Chapter 22

114 15 18
                                    

#LIB "SORRY, IT JUST A MISTAKE"

Hindi ko magawang tumingin sa mga kaklase ko, sobrang hiya ko na gusto ko ng makauwi na. Pero hindi pa pwede dahil may exam pa at kailangan ko mapasa iyon dahil baka umulit ako sa baitang ko ngayon. At ayaw ko non! 

Biglang inurong ni Bitna ang upuan niya, nakasandal siya doon at nakakapit ang mga kamay sa desk para hindi siya mahulog. "Ano ang nakain mo at hinalikan mo crush mo?" mahinang sabi niya sa akin, ang tingin ay nasa harapan. 

Nakita kong napatingin sa amin si Virgil at busangot ang mukha. Pumalabi si Bitna ng "Ano?" kay Virgil pero hindi ito sumagot kung hindi ay umirap ito at iniwas agad ang tingin. 

"Ang sungit, ah!"  

Tinakpan ko ang mukha ko dahil nahihiya. Nilapit ko ang mukha ko sa tainga ni Bitna. "Akala ko kasi gusto niya ng Kiss, eh. Ngumuso kasi siya, pwede naman na ituro niya nalang." 

Tumawa siya ng malakas kaya napatingin sa kaniya si Sir at mga kaklase namin. "Sorry po!" sabi niya at tinikom ang bibig. "Nag assume ka? Ano ba 'yan, Lily, para ka namang hindi nag grade 2! Turuan kita kung paano maging dalaga, huh? Ako bahala sayo." Sabi niya sabay tapik sa aking balikat. At pagkatapos ay bumalik na sa ayos na upo. 

Nagbigay na si Sir na pasulit kaya tumahimik na kami at seryosong sumagot. Kumunot ang noo ko nang may iba akong hindi naitindihan, kaya binasa ko ng paulit ulit hanggang sa may naalala ako kaagad. Sumagot ako sa abot ng aking makakaya. Nang matapos na ang exam ay hindi pa muna ako umalis sa kinauupuan ko. Dahil gusto ko na ako ang huling lumabas. Nahihiya kasi akong magpakita sa mga kaklase ko. 

Nang kami nalang tatlo sa classroom ay doon lang ako tumayo. Sinuot ko na ang bag ko at ang isang libro ay ginawa kong pantakip sa mukha ko. It's better to be safe, than never! Nang palakad nako palabas ay bigla nalang may kumapit sa akin sa likuran, sa bag ko. Kaya naman pwersahan ako nahinto ako at nabungo sa kung sino man ang nasa likod. 

"Sabay na tayo, liit! Baka kung ano na naman ang magawa mo." Si Virgil sa likod. 

Galit ko siyang tinignan, at sinubukan kong kumawala sa hawak niya sa bag ko pero mas lalo lang itong bumigat at bumalik sa pagkabungo ko sa kaniya. "Bitiwan mo nga ako!" sabi ko at sinubukan ulit. 

Pero ganun pa din naman...

Bumagsak ang balikat ko at tinanggap na lang na panalo siya. Kinuha niya ang bag ko at sinabit niya sa kaniyang balikat. Nauna siyang lumabas, kasunod ako at si Bitna. Inakbayan agad ako ng kaibigan ko. Pagkalabas palang namin sa pinto ay nahinto kami ng makita namin si Lance. Nakasandal siya sa pader. Mabilis kaagad akong nagtago sa gilid ni Virgil. Kumapit ako sa dulo ng damit niya. 

Kunot noong napatingin si Virgil sa akin. Nilagay ko kaagad sa bibig ang isang daliri, senyas na huwag siyang maingay. Nagmistula akong batang nagtatago sa isang magulang niya. Kinakailangan ko pang igalaw ang damit niya para lang maglakad na siya. Dahan dahan naman ang bawat hakbang ko para lang hindi makita ni Lance. 

"Lily." 

Isang tawag lang niya ay napahinto ako. Lumingon ako at naiilang na ngumiti. "H-hoy..." nauutal kong sabi, sabay kamot sa aking ulo. "Ah, ano, ah..." 

Naghintay si Lance sa aking sa sabihin. 

