Chapter 3

1.3K 18 11
                                    

Peste

Minsan daga, madalas ay itong taong kaharap ko ngayon.

Ang ayos talaga ng timing niya. Hilig din niya mang-inis. And he is doing a great job in making my blood boil.

I didn't realize I am holding something not until he mentioned it earliear. Susungalngalin ko na sana siya ngunit nabasa ko ang nakasulat sa loob ng ballpen.

His nickname is written on a small paper with a heart on the side.

Nanlaki ang mga mata ko at mas mabilis pa sa alas kwatro na inihagis ko sa kaniya ang ballpen.

G-tec din 'yon! Mabuti nasalo niya.

Tatawa-tawa siyang lumapit saakin kaya inarkohan ko siya ng kilay.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Maliligo siguro," pilosopo kong sagot. "Hindi naman sa'yo 'tong library."

Tumango siya. "May cr don deretso ka tapos right side. Wala nga lang towel pero may tissue." Nagpipigil siya ng tawa dahil may naalala panigurado.

"Ikaw, bakit ka nandito?" balik kong tanong. Why do I sound like a curious human being. No fucking way.

"Maglalaba." Sagot niya at may kinuhang candy sa bulsa bago buksan at kainin sa mismong harapan ko. Ang kapal ng mukha. "Sama ka? Tulungan mo'ko ikaw taga banlaw."

Umirap ako. "Maglolokohan ba tayo? Pilosopohan?"

"Nauna ka, ginatungan ko lang."

Iniwan niya ako pagkatapos no'n dahil hinahanap na siya ng kasama niya. Kaagad na nakipila na rin ako para itanong ang Library ID.

Alas onse kaninang pumunta ako rito. Mag aalas dose na noong natanong ko sa librarian ang ID. I wasted so much time talking to that breezy man. Wala naman akong napala dahil hindi siya maayos kausap.

I was told to go back again after two weeks. Kaya naman lumabas na ako at dumiretso sa canteen. May maliit na canteen malapit lang dito sa library. Walang masyadong tao kaya doon na ako kumain ng pananghalian.

I bought a student meal: adobo with ginisang kalabasa at sitaw together with one rice that cost 60. May tubig naman akong baon kaya hindi na ako bumili ng maiinom.

I am texting Eca while eating. Himala nga at hindi ata mabitawan ang cellphone dahil ang bilis ng replies niya.

Me:
May klase kaya tayo sa mathematics in the modern world?

Franzesca:
Wala sana🤞🏻

Me:
Feel ko meron. Enjoy na enjoy ka na diyan sa rob tanga 'yong oras mo.

Franzesca:
Epal

Franzesca:
Do u want drink from starbs?

Wow, galante siya today. Or so I thought.

Me:
Yup. Thanks in advances sa libre.

Franzesca:
Hindi ka gold, tinanong ko lang kung gusto mo.

Habang tumatagal, love language na namin sa isa't-isa 'yong mag asaran. Prangka rin siya kagaya ko.

Nagtagal ako sa harap ng library kasi may mga umuan namang pwede na tambayan dito. Nang mga alas tres na ay pumunta nako sa designated room namin dahil desidido ang prof na imeet kami.

Paano kasi, once a month lang ata siya magpakita saamin. Magbibigay lang siya ng handout na babayaran namin ng singkwenta pesos tapos ay next meeting kami na bahala mag-aral. Himala nga at meron siya ngayon.

"I'll be giving these papers and then you'll be answering. Ngayon din ipapasa," aniya, naka-upo pa.

Nasa patterns and sequence na rin kami. Hindi naman ganoon kahirap saakin dahil STEM ang strand ko noong senior highschool kaya medyo familiar na rin ako sa mga ito.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now