Chapter 35

1.3K 6 0
                                    

Hindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.

Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ngunit kinailangan kong magluto ng kakainin namin kinaumagahan.

"Hindi ka papasok?" tanong niya habang kumakain kami.

Simpleng iling lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.

Suot na rin niya ngayon iyong polo na nilabhan ko kahapon.

"Anong arte mo ngayon? Baka ikaltas sa sahod mo 'yan. Kulang ang matatanggap mong sweldo, baka wala kang maipadala sa mga magulang mo. Baka galawin mo iyong ipon–"

I cut him off. "Kumain ka nalang. Male-late ka na sa trabaho mo."

Padarag siyang tumayo sa inuupuan niya. Iniwan niya ang pinagkain sa mismong mesa at walang pasabing lumabas ng bahay. Rinig na rinig ko ang pagpatakbo niya nang mabilis sa sasakyan.

Nakasuot ako ngayon ng puting hoodie tapos jogging pants. Kahit na sa kagustuhan kong pumasok ay hindi kaya ng katawan ko dahil paika-ika pa ako kung maglakad.

Tuwing wala siya rito sa bahay, umiiyak ako. Hindi ko kaya kimkimin ang sakit na dulot ng sagutan namin araw-araw. Walang humpay ang mga luha kong nagpapatuloy na kumakawala sa mga mata ko. Kahit na anong punas ko rito ay hindi tumutuyo. Hanggang sa mahapdi na ang mga mata ko. Ramdam ko na rin ang bigat niya dahil sa hindi maayos na tulog at puro iyak.

I went to work the next days. I kept on wearing a long sleeve clothes to wear in order to hide the scratches on my pulse and bruses on my shoulder. Naging normal ang pakikiusap ko sa lahat. Nang tinanong ni Eca kung bakit ako hindi pumasok sa isang araw ay idinahilan ko na masama ang pakiramdam ko. White lies.

Ramdam ko pa rin ang sugat sa likod ko. Mahapdi pa rin iyon tuwing magagalaw, na siyang ipinagpapasalamat ko na hindi napapansin nila Eca na dumadaing ako tuwing papaluin nila ako sa braso.

Tita Ofel called while I'm at work.

"Hello, tita!" bati ko. Nakangiti pa ako na parang makikita niya kahit hindi naman.

"Sorry for disturbing you at this hour, iha.." aniya. "Gusto ko lang na kamustahin kayo ni Kenneth?"

I smiled bitterly. Sinasaktan na ako ng anak niyo, tita. Gustong-gusto kong magsumbong, pero hindi ko magawa.

"Maayos naman kami, tita." I lied. "Busy sa work these days pero nagkakaroon pa rin naman kami ng oras sa isa't-isa." Another lie.

Kailan ba ako matatapos magsinungaling?

"Mabuti kung ganoon, iha. Tumawag kasi ang kaibigan ng Tito David mo. Sinabi niya saamin na hindi nakakapag focus sa trabaho si Kenneth. Dalawang beses ng nahuli ng head nila na nakainom pumasok."

Nakainom? Since when did he start to drink alcohols? Tsaka bakit niya itataon kung kailan papasok siya sa opisina? Anong isasagot ko kay tita? Na hindi ko na alam ang ganap sa buhay ng anak niya?

"Iha...pinapakiusapan kita na sana pakitingin-tingin naman si Kenneth. Pagsabihan mo na rin kung pupwede."

Kahit na naguguluhan sa nangyayari at mabigat ang loob sa mga nalaman, tumango ako. "Sige, tita. Ako pong bahala." Then she ended the call.

Ang lakas ng loob kong sabihin iyon, pero ako mismo alam kong hindi ko kaya si Kenneth. Maaga akong nagpaalam kay Sir Alex. Sabi ko masakit ang ulo ko kaya uuwi na ako, pumayag naman siya.

Nagtricy ako papunta sa Realty Holdings.

Hindi ko inalintana ang siningil na pamasahe saakin kahit na triple pa ito sa normal na pamasahe. Gusto kong makausap siya ng personal. Hindi ko kayang hintayin pa ng gabi, dahil baka hindi rin siya umuwi mamaya.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now