Chapter 6

1.1K 16 7
                                    

May tao ata talagang pinanganak para mang-asar ng kapwa niya tao. Iyong tipong hindi kompleto ang araw niya kung wala siyang naiinis.

It was supposed to be me and Kenneth only. Pero nakita kami ni Myin kaya sumama sila, pati si Gale at Carmen. Dito kami sa genuine tea hub dahil halos lahat kami samgyup ang cravings.

Kanina pa nagtatalo sila Myin at Kenneth. And mind you, he was with Lance also. Kaya ang nangyari ay parang go out with dormmates na.

"At least hindi ako pinanganak na ulupong." Si Myin bago umirap kay Lance at Kenneth.

"Kesa naman sa–"

"Sige subukan mo magsalita, ibabato ko sa 'yo 'tong lettuce."

"Pikon naman." Tawa ni Kenneth.

Siguro may 30 minutes na kami rito. Unli kasi kaya sa isang oras ay kailangan maubos ang mga kinuha namin dahil kung hindi ay ipapabayad saamin iyong mga tira.

Ako iyong taga kuha ng side dishes, kasama ko si Gale. Si Carmen naman ay taga bigay ng juice dahil iyong juice tower dispenser ang kinuha namin. Tapos Myin and Lance are the one cooking. Si Kenneth ang taga asar lang ang ambag.

"Hindi ka pa ata naligo na pumunta rito, ang lakas ng amoy mo kesa sa beef na naluluto."

Magsisimula nanaman sila. Tapos magrerebut din si Myin hanggang sa siya lang din ang maiinis.

"Tumigil ka na, brad. Baka ipabayad sa 'yo 'yong nilibre niyang juice," ani Lance sa kanya kaya natawa kami.

"Samgyup today, broke wallet tomorrow."

"Okay lang 'yan, Gale. Ang importante busog," saad ni Kenneth sa kaniya.

"Gago, at least friday na ngayon," segunda naman ni Carmen sa kaniya.

"Ang hirap kaya humingi ng allowance," sumimangot siyang ngumunguya. "Mabuti sana kung walang gastusin this coming week. Unigames kaya panigurado maraming food stalls."

"Ikaw ang bunso?" tanong ni Kenneth.

"Tama. At ang hirap humingi ng allowance sa nagpapaaral saakin."

"Parehas pala tayo," biglang ani ng lalaki kaya napatingin ako sa kaniya. "Saakin kasi, hihintayin ko na tanungin muna nila ako kung may pera pa ba ako o wala na. Hindi rin biro ang magtrabaho."

"Same, same. Imagine, I can't construct my sentences when I needed to message my sister," saad ni Gale. "Parang crime na rin humingi ng pera."

Halos silang dalawa ang mag-usap tungkol sa ganoong topic. Paminsan-minsan ay sumisingit si Myin kahit na hindi naman nila siya tinatanong ay magsasalita at may ishe-share siya. Tahimik akong kumakain at nag-oobserve sa kanila dahil hindi naman ako relate.

I am an eldest daughter who gets everything she wanted. Isang sabi ko lang, nandiyan na, magpapadala na sila.

Kenneth:
Ang tahimik mo naman kanina

Me:
Hindi ako relate sa topic

He immediately chat me the moment we got home. Nandito ako sa kama ko at nakadapa na nag i-scroll sa tiktok tapos lilipat sa isang application kapag may message siya. Walang chatheads ang ios eh.

Kenneth:
Hahahaha akala ko madaldal ka

Me:
Madaldal naman talaga. Hindi nga lang relate sa topic huhu

Kenenth:
Sige kikilalanin pa kita hahahaha

I rolled my eyes. Bahala siya diyan.

Same chores during saturday and sunday was finished. Maglaba, mamalengke ng isang linggong stock, magsimba sa hapon ng linggo tapos magluto ng kakainin three times a day for the two days. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay tuwing gabi, kausap ko si Kenneth hanggang alas dose mg hating gabi. Walang kwenta kung minsan ang sinasabi niya pero mostly puro banat na susuklian ko rin ng risky message tapos magpapahabol ng joke o charot.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now