Chapter 11

110 15 19
                                    

#LIB WHO MAKES YOU SMILE? 

Inaasahan ko ng wala si Lance at Bitna ngayon. Dahil, una, may problema si Bitna at kailangan niya muna mag pahinga. At si Lance naman ay malamang inilipat na sa kabilang section, sa Class A o Senior High building. Hindi ako handa na wala siya. Char!

Pero andito ang mga gamit ni Lance. 

"Bakit malungkot ang beshy ko?" biglang umakbay sa akin si Virgil, mahigpit at sobrang lapit ng mukha niya. Kaya nilayo ko ang mukha ko pero ganun pa din, nilapit niya pa din at tumawa pa ng malakas. 

Napikon ako kaya kinagat ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ako. Sakto naman na tumunog ang school bell, nagpapahiwatig na kailangan na namin pumunta sa dyimnásyum. Tumakbo ako at no'ng tinawag niya ako ay lumingon ako saglit at nilabas ang dila. Tumawa siya at hinabol ako. Pero binilisan ko at nagtago sa madaming studyante. 

Nang makarating na sa dyimnásyum ay hinanap ko kaagad ang section ko. At nang makita ay nagmadali akong lumapit at nauna sa pila. Dahil, by height ang basehan. Diba ang unfair? Hinihingal at pawisan ako. Naupo muna ako sa sahig. Nakatihaya ang mga paa at nakabukaka, ang isang kamay ay ginamit bilang sandalan at ang isa naman ay pamaypay. 

"Lamoste, tayo ka na. Magsisimula na." biglang sabi ng room president namin, sabay nagsulat sa Attendance Sheet na dala niya. 

Tumayo ako at inayos ang palda ko. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang isa kong kamay at 'saka umayos sa pagkakatayo. Nagsimula na mag "Lupang Hinirang", kami lahat ay kumanta at nagbigay respeto. Ang aming kanang kamay ay nakalagay sa kaliwang dibdib. 

Nang matapos na ang Flag Ceremony at lahat-lahat ay maayos kaming mga studyante nag sipasok sa aming mga klase. Nakayuko ang ulo ko at walang gana habang naglalakad. Hanggang sa napahinto ako dahil sa pagkabungo ng kung sino man. 

"Sorry!" sabi ko sabay takbo paalis. 

"Tumingin ka sa dinadaanan mo!" napalingon ako at nakitang isang lalaking Senior student pala ang nabungo ko. 

Nag bow ako at humingi ulit ng tawad. Pagkatapos ay nagmadaling pumasok sa klase. May nakasalubong pa akong hindi ko kaklase. Isang babaeng senior student at palabas na siya. Nagtaka ako lumingon sa nilabasan niyang pinto, pero nag kibit balikat din kaagad ako.  Dumiretso agad ako sa upuan ko, pasalpak akong na upo at hiniga ang ulo sa desk. Unang klase palang pagod na ako. 

Pinikit ko ang mga mata ko pero nagising din dahil sa pang gulat ni Virgil. Tumawa siya at pinisil ang dalawa kong pisngi at malakas na hinagit pataas. Pinilit kong alisin ang mga kamay niya pero mas malakas siya sa akin. Pinicturan ka agad ng isa kong kaklase ang pagmumukha ko, habang ganoon ang itsura ko. At doon lang ako binitiwan ni Virgil. 

Lumipat kaagad siya ng upuan, malayo sa akin. Galit ko siyang tinignan at tatayo na sana para gumanti pero dumating kaagad ang guro namin. Kaya napaupo ulit ako. Tumawa ng sobrang lakas si Virgil habang nakatingin sa cellphone ng kaklase ko na kumuha ng pangit kong mukha.

"Mr. Virgil!" tawag agad ng guro sa kaniya. 

Sumeryoso agad ang mukha ng mokong, tumayo siya at nasa likod ang mga kamay. Tinanong agad siya ng guro ng, "What did we do last meeting? Summarize all of our lessons last week." 

Napakamot sa ulo si Virgil, hindi alam ano ang isasagot. Tumawa ka agad ang kami nang sabihin niyang, "Sir, ano nga ulit iyon?"

Namula ang guro dahil sa galit. Pinalabas niya kaagad ang mokong at binigyan ng parusa na maglinis sa banyo. 

Ngumisi ako at pumalabi na, "Buti nga sayo."

Habang nagdidiscuss ang guro ay late na pumasok si Bitna. Nagulat ako dahil pumasok siya. She was wearing a black jacket and sunglasses. Hindi siya napansin ng guro dahil payuko siyang pumasok. At tumabi siya kaagad sa akin. 

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now