Chapter 23

980 10 0
                                    

Bills, payments, foods, water, clothes, rent: are the things that lives in my mind rent free. Sabi nila, kapag daw iyan na ang mga nasa isip mo, sign na tumatanda ka na.

Sa unang dalawang buwan naming pagsasama, marami na akong natutunan at nalagpasang pagsubok.

Hindi naman ako sinabihan ng destiny na ganito pala kahirap ang buhay sa labas ng eskwelahan. Ang tanging nasa isip mo nalang ay iyong mga gagawin pagkatapos ng trabaho, iyong responsibilidad mo sa bahay, at iyong kailangan mong gampanan bilang isang live-in partner. Awa ng diyos, wala naman kaming problema. Iyon nga lang, may mga oras na hindi kami nagkakaintindihan.

Kakauwi ko galing sa job interview na pinuntahan ko nang madatnan kong kakarating lang din ni Kenneth galing sa trabaho.

"Sabi mo gagabihin ka," wika ko at nagtanggal ng heels. "Kaya nga hindi na ako nagpasundo, kasi alam kong hindi kaya ng oras mo."

Kumunot ang noo niya. Dumiretso muna siya sa kusina at kumuha ng pitsel bago nagsalin ng tubig sa baso at uminom. "Hindi ko sinabing gagabihin ako umuwi."

"Eh ano 'yong sinabi mo kaninang umaga habang kumakain tayo? Joke mo lang?" tanong ko, medyo naiinis na. "Ang linaw ng sinabi mo na baka gagabihin ka kasi minamadali iyong building na project na hawak ninyo para matapos na."

He sighed. "Oo pero sinabi ko rin naman na baka lang, hindi sigurado."

"Wala kang sinabi," giit ko.

Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng puting t-shirt at brown na shorts. Lumabas ako at dumiretso sa kusina para magluto.

Hindi ko siya pinansin at umiwas nang subukan niyang kunin ang kamay ko para mahila at mayakap niya ako.

Nagbukas ako ng tuna, inalis ko iyong tubig tapos nilagyan ng crispy fry bago nagpainit ng mantika sa non-stick pan. Sa kabilang parte ng stove naman, nagluto ako ng kanin.

Nakapalit na si Kenneth ng pambahay nang lapitan niya ako at ikulong sa mga bisig niya. Hindi ako makaatras dahil lababo na ang nasa likuran ko.

"Love, galit ka." He said, more lika a statement. "Sorry. Hindi ko nilinaw iyong sinabi ko."

"Pero wala ka talagang sinabi na baka. Kaya nga hindi kita kinulit 'di ba? Kasi alam mong nirerespeto ko palagi ang oras mo."

He nodded. "Wala ba?" kinagat niya ang ibabang labi bago sumuko. "Sa katrabaho ko ata nasabi iyon."

I chuckled. "Alis na. Baka masunog iyong niluluto at wala tayong makain."

We would always end up getting okay despite the small argue together. He is very understanding to the point that I am somewhat questioning myself if I am right or wrong.

"Love, alis na ako!" he shouted over outside.

"Ingat ka!" sigaw ko pabalik. Inaayos ko ang shoe rack namin dahil may mga bagong bili na sapatos. Ang hilig niya sa sapatos talaga.

"May nakalimutan ka, love!"

Umiling akong natatawa bago lumabas. Hinigit ko siya at niyakap. I gave him a peck on his lips. "Ingat ka. Update me, always."

"Yes, boss. Text me if you need anything," aniya naman bago tuluyang umalis.

Iyong set-up naming dalawa, napaka healthy. Kapag isa sa amin ang may mali, marunong kami humingi ng tawad. Kapag naman may alinlangan at kulang sa isa't-isa, sinasabi namin.

Give and take kami pareho. Iyon din ang tanging gustong-gusto ko sa kaniya dahil kahit na pagod siya sa trabaho ay nabibigyan pa rin niya ako ng sapat na oras.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now