Chapter 39

1.3K 9 3
                                    

Warning: Mention of Suicide

"Ma?" malumanay akong nagsalita. "Gamot mo, kailangan mo ng inumin."

Mama was dischraged after two weeks in the hospital.

It was not easy for three of us. For the first week, we had to be gentle in everything. Kailangan hindi kami makagawa ng ikaka-trigger ng emotion ni mama para hindi maulit muli ang nangyari.

After her discharged, Myin was always visiting our house to check her day by day. She was also reporting to her doctor the progress that mom has done. Iyong hospital, private iyon. Tapos sa private room din namalagi si mama sa dalawang linggo na nandoon siya. I needed to find a part time job in order to pay for the expenses. Iyong sahod ni papa na kinikita niya, pambili namin iyon sa mga gamot na iinumin ni mama.

Reez stopped in college and he didn't enroll. Sa halip ay pumasok siyang bilang driver ni Kapitan sa barangay namin. Two thousand sa isang araw ang binibigay sa kaniya kaya nakaktulong din siya sa loob ng bahay.

For the next months, Reez started to take home the baby and the girl he had a relationship with. The baby is 8 months old already and the mother was a year younger than my brother. Parehas silang tumigil sa pag-aaral.

"Anong balak mo?" tanong ko sa babae. Iyong anak nila hawak ni papa sa balkonahe.

"Tsaka na ako mag-aaral kapag may ipon, ate. Magtatrabaho rin ako kapag lumaki-laki na si baby."

Mabait siya. Magalang at marunong umintindi. Hanggang sa nasanay na kami sa kanila at ilang buwan na rin naming kasama.

"Sayang iyong mga pagkakataon," wika ko at tinignan si Emily, iyong nanay ng bata. "Kapag nakahanap ako ng permanenteng trabaho, pag-aaralin kita."

Napatingin si Reez saakin. "Ate, hindi na kailangan," aniya at tumingin kay Emily. "Kaya na namin ni Emi ito. Tsaka ikaw na nga lagi gumagastos para sa gatas at diaper ni baby. Kami na sa pag-aaral. Kaya na namin–"

"No." I cut him off. "Pag-aaralin ko kayo pareho kapag may stable job na ako. No buts and just do what I said."

Gusto kong makapagtapos sika kahit na anong mangyari. Ayaw ko naman na iwan silang ganiyan nalang dahil ang panahon ngayon ay pahirap nang pahirap lalo na kung hindi ka nakapagtapos.

Nangangapa pa rin ako.

Ang hirap pa rin mag-adjust.

Siyam na buwan na ang nakalipas pero parang kahapon pa rin nangyari ang lahat. Iyong sugat na natamo ko ng pisikal at emosyonal, bukas na bukas pa rin saakin. Hindi pa ito naghihilom at sariwa pa lang.

There are times that I would woke up in the middle of the night just to cry. I needed to bit my lips always just to make my sobs go silent as it should not trigger any other people inside our house.

I am thankful that Myin was with me through that span of time. Hindi niya ako iniwan. Lagi siyang bumibisita at laging may dalang pagkain o di kaya naman gatas ng bata.

I was always out of words. Thank you isn't enough because of how big her help is.

Siguro kung may ipapasalamat ako, iyon ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sa Ilocos noong panahong punong-puno na ako, nandoon si Gale at Eca para bawasan ang mga nararamdaman ko. Ngayon dito sa Cagayan kung saan hinahanap ko ang sarili ko, nandito si Myin para gabayan ako.

Limits of Infinity | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon