Chapter 31

1.3K 6 0
                                    

Naglagay ako ng lipstick sa labi tapos nagpulbo. Kinuha ko ang pabango niya sa compartment at nagspray sa likod ng tenga at sa may palapulsuhan. Amoy pabango tuloy ang loob ng sasakyan.

"Love, I'm not sure if I'd be going home early this afternoon. Text nalang kita," aniya saakin pagkatapos ibaba ang tawag galing sa kasama niya.

"Magta-tricy nalang ako pauwi." Nilingon ko siya. "Huwag mo nalang ako sunduin."

Ngumuso siya. "Second anniversary natin tapos hindi tayo magkasama?"

I chuckled. "You'll go home right?" He nodded. "Then let's celebrate when you got home!" I said.

Lunes ngayon. Palaging naitatapat na weekdays ang anniversary namin. Palagi rin na gabi ang selebrasyon na nagaganap dahil parehas kaming pagod sa trabaho.

Malaking pasasalamat ko na mature kaming dalawa to the point na kaya namin intindihin ang isa't-isa.

"Thank you, love." I gave him a peck on his lips.

"Anything for my favorite lady."

Pagbaba ko, bumusina siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis.

Sumalubong sa loob ng opisina si Eca na nakangisi. "Happy second sa inyong dalawa," aniya. "Manlilibre ka ha." She demanded.

"Makapagsalita ka akala mo nagtatae kami ng pera." Nilagpasan ko siya at tumungo sa desk ko. Sumunod naman siya. Maaga pa kasi kaya may oras siyang mantrip.

"Hindi ka nagfile ng leave? Maiintindihan naman siguro ni sir 'yon. Anniversary niyo naman." Palikod siyang sumandal sa table.

"Naka leave ako tapos si Kenneth hindi? Anong silbi kung gano'n?" I laughed. "Tsaka maraming bayarin na kailangan bayaran. Dapat doble kayod kami."

"Grabe," nanunuya siyang tumingin, "Magulang na magulang ang peg ninyo ha! Anak nalang kulang."

"Paampon ka you want?"

Umiling siya na animo'y nandidiri. "Pass. Maghahanap nalang ako ng sugar daddy kaysa sa masaksihan ang lampungan niyong dalawa."

Eca knows our struggle as a couple. Alam niya kung paano ako umamin noon at kung paano namin hindi sinukuan ang isa't-isa habang kasabay ang pag-aaral. I must say, I am lucky to have her.

"Ikaw?" tanong ko. "Kailan ka magkakaron ng kalampungan?"

"Psh," she made a face. "Pass na ako diyan. Gusto ko muna maging financially stable bago ako ulit pumasok sa relasyon."

"'Yan din ang sabi ko dati sa sarili ko. Tignan mo kung nasaan ako ngayon," biro ko. Tinawanan lang niya.

Kung meron man akong natutunan sa buhay, iyon ay huwag basta-basta magbibitaw ng mga salita. Malay mo bukas makalawa ay mangyari ang hindi mo inaasam.

Pagpasok ni Sir Alex ay siyang pag-alis ni Eca sa tabi ko. Balik kanya-kanyang trabaho ulit kami.

Ang bilis nga ng panahon dahil parang ang tagal ko na ring nagtatrabaho. Sa katunayan niyan ay nasanay na ako na laging nakaharap sa mga technologies. Lalong lumalaki ang grado ng mga mata ko dahil dito. Minsan ay nakakalimutan ko pang pumunta sa monthly eye check-up.

May mga oras na magtatawanan kami rito sa loob ng office dahil nagbibiro si Sir Alex.

I thought before that he is strict. But then again, always lower your expectations to someone in order not to fail yourself.

Pagsapit ng lunch, nandito nanaman si Eca sa tabi ko. Hindi na kami lumabas dahil napagsunduan namin na magbaon nalang para makatipid.

Tuna with egg tapos rice ang saakin. Si Eca naman ay puro gulay. Vegetarian na ata ang gaga.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now