Chapter 8

992 9 0
                                    

Malalaman mo talaga na nasa college ka na kung lahat ng kasama mo puro cramming. Puro kape ang hawak, at puro reviewer at random words na ang naririnig mo dahil midterms na.

Ganito ang bonding dito sa university. Pagkatapos ng mahaba-habang unigames at puro Long exams, magpapamidterms sila. Ay mali...

Every week pala may Long exams na, kaya every week din na may hawak na kape ang lahat. Kaya siguro laging ubos ang iced coffee ng mcdo.

"Nagreview ka na, Ai?"

Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na nila 'yan saakin. Lahat may hawak na printed reviewer for the subject to be taken today pero mas madami naman ang chika kesa review.

"Sa SocSc01, oo. Sa Comm01 hindi na, stock knowledge naman ang kailangan do'n. Basta nakinig ka noong naglelecture siya."

"Paano kung inaantok ako tuwing lecture niya? Edi ako ang mai-stock sa subject niya?"

Katulad niyan. Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako kay Eca. Kagabi naman puro tanong siya saakin kaya sa tingin ko ay nakareview naman siya nang maayos.

Nagtiwala ako na kaya naming lahat. Of course except to this subject that it has to be feeling major.

"Ano sagot mo kanina sa number one test one?" agad na ingay ni Eca saakin paglabas ng room.

"Letter A ata? Iyon lang naman hindi kasama sa choices."

"Hindi ba letter B? Iyon ang nabasa ko sa notes ko." Si Kria na nagsabi.

"B din ang sagot ko." Nakangusong wika ni Lane.

"Halla! Letter D saakin, none of the above!"

Natampal ko nalang ang noo ko sa sinabi ni Eca. Hindi pa siya nakuntento sa sinabi namin kaya nagtanong tanong pa siya sa iba naming kaklase.

Pag-uwi ay review ulit dahil may last day pa bukas. Dalawang subject pa, kaya pa 'to. Magakakasama kaming lahat sa receiving area na mag-aral. Kanya-kanyang topic sa harapan ng mga reviewers. Paminsan-minsan ay magpapahinga tapos magpapatuloy ulit.

Chemistry and Mathematics in the modern world is our subject this time. Talagang pinagsabay ang dalawang 'to. Kaya naman sabay-sabay din ang reklamong maririnig sa loob ng room namin.

"Paano nga ulit i-balance 'tong chemical reaction?"

"Eca, magtatanong ka tapos hindi mo rin maiintindihan ang explanation namin," sagot ng isa sa kaniya.

"Grabe ka naman! Iintindihin ko na 'to, promise. Hindi gaya niya na hindi man lang ako maintindihan."

Ganiyan siya. Laging may isinisingit sa seryosomg usapan. Nasa gilid ako at nagrereview mag-isa pero rinig ko ang ingay mila rito. Magpapaturo ang iba saakin at kung sakaling alam ko ay ituturo ko naman. Hindi kasi talaga ako pinagpala basta numbers.

"Kapag ganito titrimetric na 'yan."

"Pano kapag babaliktarin ni sir? Meron ang molarity at volume ng titrate tapos analyte ang wala?"

"Babaliktarin mo lang 'yong formula na given." Our classmate said. "Mabilis lang 'yan, nasa kung paano ka mag manipulate ng formulas."

"Ay hindi kasi ako manipulator kaya siguro hindi nagana sa akin," sagot niya na ikinatawa ng lahat.

We only waited for the time to start before we took every exam seriously. Biruin mo 'yon, Dalawang problem lang pero ang katumbas na ay 60 points! Paano kung wala akong nakuha ni isa? Overthink malala.

As usual after the exam, Eca and the others are talking nonstop again about it. Ni hindi pa makapaniwala ang babae na tinapos kaagad ni prof ang oras kahit hindi pa naman umabot ng isang oras, ganoon siya ka strict.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now