Chapter 11

969 13 2
                                    

I made a deal which I, myself, knew that I will also be the loser in the end.

Kenneth:
Matulog na tayo gabi na. Bukas ulit. Goodnight, sweetdreams!

I reacted heart to his last message. I've been staring at it for a whole damn ten minutes already. Alas kwatro ng hapon na kami umuwi galing Paoay. I slept for an hour before cooking dinner and after which, magkausap na kami nonstop ni Kenneth.

Tinapos ko na ang assignments the next day. May sinend din si Kria sa group chat naming apat kaya naging madali nalang saakin ang lahat.

"Good morning, Ai." Naglapag sa harap ko si Kenneth ng pancakes. "Ang sarap ng breakfast mo ah, pre-calculus." He chuckled.

"Rewrite lang. Kanina ko pa 'to tapos."

"Kain ka muna. Kanina ka pang alas syete rito, hindi ka pa umaalis diyan sa inuupuan mo."

Normal lang bang kabahan habang nagsusulat? O baka kasalanan 'to ng bigay niyang cupcake, may ingredient siguro na nagpapa-palpitate.

Baka nasobrahan ko na rin sa puro kape. Madalas na rin ako sa mcdo dahil laging nag-aaya ang mga kaklase ko lalo na noong may klase na ulit o di kaya naman sila Gale.

"McFloat sa'yo, Ai?" Gale asked.

Umiling ako. "Iced coffe, Vanilla."

"Hindi ka nanaman makakatulog niyan," wika ni Carmen sa tabi ko.

"Lagi naman 'yan may kabebetime tuwing gabi kaya worth it lahat ng kape niya." Myin joked. Na hindi ko pinansin dahil lagi niyang sinisingit sa usapan na may boyfriend na raw ako, kahit wala naman.

"Lunes na lunes, badtrip ka." Eca pinched my cheek na lalo kong kinainisan. "Anyare?"

"I wasn't able to review last night. May nagpapatugtog na akala mo naman sa kaniya buong kwarto."

"Sino? Si bff mo nanaman siguro," she laughed. "Lipat ka na kaya ng dorm? Para mabawasan naman kahit konti ang stress mo."

She knew about everyone. Almost all of the happenings around me.

"Mahirap na maghanap ng bakanteng dorm ngayon, sa dami ng students ba naman."

"Gusto mo ichat ko siya? Para mahimasmasan sa gawain niya. Hindi ata siya aware na masyado na siyang feeling superior eh."

Immune na nga rin ata ako kay Myin. Papasok sa loob ng tenga tapos lalabas sa kabila: ganoon ako sa mga kwento niyang hindi naman namin tinatanong at wala naman kaming pakialam.

"Hindi kaya ganoon din nafifeel nila Gale sa kaniya? Baka hindi lang nila masabi sa 'yo kasi alam nilang close kayo ni Myin."

"Binigyan mo pa ako ng i-ooverthink."

I was sleepy the whole day for all of the class. Lutang akong gumagawa ng experiment sa laboratory, tapos hindi ko naipasa kay sir ang analysis dahil nakalimutan ko sa dorm ang notebook namin ni Eca. What a day.

Kaya naman ang ginawa ko na noong finals week, sa library ang tungo ko agad para magreview. Susunod si Eca saakin makalipas ng ilang oras tapos sabay na kaming pupuntang CAS para mag exam.

I was spacing out rather than mostly reviewing. Sa kakaisip ng pag-uwi ko this week dahil uwing-uwi na ako sa bahay, nauna na sigurong magbakasyon ang utak ko kaysa sa katawan.

"Advance Merry Christmas, Ai!" Eca hug me. Sumunod si Kria tapos si Lane.

"Ingat ka pauwi. Itext mo kami kung nakarating ka na ha," bilin ni Lane.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now