Chapter 10

117 16 21
                                    

(WARNING: This chapter is too heavy. Please read it at your own risk. You can skip this if you don't like heavy scenes. Thanks!) - AUTHOR YA. 


#LIB THE SCARS THAT CAN'T BE HEAL. 

Linggo na, isang araw na lang makikita ko na si crush. Sinama ako ngayon ni mama sa simbahan, dahil sabi pa niya kailangan ko 'yon. Sabi pa niya, ang pagbisita at pag dasal sa diyos ay isang araw lang. Iyan lang din ang araw, na nagtitipon ang mga deboto at pinapahayag na mahal nila ang diyos. Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang pagsisimba. May matutunan ka, magiging blessed, at isa itong gabay kung paano daw tayo susunod sa utos ng diyos. At madami pa siyang paaral sa akin habang papunta kami dito. 

Nakikinig ako at nakikisabay sa kanta pag kumakanta na. Nag dasal din at naghingi ng pasensya sa diyos. Nang matapos magsimba ay bumili pa si mama ng kakanin. At pagkatapos ay nagpahula. Hindi ko alam kung bakit naniniwala siya sa manghuhula. Pero wala akong nagawa, kung hindi ay sumama. 

"Sa labas ka muna." gusto ko sanang pumasok pero pinigilan ako ni mama. 

Kaya siya na muna ang nasa loob. Nakasandal lang ako sa pader at nakatunganga dahil walang cellphone na dala. At wala akong kahit na ano na pampalipas oras. Sobrang tirik ng araw at sobrang init. Pinagpawisan ako dahil naka long sleeve dress ako. Binuksan ko ang isang butones nito at pinaypayan ang sarili. 

Habang abala akong paypayan ang sarili ay nakita ko si Lance. Gusto ko sana siyang tawagin at kamustahin pero may kasama siya. Mama niya siguro dahil pareho sila ng mga mata. Sobrang maganda at mukhang bata pa ito. Hindi sila pumasok sa simbahan bagkus ay bumili lang sila ng kakanin. 

Titingin na sana siya sa banda ko nang bigla akong tawagin ni mama. Kaya naman pumasok na ako at naupo sa tabi niya. 

"Hulaan mo siya, magbabayad lang ako pag sakto ang hula mo! Mukhang piniperahan mo lang ako!" si mama na lumakas ang boses. 

Nahihiya akong tumingin sa manghuhula. Parehas sila ni mama na galit pero sinunod niya din kaagad ang hiling ni mama. Tinignan niya ang palad ko at seryosong tumingin sa akin. Inosente akong tumitig sa kaniya, kuryusado sa sasabihin niya. 

"May nagugustuhan ka at kaklase mo." Una una palang sabi niya ay nanlaki na ang mga mata ko dahil sa gulat. 

Mas lalo akong na antig sa susunod niyang sasabihin pero bigla nalang hinampas ni mama ang mesa at galit na tumayo. Hinila ako ni mama paalis. Gusto ko pa sanang malaman ang susunod, eh!

"Fake pala 'yang manghuhula na yan!" pagtataray ni mama sabay hila sa akin palayo sa pwesto ng manghuhula. 

Narinig ko pa ang pagtawag nito kay mama pero hindi nagpatinag si mama. Umalis siya at nagmadaling makalayo doon. Nakalingon lang ako sa likuran habang hinihila niya ako. Nakita kong napailing ang manghuhula at walang nagawa kundi ay pumasok nalang sa loob. 

Nang nasa bahay na at nakauwi na sa wakas ay dumiretso ako sa kwarto. Nagbihis ako ng pambahay, at guminhawa ang pakiramdam nang nakatapat sa akin ng electricfan. Nakapandikwatro akong nakaupo sa sopa habang nanonood ng tv. Wala sina ate at kuya dahil may kanya-kanya silang lakad. 

