Chapter 19

914 10 0
                                    

While I was busy chasing my last year in college, he was also occupied in his review for his board exam.

Tuwing gabi lang ang oras ng usapan namin. Madalas siya tumatawag, dahil hindi naman niya ako nakikita personally.

I respect his time, and so he does on mine. We are both busy, but in another dimension. Him to make his title, and me to finally earn my degree.

Kaunti na lang ang units namin ngayong fourth year kami, pero OJT na rin.

"Lunch time na. Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanila. Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag bago sumama sa kanila palabas.

"Sa Jami Minaj nalang tayo, namiss ko ro'n," ani Kria.

"Sa true, vebs. Lalo na 'yong unli inumin nila na pwede pang kargahan ang tumbler mo." si Lane.

Eca was busy typing something in her phone with knotted foreheads as she is frustratingly pointing out the screen of her phone. Kaya pala tahimik.

They are my constant through college life. I can't imagine how my last years of being a student is without them. Nandiyan sila through ups and downs namin sa isa't-isa. Ilang buwan nalang ang bibilangin, makakapagtapos na kami. We'll finally enter in the real battle of the world.

"Kanina pa lukot 'yang mukha niyan," nginuso ko si Eca bago sumubo ng pagkain.

"Ngayon lang naman siya ganiyan. Ay mali, kahapon pala simula no'ng kinukulit siya ni Lance," Lane said.

"Sikuhin mo nga," ani Kria sa tabi ko.

Siniko talaga niya si Eca. Ilang minuto pa siyang nakatanga bago nahimasmasan at nagtatanong kung bakit.

"Kanina ka pa lutang," saad ko. "Kumain na tayo, babalik pa tayong Agromet mamaya."

She sighed. "Pasensya na, pagod lang. Kain na tayo."

Hindi namin siya tinanong kung bakit. Kilala namin si Eca, hinding-hindi siya magsasabi kung pipilitin mo. Kaya mas mabuti na 'yong tatanchahin nalang muna namin ang mood niya.

Tahimim kaming kumakain. Paminsan-minsan ay sumusulyap nalang ako sa ibang tao para doon ituon ang atensyon. Sa ilang oras namin kaharap si Eca, ilang beses din siyang bumuntong hininga. Sa harap pa talaga ng pagkain, hindi ko rin mabilang kung ilan.

"Huling taon na natin 'to sa kolehiyo," basag ni Kria sa katahimikan. "Ngayon pa ba tayo maglilihiman? You guys know I am always here for the three of you."

"Ako rin naman. Tahimik lang ako sa umpisa pero you can always lean on me." Si Lane. "Wow english 'yon," biro pa niya na siya lang din tumawa.

"Franzesca—"

"Mapapatay kita, Aileen Zya kapag sinabi mo ang pangalawang pangalan ko," putol ni Eca sa sasabihin ko kaya roon na kami nagsimulang tumawa lahat.

She's back on herself, but not fully.

"Okay lang ako, promises." Eca wiped the side of her lips using tissue. "Magsasabi ako kung may problema ako sa buhay, do not worry too much."

"Tsaka 'wag kayo magdrama, hindi niyo bagay. Mukha kayong mga askal na nag-aalulong," biro niya.

"Para ka ngang uod na wala sa huwisyo kanina, hindi naman kami nagreklamo," segunda ko kaya tumawa silang lahat.

At least, the lunch did not ended up in an awkward situation.

Pagkatapos namin magbayad ay nagtricy ulit kami pabalik sa Agromet.

We continued our work as we focus to everything we needed to pass this day. Kanya-kanya kami ng gawain sa harap ng laptop. Ipapahinga ko lang ang mata ko kapag sasakit na at saglitan na tatanggalin ang salamin bago isuot ulit at magtrabaho.

Limits of Infinity | ✓Where stories live. Discover now