Chapter 21

968 11 4
                                    

"Congrats, Aileen!"

I hugged Eca as we both jump in joy.

Degree holder na ako.

Tapos na iyong dalawang taon sa kinder, anim na taon sa elementary, anim na taon sa highschool at apat na taon sa college ko bilang estudyante.

Lahat ng hirap at pagod, nasuklian ko iyon. Nakatanggap ako ng medal, plaque, at certificate of recognition bilang isang outstanding leader sa mga nagdaang taon.

I also graduated as an scholar of the university.

Hawak ko ang roses na galing sa mga iba't-ibang kakilala at ilang regalo na bitbit, habang naglalakad palapit sa taong hindi ko inakala magiging parte ng buhay ko rito sa Ilocos.

"Congratulations, love."

Kenneth handed me a boquet with gift. He hugged me and kissed my forehead before he faced me.

"I'm more than proud."

I smiled. "Thank you, Engineer."

"Mamayang gabi pa iyong result, excited ka naman." He spoke like it is not today.

Ang ganda nga ng timing ni Lord kasi sinakto ngayong graduation ko ang labas ng result ng board niya.

"Doon na rin naman ang punta mo! Ano't nagiging nega ka riyan?"

"Bawal ang nega," bawi niya sa sinabi ko. "Dapat magsaya kasi graduate na ang Meteorologist ko."

I laughed.

We were both interrupted by someone clearing their throats.

"Aileen."

Namilog ang mga mata ko. "Mama," sabi ko. Muntik ko na silang makalimutan, kasama ko pala sila!

"Baka gusto mo kami ipakilala sa... someone mo?" Hindi pa sure si mama sa huling sinambit niya kaya natawa ako.

Kenneth beside me was biting his lower lip because he is either afraid, or just being full of himself.

I drag him beside me as I spoke. "Ken, this is my parents. Si mama, tapos si papa." Tinuro ko pa sila. Nagmano siya tapos ngumiti.

"Ma, Pa... si Kenneth pala. Boyfriend ko."

Nagkatinginan sila mama at papa samantalang si Kenneth sa tabi ko ay naubo. He was like what? Courting me for almost three years already. Hindi lang halata pero oo, nanliligaw siya. Medyo nauuna nga lang iyong mga libro at calculator niya noon pero naintindihan ko naman kasi may pangarap siya.

And as promised, tatapusin muna namin ang pag-aaral bago pumasok sa relasyon. Tama naman siguro? I already graduated, he is already just waiting for the results of the board exam.

Tumango si mama. "Tara na at nang makaayos tayo ng gamit bago magbyahe. Wala ka na bang gagawin, Lin?"

My nickname when I was young was Lin-Lin. It was from the Leen word in Aileen. I am not fond of using my second name. Pati si Ken ay hindi alam na may second name ako, nagulat lang siya kaninang nabasa niya iyong plaque kasi sa kanya pinahawak ni mama iyon, pati mga certificates.

I agreed to what mom said. Nang nakarating kami sa dorm ay sinalubong kami ni Tita Felicita.

"Congrats, anak," ani tita.

"Salamat, tita. Thank you for your kind and warming heart for four years saamin."

"Walang anuman, iha. Pagbutihin mo ang buhay at gamitin lahat ng napag-aralan ha?" bilin niya bago umalis kasi may pupuntahan.

Carmen, Gale and Myin was inside the room when we enrtered. Nandito rin ang kani-kanilang mga magulang. Para tuloy kaming sardinas dahil ang dami namin sa loob, mabuti nalang at nagpaiwan sa receiving area si Ken.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now