Chapter 1

267 18 9
                                    

#LIB01THERE ARE THINGS THAT SHOULD STAY UNTOLD


I spent my days scrolling through TikTok videos, sketching, and not doing my homework, studying, or any productive activities; that a 14-year-old should do. Madali akong mabored sa klase at kung mag aaral man ako ay palagi naman akong nakakatulog. Hindi naman ako bagsak, pasado naman lahat pero 'yon nga lang puro line of seven ang grades. 

"Cellphone ka ng cellphone! Pag ikaw bagsak sa klase, malilintikan talaga kita, Lily!" si mama na nagtitiklop ng mga damit. 

"Kung naghugas ka ng pingan, mas maayos at malinis ang bahay! Pero cellphone ang inaatupag mo! Ibaba mo iyang cellphone mo o itatapon ko iyan?!" 

Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa bulsa at tumayo na sa kakadapa sa sopa, at saka kumilos sa paghuhugas ng pingan. Tatlo kami sa bahay si mama, ako at ang kuya kong tamad, walang ibang ginawa kung hindi ay mag ML o kaya naman dota sa cellphone o kaya sa computer shop ni Aling Bebang. Kaya ako ang palaging nadidiskitahan ni mama, dahil ika nga niya "ang gawaing bahay ay gawain ng mga babae". Kaya parang hari ang kuya ko kahit wala namang trabaho, at pabigat din naman sa bahay. 

"Palagi nalang ako ang nakikita mo, ma. Si kuya nandoon sa labas, nagwawaliw samantalang tayo dito, naglilinis." 

"Anong sabi mo?!" napalakas ang pagkasabi ni mama kaya napaigtad ako at nahulog ang isang pingan sa kamay ko. 

Pag minamalas ka nga naman...

"LILIANA!!!" 

At ito ako ngayon nakaluhod sa harap ni mama, may dalawang mabigat na libro sa kamay. 

"Ma, sorry na po, patawarin mo po ako. Hindi ko naman sinasadya, eh." pagmamakaawa ko. 

"Sa kakacellphone mo, marunong ka na sumagot sa magulang mo! Alam mo liliana nong bata ako alas singko palang ng maaga, nagiigib, naglilinis at natapos ko na lahat ng gawaing bahay pero ikaw? Ano? Paghuhugas lang ng pingan, hindi mo pa magawa?!" 

"Simpleng gawain, hindi mo pa magawa. No'ng ako noon, kailangan pa umigib ng tubig sa kabilang baryo! Alam mo bang tatlong bundok pa iyon?!"

Hindi matapos tapos ang litanya ni mama, at kabisado ko na ang mga iyon. Natigil lang siya nong pumasok na sa loob si kuya kasama ang kaibigan niya. Nang makita ni kuya ang sitwasyon ko ay ngumisi siya na para bang nangungutya. Umusok ang ilong ko at galit ko siyang tinignan. Tumawa siya at nang lingunin siya ni mama ay natigil din. 

Tumayo ako at padabog na nagmarcha sa kwarto ko tapos ay padabog din ang pag sarado ng pinto. Kaya napasigaw si mama at paulit-ulit na naman na litanya niya. Hindi na matapos tapos. 

"Ma, pagpasinsyahan mo na si panget sadyang matigas lang talaga ang ulo no'n." rinig kong sabi ni kuya. 

Napairap ako at napailing. May favoritism talaga si mama, kung nabubuhay lang sana si papa- gano'n pa din naman kasi under si papa kay mama. Hay! Umupo ako sa upuan at nag simula ng mag sketch sa sketchpad ko. Isa't kalahating oras ako natapos sa pagdradrawing kaya no'ng makita ang gawa ay na ngiti ako. Pangatlo ko na siyang naidrawing sa sketch pad ko at siya lang talaga ang naiisip kong idrawing. Si Lance. Naka jersey, may headband at nakatingin sa gilid, sa gawi ko, ang dalawang kamay ay nasa baywang. May pawis pero gwapo pa din. 

Napatili ako ng tahimik at uminit ang pisngi dahil naalala ang laro nila kahapon. Sobrang gwapo niya habang naglalaro at palagi siya ang nakakashoot ng bola sa ring, at kapag seryoso siya sa pagkuha ng bola sa kalaban ay mas lalo siyang pumopogi. 

"Panget, andito mga kaibigan mo! Lumabas ka diyan!" Si kuya na kumakatok sa pinto. 

"Lalabas na!" 

Nasa sopa sina Bitna, Virgil, Lance, Graniel at Naomi, may dala silang mga bag at libro. Unang lumingon sa akin si Bitna, tumayo siya at suminyas gamit ang mata na nakatingin kay Lance. Mahina akong nagsabi na "Ano ba," pero ang mabuti kong kaibigan tumawa at nang asar pa. 

Love in Bloom 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon