Chapter 28

1.4K 8 0
                                    

The world we live in are balanced. The other side are the people who have enough money to buy anything they want anytime. The other side remains as they are having bad times of finding money for them to fed and buy their needs.

As well as the law. Kung may pera ka, mabilis ang proseso. Kung walang-wala ka, hahayaan ka nila na mahirapan pa lalo.

Sa relasyon, ganoon din. Hindi pwedeng give ka ng give, mauubos ka. Hindi rin pwedeng take ka ng take, mapupuno ka. Kailangan parehas kayo salitan sa lahat-lahat para balanse at tumagal ang pundasyon.

"Wala na ba tayong naiwan?" tanong ni tita.

"Nandito na lahat sa trunk ng sasakyan, tita!" sigaw ko nang maibaba ang bintana ng sasakyan.

"Height ni Aileen, ma, napagiwanan." Bulong nitong katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang, love. Ayan nanaman ang nakakamatay na titig at hampas mo sa braso."

"Eto na po, magdadrive na po," dagdag niyang sambit.

Sa kabilang barangay lang iyong charity na pupuntahan namin. It only took us a ten-minute drive before we finally head out.

Nestled in a welcoming neighborhood, a community center dedicated in helping homeless individuals is indeed ready for this day. There are also different volunteers from Tita Ofels group of friends.

Upon entering the center, the sound of children's laughter fills the air creating an atmosphere of warmth and inclusivity.

Nakahanda na sa malaki at mahabang lamesa ang mga ibibigay. Ganoon din ang mga pagkain na kakainin mamaya.

Sa kanang bahagi ay makikita sila Tita Ofel at Tito David na kausap ang mga magulang ng mga batang nandito. Sa tapat naman nila ay sila Kuya Kobe at Ate Kyrin ang kumakausap sa ibang mga bata na may edad na.

I went to the adjacent area wherein kids are playing with each other. I put a monobloc chair in front and a kid went up to me as I sat down. Some stopped what they are doing as they also went near me.

"Hello po!" one greeted.

"Ano pong pangalan niyo? Ang ganda niyo po para po kayong anghel!"

Ngumiti ako sa kanila. "Ako si ate niyo Aileen. Nandito ako para turuan kayong magdasal. Tapos magkwentuhan pagkatapos." Ginulo ko ang buhok ng isang babae na tumabi saakin.

"Yehey! May magtuturo na saatin na magdasal nang tama!"

"Ngayon lang ba ulit na may bumisita sa inyo?" tanong ko.

Tumango naman sila. Isa-isa ko silang tinignan at nakita ko ang lungkot na nagdaan sa kanilang mga mata.

"Wala pong may gusto na puntahan kami rito sa kadahilanang wala naman daw kaming alam tsaka mahirap kaming turuan."

"Tsaka po sila Ma'am Kyrin, isang beses sa isang taon lang naman po sila nakakapunta dahil may trabaho po sila."

"Kayo nga lang po ang kusang pumunta sa amin. Kayo lang ang naglakas loob na kausapin kami ng ganito kahit na mabaho po kami."

The sudden words that comes off from his mouth makes me teary eyed. I did not expect some kids experience like this in reality.

It sucks how the government can make money and make employees succeed in works yet they are not aware in this kind of situations.

Nakakalungkot. Nakakainis. It makes me wanna help them one by one. Pero ano bang meron din ako? Halos lahat nga ng sweldo ko ay napupunta kila mama dahil nag-aaral pa ang kapatid ko.

I am also like them, but in some point a bit higher than what they are experiencing.

Mababa na nga ang exchange rate ng pilipinas, hindi pa umaangat ang mga nasa laylayan. Kailan ba tayo matututo? Kailan ba tayo magpapaupo ng lider na siyang tunay na gagabay at tutulong saatin paangat? Hindi iyong puro kurakot sa bulsa ang alam.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now