"Aalis muna ako, dito ka lang sa bahay. kung nagugutom ka mangutang ka kay Aling Bebang. Hindi ka kumuha kahapon kahit na sinabihan na kita." si mama bago umalis. 

Ako na naman mag isa sa bahay. Palagi nalang. Pinatay ko ang tv, sinirado ng maigi ang pinto bago pumasok sa kwarto ko. Tumalon kaagad ako sa kama. 

Sana Lunes na! sabi ng isip ko. 

Dahil wala akong magawa ay naglinis nalang ako, naglaba at nagpinta ng mga building na nakita ko kanina. Nang matapos lahat-lahat ay sakto namang kumakalam ang sikmura ko. Lumabas ako, nakapayong dahil mainit, at naglakad papuntang karinderya ni Aling Bebang para umutang. 

Sa karinderya ako kumain. Nakasando at nakapantalon lang ako. Nang matapos kumain ay naglakad na ulit ako pauwi sa amin. Nagtaka akong napatingin sa babaeng nakatayo sa harap ng bahay namin, nang lumingon ito ay kaagad ako tumakbo palapit sa kaniya. 

"Bakit ganiyan ang outfit mo ngayon?" tanong ko nang makitang nakajacket si Bitna at balot na balot. 

Bigla itong yumakap sa akin at umiyak. Parang tinusok ang puso ko nang mahina siyang humahagulgol sa bisig ko. 

Dinala ko kaagad siya sa loob ng bahay at pinaupo sa sopa. Umiiyak pa din siya at taas baba ang paghinga. Kumuha ako ng tubig muna sa kusina at pinainom sa kaniya. Nang kumalma na ay nagtanong na ako. 

"Anong nangyari?" 

Hindi siya nagsalita kaya inulit ko pa, pero kahit anong pilit ko ay hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya at iniiwas ang sarili sa akin sa tuwing titignan ko sana ang braso niya. Huminga ako ng malalim at walang magawa kung hindi ay tumabi lang sa kaniya at maging unan niya. Tahimik lang akong hinahaplos ang likod niya habang umiiyak siya. It breaks my heart more, when she tries to avoid her scars. Alam kong may tinatago siya sa loob dahil hindi lang ito ang unang iyak niya. 

Alam kong sinasaktan na naman siya ng tiyo at tiyang niya. Hindi nalang ako umimik at pinatahan nalang siya. Nang naramdaman kong hindi na siya umiiyak ay sinilip ko siya. Mahimbing siyang natutulog sa kandungan ko. Hindi ko napansin ang pamumula ng kanang pisngi niya kanina pero ngayong nakita ko ay naawa ako at nagagalit. She doesn't deserve this, she's kind and all, but why do people hurt her?! 

Mahina at tahimik ko siyang nilapag ang ulo niya sa unan at tumayo na ako para kumuha ng first aid kit sa kwarto ko. Kumuha na din ako ng kumot niya. Tahimik kong ginamot ang mga pasa niya sa kamay hanggang braso. Pati na rin sa paa niya at gilid ng labi. I only give her ointment dahil 'yon lang meron ako. Kahit ganon lang ay sana maibsan at magheal na ang sugat niya. 

Kinumotan ko siya. 

Nakaupo lang ako sa kabilang upuan, hindi kalayuan sa kaniya. I put my headset on and start scrolling tiktok videos. I busied myself because if not, baka ay maisuplong ko sa mga pulis ang mga magulang ni Bitna. At hindi niya gusto iyon. Nirerespeto ko ang desisyon niya. 

I know time may heal her wounds pero ang mga sugat na nakatanim sa puso niya ay mahirap burahin at ayusin. At andito lang ako para sa kaniya. Dahil kaibigan ko siya at tinurin ng pamilya. I want all the best for her, because she deserves better. 








The scars can't be healed because it's too deep.

But if you'll just allow someone to hold you and share it with them, 

It will make you feel light. 


















imaceyou_onwattpad

‧₊˚❀༉‧₊˚.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now