Chapter 34

140 12 10
                                    

#LIB "BYE, CRUSH"

It's been 3 days and since then, I don't know if it's my illusion, but I always feel like he's keeping a distance from me intentionally or unintentionally. And the walls around him are getting bigger.  Hindi ko siya maintindihan. Isang araw sweet siya pero sumunod naman na araw balik cold. Nakakapagod. 

Tama na siguro ang mahigit na apat na taon na ginusto ko siya at hinabol. Ngayon, alam ko na sa sarili ko na kahit kailan hinding-hindi niya ako magugustuhan. Hindi naman ako bobo sa english para hindi maintindihan ang sinabi niya. Baka 'yong mga sweet na gestures niya, e wala lang o baka trip niya lang. Baka ganun lang talaga siguro siya. BASTA AYAW KO NA. MASAKIT NA. 

"Mama..." mahina kong tawag kay mama, nakayuko ang noo at kinakabahan. 

"Hmm." tumingin siya sa akin. Nasa akin na ang atensyon niya at hindi na sa telenovela na pinapanood niya. 

"G-gusto ko lumipat ng school." napatingin ako sa kaniya. 

Wala siyang reaksyon.

"Bakit naman, liliana?" mahinahon niyang tanong. 

"Wala lang po. Gusto ko lang." nagkibitbalikat ako at iniwas ang tingin ko mula sa kaniya. 

Wala akong narinig mula kay mama, tahimik lang siya sa tabi ko. Tumayo na ako at nagpasyahan nalang na pumasok na sa kwarto ko. Nang biglang...

"Sige, doon ka muna sa auntie mo at kailangan niya doon ng makakasama." 

Napalingon ako kay mama, gulat. Kumakabog ang dibdib ko dahil nasasabik na makita ulit ang tiyahin ko. 

"T-talaga po?" 

Tumango lang si mama at binalik ang tingin niya sa pinapanood na serye. Pumasok na ako sa kwarto ko at nakahinga ng maluwag. Ito na siguro iyong panahon na makakalimutan ko na ang nakakahiyang paghahabol ko kay lance. 

Kinabukasan, pumunta kaagad si mama sa school para iprocess ang paglipat ko. Hindi ako sumama at hindi rin ako pumasok. Nagligpit lang ako ng mga gamit ko. Nang matapos ay hinatid kaagad ako ni kuya sa bus station. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. 

"Magingat ka doon, bunso." 

Nakatulog ako habang nasa biyahe. Hindi ko magawang tawagan ang barkada dahil natakot ako na baka mag back out ako sa paglipat ko. Takot na umiyak at makita silang malungkot. Babalik ako, pag wala na 'yong nararamdaman ko kay Lance. OA noh? ganun talaga siguro pag nagmahal. Ganun kasi ako mag move on. Char.

Mabait ang auntie ko at wala siyang asawa at anak. Matandang dalaga siya at simple ang buhay sa probinsya. Kaya nong sinundo niya ako ay mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin. Nakaramdam kaagad ako ng mainit na pagmamahal mula sa kaniya. At nung nasa bahay niya na ako ay handa na ang kwarto ko. Malaki ang bahay ni auntie, dahil siguro may negosyo siya at may naipon siya mula sa pagiging OFW niya noon. Masipag kasi siya at madiskarte. Kaya siguro single siya hangang ngayon kasi workaholic. 

"Lily, welcome home." hinalikan niya ang noo ko at niyakap pang muli. 

"Thank you, tita. Sorry po sa disturbo." nakayuko ang noo at hindi makatingin sa kaniya. 

Maingat na ingat ni auntie ang baba ko. "Hindi ka disturbo sa akin, lily. Parang anak narin kita. Excited nga ako at sa wakas pumayag ka at ang mama mo na dito na mag aral. Promise ko sa iyo, sa isang pribadong eskwelahan at magandang environment kita pag-aaralin." 

Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng marinig na private school. "Hindi na po, tita. Okay lang po sa centro nalang ako magaaral. Nakakahiya naman po." 

Pinatong niya ang mainit niyang kamay sa kamay ko. "Lily, nak. I want the best for you. Sabi ko naman sayo para na kitang anak. Wala naman akong paggagastuhin sa pera ko kaya sa pag aaral mo nalang, okay? No need to disagree with me, hmm?" 

Wala na akong magawa at nasabi pa dahil kilala ko si auntie pagdating sa pagdesisyon niya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko. Sobrang ganda ng kwarto ko at sobrang laki pa. Iyon nga lang tahimik. Hindi ako sanay. 

"Lily, samahan mo muna ako sa bayan." 

Tumango ako at sinamahan si tiya. Sumakay ako sa jeep wrangler niya. Sobrang astig nga ni tiya sa pagmamaneho, e. Para akong nasa racing sa sobrang bilis. Nang nakarating na kami sa Flowershop niya ay bati mula sa mga empleyado niya ang bumungad sa amin. Nakangiti sila at sobrang welcome ang dating nila. Kaya siguro successful ang negosyo niya tiya dahil sa kanila. 

Sa sobrang ganda ng shop ni tita, isa ito sa mga dinadayuhan ng mga turista. Habang may ginagawa si tiya ay namasyal ako sa iba pang mga tindahan. Napahinto lang saglit sa isang coffee shop. May nakita kasi akong masarap na cake, hugis aso. Nasa labas lang ako, nakatingin sa display. Hanggang sa..

"Gusto mo ba?" 

Bahagya akong napatalon dahil sa gulat na may nagsalita mula sa likod ko. At nong lumingon na ako ay mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa liit ng distansya niya mula sa akin. 

"Mi-miguel?! a-anong gi-ginaw-" hindi ko maituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang ginulo ang buhok ko. 

"Kain tayo." yon lang ang sinabi niya at pumasok na siya sa loob kaya naman sumunod na ako kahit naguguluhan. 












imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang