Chapter 1

1.7K 27 13
                                    


Have you ever been pissed at a mere stranger wherein you wanted to kill them so badly?

Ganoon ang nararamdaman ko noong isang araw. Pagkamalan ba naman akong janitress?! Hustisya sa pair of pajamas na nabili ko sa shopee sa halagang 100!

Hindi ko naman siya inaano tapos biglang ganoon ang entrada niya saakin. Ni hindi pa nagsorry at basta nalang kinuha ang kamay ko para ilagay ang tinanggal niayng tissue saka umalis. Ang saya-saya pa niya samantalang ako namumula na sa galit nang puntahan ko sa catwalk sila Myin.

"Oh, anong nangyari at parang badtrip kang nag cr? Wala bang bidet?" natatawang tanong ni Gale.

Umirap ako. "May nakasalubong akong bagyo."

Tumawa silang tatlo. "Pogi? Baka 'yan na iyong engineering student na hinihiling mo," ani Carmen.

"Yucks," 'yon lang ang nasabi ko at hindi na nila ako nakausap nang matino hanggang makabalik kami sa dorm.

Kung iyon lang ang ibibigay saakin ni Lord, 'wag na. Kung ganoon lahat ng estudyante sa COE, 'hard pass.

Nagsuot lang ako ng simpleng blue na t-shirt tapos pants at black na sapatos. Freshman walk ngayon at lahat may kanya-kanyang kulay na susuotin depende sa college kung saan ka. Kahapon iyong mga welcome program saaming mga freshmen students. Tapos bukas naman iyong college orientation sa umaga at department orientation sa hapon.

"Tara na! Ang babagal niyo kumilos!"

Binatukan ako ni Myin. "Maaga pa, tanga."

"Excited lang, Aileen? Saglit eto na wait." Tumatawa pa si Gale habang nagsasapatos.

Maaga pa para sa kanila dahil freshie walk lang naman at wala namang attendance kasi roon, kaya kampante ang mga kupal.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago kami pumunta sa harap ng admin building dahil doon ang start ng parada. Tinignan ko ang group chat ng klase at may sinabi silang isang spot para doon dumiretso lahat ang mga enrolled sa meteo program kaya naman pumaroon na 'ko.

Dalawa pa lang sila nang datnan ko. Sakto rin na may isang lalaking kararating lang.

Ilang oras pa ang itinagal bago nagsimula at kanya-kanyang chants ang maririnig mo sa bawat grupo ng tao kaya naman hindi rin kami papahuli. They gave us banners and flaglets together with a hat of a witch since this symbolizes our nickname in the CAS, Wizards.

"Ano ba, wala sanang magtulak 'di ba, lahat naman tayo makakalakad eh." Rinig kong daing ng isang babae sa tabi ko. "Ampota naman, mga walang manners," bulong niya pa.

I chuckled.

"Itulak mo rin, para fair," wika ko na tinawanan niya.

"Meteo ka rin?" Tanong niya kaya tumango ako. "I'm Franzesca Ramirez, Eca for short."

"Aileen Figueroa," ngumiti ako.

"Picture tayo dali." Inakbayan niya ako dahil mas matangkad siya. Akala ko magiging awkward din ang samahan namin pero kaagad na nagkasunduan kami dahil msaya siyang kasama.

Siya tuloy ang kasama ko hanggang sa matapos ang event. She even sent her friend request to me on facebook and followed me on instagram. Kinuha pa kiya ang cellphone number ko pagkatapos no'n.

Halos lahat pagod at hinihingal pagkatapos ng parada. Rinig mo pa rin ang tunog ng drums na may halong ingay na nanggagaling sa mga kapwa estudyante.

Umupo si Eca sa tabi ko at inabutan ako ng tubig. "Salamat. Anong gagawin na pagkatapos nito?"

Nagkibit balikat siya. "May battle of the bands ata sa covered court."

Nagkasunduan kaming kumain sa malapit na eatery. Hindi rin kami nagtagal dahil maraming tao kaya pagkatapos kumain ay sabay din kaming pumasok sa covered court nang magsimula na ang banda.

Limits of Infinity | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon