Chapter 12

999 14 6
                                    

"Kompleto 'yan mula limits hanggang partial differentiation. Kung may hindi ka maintindihan sa sulat ko, sabihan mo'ko."

Binigay saakin ni Kenneth ang notebook niya na naglalaman ng mga notes niya noong first year, pati iyong libro ng calculus, pinahiram niya saakin.

"Thank you for this, pati sa pagturo saakin kahapon. Una na ako."

"Goodluck sa'yo. Update me after," aniya bago umalis.

Nagkataon na parehas kami ng schedule na alas tres ng hapon kaya sinabay niya na ako papunta rito sa CAS kasi parehas naman ng daan papuntang COE.

Super kabado ako habang nag-eexam. Kung hindi sa oras ako titingin ay sa professor sa harapan na siyang isa-isa kaming minamanmanan. This is harder than I expected. Akala ko kung paano siya gumawa ng mga examples noong lecture ay ganoon na rin siya magbibigay ng items sa exams kaso hindi.

"Ang hirap! Hindi naman niya itinuro iyon! Puro complex problems ang binigay niya," reklamo ko kay Kenneth.

"Kung alam mo 'yong basics dapat alam mo na rin kung paano gawin 'yon," sabi niya. "Inisa-isa mo muna sana tapos saka mo tignan kung anong identity ang pwedeng i-apply."

"May magagawa pa ba ako? Tapos na nga."

He chuckled. Hinila niya ako paupo at saka iniwan saglit tapos pagbalik niya ay may dala na siyang ice cream at binigay ang isa saakin. "Oh, huwag ka na umiyak."

"Papasa ka naman siguro do'n. Alam ko na ginawa mo naman ang best mo sa lahat. Tiwala lang at kay Lord sa plano niya."

Nandito kami sa harapan ng twin gate. Ito ang madalas na naming tambayan bago umuwi sa dorm. Simula noong nagpunta kami sa Paoay, araw-araw na kaming magkasama, lagi siyang nag-aaya. Minsan tumatanggi ako sa kadahilanang wala na akong pera, pero hihilain parin niya ako at siya manlilibre.

What if lagi kong sabihin na wala na akong pera?

Simula rin noong sabi ko kay Lord, huwag na niyang ipapakita ang taong 'to saakin, lagi ko na siyang nakikita. Hindi ata Globe ang gamit ni Lord, baka Smart siya o di kaya Dito. Hindi niya narereceive ang mga hiling ko eh.

Paano kung isang araw masanay ako ng tuluyan?

He's a year ahead of me. Baka kapag nagtapos na kami ng college, hindi na kami magkita habang buhay.

Iyon ang kinakatakot ko kaya kung pwede sana, ayoko na ng bagong kaibigan.

Ngunit alam ko sa sarili ko, umaasa ako sa lahat ng kilos niya. Never pa nagkamali ang instinct naming mga babae. Kung tatanungin ako, malakas ang kutob kong may ibang dahilan kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na 'to.

"Ano 'to?"

"Pagkain siguro, Ai." Umirap siya. "Crocheted tulips malamang. Napansin ko kasi na mahilig ka sa purple at sa tulips."

"Ken, alam mong ayaw kong gumagastos ka kapag ang pera ay galing sa mga magulang mo."

"Sino bang nagsabi na wala akong trabaho? Tuwing umuuwi ako ng weekends ay tumutulong ako sa shop ni tito, kaya sinasahuran din nila ako." Pagsusungit niya saakin.

Tumawa ako kaya lalo siyang napairap. "Salamat."

"Magpapasalamat din naman pala, sinungitan pa ako." Bulong niya na siguro ay sinadya niyang lakasan dahil narinig ko naman.

Napaka random niyang tao. Iyong tipong halos araw-araw ay magugulat ka sa mga pinapakita at ginagawa niya. He is very outside the box type of a person. Hindi siya nakapokus sa isang bagay dahil lahat ng aspeto tinitignan at binibigyan niya ng pansin. He's mature. Most of all, he is very hands on to his studies. Hindi ko siya nakita na nagreklamo sa pagod, kahit na araw-araw siyang puyat dahil sa kakareview.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now