Chapter 29

1.2K 9 0
                                    

Kung tatanungin ako anong mas gusto ko, maging estudyante ba o ang magtrabaho... siguro mas pipiliin ko ang maging estudyante. It doesn't require a lot of work, and the only thing you need to focus is your studies.

Sa trabaho kasi, malawak na ang field na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Totoo iyong sinasabi nila na kapag estudyante ka, ienjoy mo lang, kasi hahanap hanapin mo 'yon kapag nagtatrabaho ka na.

"Ai, kain ka na! Kanina ka pang nakaharap diyan sa screen ng desktop mo. Malapit na matapos ang lunch break." Rinig kong sabi ni Eca.

"I need to finish this work before 1 pm, Eca. Hindi naman ako gutom."

Nang narinig niya iyon ay padabog siyang tumayo at lumapit saakin. Sumandal siya sa may gilid ko at nakahalukipkip.

"Isusumbong kita kay Kenneth. Ang tigas ng ulo mo. Ilang linggo ng ganiyan ka at hindi kumakain ng pananghalian!" sermon niya. "Hindi naman tatakbo 'yan, ano ka ba?!"

I chuckled. "Chill ka lang, Eca. Masyado kang worried saakin."

"Paanong hindi? Saakin ka binilin ng asawa mo! Kapag may nangyari sa'yo yari ako sakaniya."

Tinawanan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Hatid-sundo kasi ako ni Kenneth dito sa opisina. Halos lahat ata ng opisyales dito ay kilala na siya; alam na rin nila ang relasyon namin. Kaya hindi natatakot na magsumbong si Eca dahil tuwing hapon ay nakikita niya ito.

"Oh," may nilapag siyang biscuit sa harap ko. "Kahit 'yan lang, kainin mo, please."

"Ako ba bestfriend mo o si Kenneth?" tanong ko. "Concerned ka kasi ayaw mong mapagalitan  ka niya?"

"Baliw!" Binatukan pa ako. "Concerned ako sa'yo bilang bestfriend mo for 6 years! Kalusugan ang pinag-uusapan natin dito, Ai."

I surrendered. Binitawan ko ang keyboard at binuksan ang biscuit na bigay niya. Kinagatan ko ito at pinakita sa kaniya kung paano ko nguyain. "Okay na? Kumain na ako," saad ko pagkatapos malunok iyong biscuit.

"Isusumbong pa rin kita," umirap siya bago bumalik sa pwesto niya.

I was left alone again in my area. With a quiet surroundings, only the sound of the keyboard as I encode is what you can hear.

I needed to gather raw data from various sources like satellite and radars for observations. The temperature, humidity, air pressure and speed and direction can help me locate and forecast the weather. Afterwhich, I organized it in a structured format, which is the spreadsheet. Dapat din na lahat ng narecord na variable ay may sariling timestamps o geographical coordinates para sa mga analysis pa niya.

Pagkatapos ay kinailangan kong i-double check para sa accuracy at consistency. Mahirap magkaroon ng errors dahil baka ako pa sisihin.

I evaluated the accuracy and precision of the data before identifying the patterns and locating the findings.

Ganito kahirap magtrabaho. Ultimo isang segundo masasayangan ka dahil kailangan perpekto at walang anomalya ang matatapos mo. Sa kahit anong trabaho naman hindi ba? Magtataka at magtatanong sila kung paano ka nagkaroon ng conclusion sa gawain mo kaya kailangan hands-on ka.

Someone knocked on the side of my table. Hindi ko pa sana papansinin kung hindi ko lang naamoy ang pabango niya dahil humalik siya sa pisngi ko.

"Anong oras na, love."

"Wala ka bang relo?" Masungit na tanong ko bago i-save lahat ng nagawa ko at in-off ang computer.

Limits of Infinity | ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu