Chapter 10

1K 11 7
                                    

"Uuwi ka?"

Nth time that question was asked for me this day by my classmates.

"Hindi muna. Nasasayangan ako sa pamasahe, tatlong araw lang naman ang break.

"Grabe, buti nakakayanan mo. Ang tagal mo na rito sa Ilocos ah! Grabeng homesick ka na siguro."

Three days were given to us, students, as our rest day. Many are going to Pangasinan for the University Athletic Association.

"Eca, tara."

Naguguluhan siyang lumapit at kinuha ang bag niya. "Saan tayo?"

"Kain tayo fishball, libre kita."

"Wow! Anong himala ang nalanghap mo?"

She talked like I've never done this huh. Kung sabagay, hindi ako ganoon ka gastador. Kada tatawag kasi sila na pumunta ng canteen ay sasama naman ako pero wala akong bibilhin.

"Ano nalang gagawin mo sa dorm niyo ng tatlong araw? Puro tulog?" Tanong niya habang naglalakad kami sa catwalk.

Nagkibit balikat ako. "Meron naman 'yong binigay na gagawin."

"Ay oo nga pala! Bwisit 'yan, rest day daw pero tambak naman ng gawain."

There are two problems in chemistry and then 10 sample problems also in pre-calculus that were given by our professors to answer. Break nga ang binigay.. break sa utak literal na hati.

"Uuwi kaya si Lance ko?"

"Uuwi ata silang lahat. Kami Myin lang maiiwan." Binatukan ko siya. "Tsaka anong mo? Hindi mo pagmamay-ari si Lance, gaga."

"Malapit na, hintay ka lang. Ikaw una kong sasabihan kung naging kami na."

"Sana mausog."

"Kahit kailan talaga masama kang nilalang!"

"Hindi ah, depende lang kung manlilibre ako."

Myin is from Cagayan like me. Ang rason niya ay aattend daw siya ng debut ng kaibigan niya kaya hindi siya uuwi.

Although the landlady are there, I can't keep up with the thought na mag-isa ako roon simula bukas.

"Dalawang thirty pesos po na assorted, kuya." Inabot ko ang bayad sa nagbebenta pagkatapos niya ibigay ang binili naming fishball na may kikiam at hotdogs.

"Uwi na tayo?"

Umirap bigla si Eca. "Gaga ka talaga. Bukas at hanggang sa thursday hindi na nga tayo magkikita tapos gusto mo umuwi na eh maaga pa naman. Hindi mo ba mamimiss ang mukhang 'to?"

"Hindi."

Malay ko ba kasi na baka mamaya hinahanap siya ng mga kadorm niya. Tsaka mas gusto niyang kaagad na umuuwi kasi kapag maaga ang dismissal.

"Infairness ha, masarap ang hotdog ni kuya."

"Bakit kay Lance hindi?" birong tanong ko kaya natawa siya. "Joke lang, baka utusan mo pa akong silipan siya kapag naliligo."

"Ikaw 'yang bunganga mo minsan pasmado. Ang daming nakakarinig oh hindi ka ba nahiya."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Wow, Franzesca Ramirez, hindi ikaw 'to. Ilabas mo si Eca kung sino ka man, masyado na siyang nagiging mabuti, hindi siya pwedeng sa langit mapunta."

She laughed. "Tanga, epekto ng inlababo 'to. Hanap ka na rin kasi ng iyo para umayos ayos na ang ugali mo."

"Nagsalita ang halos palitan na si Lucifer sa trono."

Kung hindi kami aso't pusa, minsan parehas kaming demonyo o anghel. Minsan naman parehas na judger pero madalas sa lahat pinagpaparehasan namin. I guess I finally found someone who won't judge me the way I am.

Limits of Infinity | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon