Chapter 17

908 17 8
                                    

Some people are afraid of night.

Takot sila sa posibleng mangyari sa loob ng ilang oras na tahimik at madilim ang lugar.

Pero para saakin ay ang kasalungat nito. I love nights. It gives me calm and peace whenever I think about bright stars that shines every after a tiring day. Na para bang iyon ang nagpapaalala saakin na kahit anong pagod mo sa maghapon, kaya mo parin magbigay ng liwanag sa ibang tao kapag gabi.

"Share mo naman mga iniisip mo," Kenneth hugged me behind while we were both looking up to the stars. "Pagod ka?"

"Hmm," I hummed and took a deep breath.

Kung ibubuod ko lang naman ang nangyari saakin ngayong araw, ito sila: Nagising, nagluto, pumasok, nag-exam, nagdefend, tinapos ang codes, umattend ng general assembly, at pumirma ng napakaraming reso at form 5.

"Kwento ka," ani Kenneth.

"Ng?"

"Kahit ano. Just to loosen you up and to lessen your burden, kung meron man."

"Is it okay for you?"

"Ang alin?"

Sumandal ako sa dibdib niya. "Na magkwento ako."

"Bakit naman hindi? I would love and like to hear every stories of yours. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano sa mga 'yan. How was your day at bakit ka pagod? Dali na, kwento ka."

Bumuntong hininga ako matapos humugot ng malalim na hininga. Sa ilang taon ko na siyang kasa-kasama, ngayon lang ako ulit magsasabi ng problema at hinanakit ko sa kaniya.

Tuwing may sasabihin kasi ako ay hindi naman ganoon kabigat na dinadala.

"Drained na drained na'ko," panimula ko sa kaniya. "Nakakawala ng lakas. Lahat ng karoommate ko, nakakaubos sila."

I gulped. "Last sunday, wala si Carmen, may sakit si Gale kaya ako ang nag-alaga sa kaniya kahit na kailangan kong magreview kasi may exam kinabukasan. Si Myin naman inuuna ang barkada. Sabado ang schedule ng market day namin pero nakuha pa niyang pumuntang robinsons. Mag-isa ko tuloy na namalengke at bumili ng bigas."

Wala si Gale ngayon kasi umuwi siya sa kanila. Si Carmen at Myin at naki sleepover sa kaklase nila. Third year really makes us have a lesser time to see each other because of school works.

"Kanina–ay mali. Simula noong lunes hanggang kanina, never ko pa sila nakitang magluto. Ako ang may pinaka maagang schedule, ako rin ang magluluto sa gabi kasi itutulog naman nila pagkauwi." I sighed. "Napapagod din naman ako."

Nakakaubos din. "Hindi ko alam pero dahil ba sa ako ang panganay kaya hindi ko magawang iwanan ang responsibilidad na pati rito ay kailangan may gampanan ako?"

"Tapos kanina.... muntik ko ng pagbuhusan ng galit iyong isa kong kaklase. Paano ba naman, napaka nonesense ng sinasabi tapos ako pa ang uutusan eh kita na nga niyang may ginagawa ako."

Gets ko naman na nagtatanong lang siya. Pero kasi general assembly nga eh. Alin doon sa salitang iyon ang hindi niya maintindihan at itatanong pa niya kung kailangan daw ba nilang umattend?

"Go on, I'm listening," wika ni Ken nang ilang minuto akong natahimik.

"Gusto ko rin 'yong hindi ko mafeel na panganay ako. Gusto ko naramdaman iyong feeling na binebaby. Gusto ko rin maging pabaya minsan, para kahit naman isang beses ay maramdaman ko kung paano saluhin ng iba." I chuckled when I realize something. "Pero hindi ko pala pwedeng gawin. One wrong move and everything will collide. Panganay ako eh."

Bitterness can be heard on my voice. Hindi ko alam, pero ang saya ko na nasabi ko sa kaniya lahat ng 'to.

I laughed awkwardly. "Hindi ko alam kung ako pa ba 'tong nagsaslita or hormones ko na 'to dahil malapit na akong datnan."

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now