang pwesto.

"Putangina naman," usal ko.

Nagmamadali tuloy akong lumabas pagkatapos at sumakay ng tricy. Kulang nalang magmakaawa akong liparin na namin dahil ang bagal niya magpatakbo.

Tinapos ko na rin ang tawag ni Eca. Salita siya ng salita eh hindi na nga ako mapakali dahil sa kaba. Alam kong pagdating ko roon ay baka sermon ang aabutin ko kay Sir Ralph. Iyon kasing kabilin-bilinan niya saamin ay walang malelate dahil kami ang mag-aasikaso sa banner at sa mga participants ngayong araw. Ako pa ang Vice President ng organization, tapos ganito ako umakto. Kasalanan ng alarm.

Madami ng tao pagkarating ko. May mga matatanda na inaasikaso ang damit nilang may print na PAGASA sa likod. Tapo ang mga kaedaran ko naman ay busy sa pagpipicture at pagcecellphone.

Nang nahagip ko ang mga meteo students gaya ko ay doon ako tumungo.

Nakasuot kasi kami ng sky blue na damit na may print na Meteorology sa likod. Tapos sa harap, sa kaliwang bahagi ng dibdib ay nakalagay ang logo ng organization namin.

"Sa wakas!" sigaw ni Eca kaya natuon lahat ng atensyon saakin. "Nandito na ang Bise natin. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan dahil isa siyang huwaran na opisyal ng organisasyon."

Umirap ako at binato sa kaniya ang tote bag ko.

Dumiretso ako kay Sir Marlon at inabot sa kaniya iyong flashdrive. Saakin kasi siya nagpagawa ng mga powerpoint presentation na iprepresent mamayang Seminar Workshop pagkatapos ng parade.

"Sir, sorry late," kagat labi kong saad. Tinawanan lang niya ako.

"Hindi kita pagagalitan, Ms. Figueroa. Just deliver my congratulatory message to Engineer Legazpi." He chuckled. Right, Ken's dad and him are childhood friends, naikwento ni Kenneth saakin noon.

Tumalikod na siya pero mabilis na hinrap niya ako ulit. "By the way, please make sure that the venue later is all prepared. Deretso roon right after the parade. Kahit mauna na kayo nila Ms. Ramirez kapag malapit na tayo sa destination."

Nagsimula na ang parade pero ang utak ko ay lumilipad pa rin. Wala pa rin ako sa maayos na huwisyo, dahil inaantok pa rin ako.

Wala ako sa tabi nila Eca at Kria. Katabi ko sila Sir Marlon dahil nga sa posisyon ko sa org namin. Iyong President kasi ay third year pa lang, at hindi sila kasama rito ngayon sa program. I declined the position of President before as I cannot trust myself like how others do so I ended up having the position of Vice instead.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now