Chapter 26

1.9K 10 4
                                    

Two weeks after our anniversary, his parents called. They told him that we should come over for a simple family gathering for two days.

We both needed to file a leave for that. According to him, this is celebrated every year before his mom's birthday.

"Tikman mo na, love." Aligaga kong nilagay sa harapan niya ang spoon para matikman kung tama ba ang lasa ng niluto kong Chicken Curry.

Paborito iyon ng mama niya kaya nagpaturo ako ngayon sa kaniya na lutuin ito. Linggo ngayon kaya parehas kaming walang pasok. Mamayang hapon din ay babyahe na kami papunta sa kanila.

"Ang tabang," wika niya. "Nilagyan mo na ng seasonings?"

"Hindi pa."

"Parang tanga, love. Ipapatikim tapos hindi pa kompleto sa seasonings."

Umiling-iling siyang inagawan ako ng pwesto bago naglagay ng kung ano-ano roon sa niluluto.

Wala siyang damit pang-itaas ngayon dahil sinuot niya saakin kaninang paggising namin itong t-shirt niya. Paano ay kagabi hindi nanaman ako tinantanan.

"Alam ni tita na may sasakyan ka?" tanong ko sa kaniya. Simula kasi noong bumukod kaming dalawa, hindi na niya ina-update ang mga magulang niya.

"Hindi. Ngayon palang nila makikita."

"How about your siblings?"

"Hindi rin. Ikaw lang naman ang lagi kong sinasabihan ng mga happenings sa life ko." Inartehan pa niya ang pagsasalita.

"Tikman mo naman," sabi niya. Inabot niya iyong spoon kanina na may kaunting sabaw.

Nanlaki ang mga mata ko ng walang pasabi niyang sinubo saakin. "Mainit!" reklamo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tangina, napaso 'yong dila ko."

Tumawa siya. "Deserve."

Pagkatapos niyang maluto iyong curry, sinunod niya ang sweet meat. Siya na ang pinagawa ko no'n dahil siya naman ang marunong. Nanatili akong nanonood sa kaniya, paminsan-minsa'y kinukulit siya habang naghihiwa ng mga rekado.

"Mauuna na akong maligo. Ilalagay ko sa ibabaw ng kama iyong susuotin mo mamaya," wika ko. Tumango naman siya.

It took me more than thirty minutes to prepare myself. Pagkatapos ko naligo ay nagpalit ako kaagad ng maroon tank top at denim shorts. Naglagay din ako ng accessories sa katawan bago lumabas at dumiretso kay Kenneth.

"Naluto mo na?" I pouted. "Gusto ko tikman."

"Hindi na pwede. Nakasealed na."

Edi hindi. Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng bahay kaso hinabol niya ako. Hinawakan niya ang aking siko at hinarap niya ako sa kaniya.

Walang pasabing hinalikan ako.

He run his tongue on my lower lip, tracing it. Then he gently pushed the tip of his tongue inside my mouth. He suck my tongue as he slid it after then he pulled back.

"Ayan. Natikman mo na." Tumawa siya. "Hintayin mo nalang ako sa loob ng sasakyan, nakabukas na 'yong aircon no'n." saad niya at iniwan niya akong nakatanga roon at ilang minuto bago ako nahimasmasan.

Pagkatapos niyang maligo ay kaagad din kaming umalis. Tulog ako buong byahe hanggang makarating sa bahay nila. Puyat na puyat dahil sa hindi matigil kagabi itong kasama ko.

Ginising niya nalang ako nang nakaparada na ang sasakyan sa tabi ng bahay nila.

Ngayon pa lang ang unang punta ko rito. Ngayon ko lang din makikilala sa personal ang mga kapatid niya.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now