Chapter 15

989 12 19
                                    

Birthday ang pinaka importanteng pangyayari sa buhay ko.

Hindi ako mahilig sa selebrasyon. Taon taon ay pinagdiriwang ko lang ito kasama ang pamilya ko; sila mama, papa, at ang aking kapatid.

Ngayon ay iba. Kailangan kong magdiwang dahil maraming tao ang naging parte ng buhay ko ngayong kolehiyo. Hindi lang nila ako tinulungan na umangat, inakay din nila ako hanggang makarating sa dulo ng bawat semestre.

Nagpadala sila tito, iyong asawa ng kapatid ni mama, ng pera para may gagamitin ako ngayong araw. Pagkatapos kong pumunta ng Palawan Express ay dumiretso ako rito sa simbahan para magpasalamat.

Bumili ako ng benta nilang kandila bago pumunta sa harapan at magdasal. I kneel on the kneeler as I close my eyes.

'21 years of existence in this world means so much to me, Lord. I know I may be hardheaded sometimes but you are always there to remind me how to be calm in so many ways. Thank you for giving me life. I only wish for two things this time: to make me and my family healthy and away from harm, and to guide me to the path that I am taking.'

Pagkatapos kong magdasal ay sinindihan ko na ang kandila sa likod at nagpasalamat ulit sa araw na 'to, bago ako umalis at umuwi sa dorm.

"Happy birthday, bestfriend!" Eca hugged me as I step inside our room.

Inimbita ko siya kahapon na pumunta rito para sabay-sabay na kaming pupuntang Culili Point sa Paoay mamayang hapon. Nadatnan ko siya na kasama si Gale at naglalaro sila ng Uno.

"May dala akong cupcakes. Kumain ka na dali!" Pinaghila niya ako ng upuan tsaka pinaupo.

"Nasaan iyong dalawa, Gale?" tanong ko kay Gale nang mapansin na wala sila.

"May shooting ng project filming si Myin. Baka after lunch na raw makauwi. Si Carmen, pumuntang rob saglit, kikitain daw ang ate niya." Sagot ni Gale.

"Anong oras ba tayo pupunta mamaya? Makakaabot ba sila?" Si Eca.

Tumango si Gale. "Makakaabot mga 'yon. Mas excited nga sila kesa kay Aileen na birthday celebrant."

I laughed. "May color coding mamaya ha. Ang hindi naka blue or white may parusa."

Kaagad na tumingin si Eca sa suot niya. Pinalo niya ako nang napagtanto niyang kulay pula ang suot niya ngayon.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" giit niya.

I stuck my tongue out. "Hindi ka nagtanong."

"Kagabi kasi nag usap-usap kami, tapos suhestiyon ni Myin na sana raw may dress code, edi ayan." Gatong ni Gale.

Suminghal si Eca. "Sinadya mong hindi sabihin saakin o tinatakwil mo na ako bilang kaibigan mo?"

"Both."

"Mature," sarkastiko niyang sabi. Kalaunan ay hiniram din ang cellphone ko para tawagan si Kria.

Wala siyang choice kundi humiram kay Kria dahil pupunta rin sila mamaya. Wala akong extra blue na damit dahil iyong meron saakin dito ay dress lang at iyon ang isusuot ko mamayang aalis kami.

Napagdesisyunan kong picnic ang celebration ngayon. To add a twist with it, dapat maabutan namin ang sunset. Iyong pupuntahan namin ay malapit na sa Sand Dunes. Walang masyadong dumadaan na tricycle roon kaya naman naghire ako kahapon ng jeep na masasakyan naming lahat.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now