Chapter 5

1.1K 16 3
                                    

I grew up receiving the right amount of love from my parents, especially my father. I am the eldest daughter, but I am being treated well and fair.

Lahat binibigay saakin basta alam nilang ikabubuti ko. Hindi nila ako pinaghihigpitan, hindi tinataasan ng boses, hindi kinukumpara, at higit sa lahat hindi sinasaktan ng pisikal.

Papa is my first love.

I grew up seeing how he treated me and my mon more than a princess and more than a man could do. Papa set the bar so high that I know where and when to settle in a man.

Kaya malambot ako sa lalaking marunong tumupad ng sariling salita. Kung kaya niyang higitan ang gawain ni papa saakin, bibigay ako.

Kaso where can I find someone like that in this generation? Wala. Mag-imagine ka nalang.

Hindi tumupad si Kenneth sa usapan. Paano ay sinabi ko naman ang available time ko pero kahit anong oras pa rin naman ng araw ay susulpot siya!

Kagaya noong huling usap namin sa mcdo, kinabukasan ay nagulat ako nang nasa canteen ulit siya, nilapitan ako at nakiupo dahil wala akong kasama that time kasi ang tagal ni Eca sa cr.

Kenneth:
Nasa dorm ka?

Me:
Wala

Delivered. Simula nang nakauwi ako sa dorm noong araw na 'yon, doon siya nagsimulang magchat saakin. From then, up until now we are in contact.

Nagmyday ako ulit ng picture sa loob ng room dahil mag oovertime kami ngayon. Biglaang General Assembly ng organization dahil election of officers daw. Wala pang limang minuto ay na-view na ni Kenneth at kaagad na may reply siya roon.

Kenneth:
Late ka uuwi?

Kenneth:
May kasama ka ba?

Me:
Yup

Me:
Buong org, GA raw

Me:
Bakit mo tinatanong? Susunduin mo ba ako? emz

Kenneth:
Pwede

Kenneth:
Kaso may bayad. 100 kasi mahal gas

Me:
Pass pala

Me:
All I tot mabait ka

Kenneth:
Wdym u tot hahahaha

Me:
Ang bait mo kasi kila Gale, Carmen, at lalo na kay Myin.

Kenneth:
Akala mo lang yon hahahaha

Kenneth:
Hahahaha Napansin mo pa pati 'yon

I hate myself when it comes to him. Ang bilis ko magreply, samantalang siya isang minuto pa bago maseen. Ang daldal ko, siya puro tanong. It's like I am oversharing but no. I can't help it to say something to someone who can understand my side.

"Grabe ang mga mata, nakapokus lang sa cellphone. Hanep!"

Natawa ako . "Kadorm lang, Eca," sagot ko, "Ni wala pa nga akong nahahanap na engineering student with porwils."

"Asus! Kahit hindi na kasi engineering student basta may four wheels at kakasya kaming mga kaibigan mo!"

People who have heard that words from Eca laughed. Ganoon ka walang filter ang bunganga niya.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now