Yumuko ako at malakas na sinabi na, "SORRY, HINDI KO SINASADYA! PAGKAKAMALI LANG 'YON, PASENSYA NA TALAGA!"

Biglang tumawa ng malakas si Virgil kaya napatingin ako sa kaniya. Umiling ako at pinapatahimik siya pero ang mokong tumawa pa lalo.  Lumapit si Lance sa amin, pero, akala ko lang pala. Nilagpasan niya kami at wala siyang iniwan na salita. Ang mga mata ko ay nakasunod lang sa kaniya, habang ang katawan ko naman ay hindi ko maihakbang. 

Ano, napatawad na ba niya ako? 

'Yon na ba yon? 

Hanggang sa pag uwi ay hindi ko alam kung napatawad na ba ako ni Lance. Kaya nung tumawag si Ate sa akin at inimbita ako sa isang fast food resto ay umoo agad ako. Para mawala sa isip ko ang mga nangyari. 

Malapit lang sa trinatrabahuan ni ate ang resto at kasama ko sina mama at kuya.  Kumaway si ate kaya pumunta kami sa kung saan siya na mesa. May pagkain na doon kaya nag simula na kaming mag dasal, at pagkatapos ay kumain. 

"Ma..." panimula ni Ate nang matapos na kami kumain. 

Nakatingin kaming lahat sa kaniya, hinihintay ang sasabihin niya. 

"I got a job offer from USA-" hindi na tapos ni ate dahil sa pagbagsak ng kubyertos ni Mama. 

Napatingin kaming lahat kay mama. 

"Ahem, CR lang ako." sabi ni Kuya, tapos ay tumayo at lumapit sa akin. Tinapik niya ako. Kaagad ko naman nakuha ang pahiwatig niya kaya sumama na ako. 

Naghiwalay kami ni kuya; siya sa CR at ako naman sa labas. Nakayuko ako naglalakad, walang direksyon kung saan ang pupuntahan. Wala akong pera, ang mayron lang ako ay ang cellphone at earphones. I put my earphones on and played my favorite playlist. Ang mga kamay ko ay nasa likuran at habang naglalakad ay sinisipa ko ang isang maliit na bato. 

Hanggang sa huminto ito sa isang tao. Ang tingin ko ay nasa sapatos lang ng isang lalaki. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla nalang hinawakan niya ang ulo ko. Napabalik ako sa kaniya. At doon ko lang nakita kung sino siya. Si Lance. Nanlaki ang mga mata ko at kinakabahan. 

Nilebel niya ang tangakad nami, yumuko siya para lang magpantay. Oo, ganun ako kaliit kumpara sa kaniya. Napalunok ako ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, bumaba ito sa suot niya. May suot siyang apron at uniporme ng isang waiter o barista. Basta ganun. Naka white longsleeve polo siya na nakatiklop ang manggas hanggang siko, at nakabukas ang isang butones. Brown na apron na may logo ng isang coffeeshop. 

Inangat niya ang mukha ko at kinuha ang earphones sa tainga ko. 

"I said, what are you doing here?" ulit niya na kanina pa pala siyang nagsasalita. 

"Ah, may, ano, ah, ano kasi, ah..." ayan na naman ang pag uutal ko. 

Bumuntong huminga siya at kinuha ang kamay ko tapos ay marahan na hinila sa isang madilim na lugar, sa gilid lang ng trinatrabahuan niya (siguro? hindi ko alam). Naiilawan naman ng konti doon pero 'yon nga lang hindi gaano. Tinapon niya ang basura na kanina pa pala niyang dala. 

Nanginginig na ako sa takot, kasi naman may ginawa akong mali sa kaniya. Napaatras ako ng lumapit siya sa akin. Hanggang sa wala na akong maatrasan, nabungo ako sa isang malamig na pader. Huminto siya, isang pulgada ang layo mula sa akin. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko, kinulong sa gitna, at tapos ay humilig ng konti. Namumuo na ang pawis sa noo ko at buong katawan. My heart starts to beat faster, than it normal did. My face was red. 

Hindi ako makatingin sa kaniyang mukha. 

"Ah, ahem, ano, ah...ba-baka hi-hinahanap n-na ako nila Ate." palusot ko na napahawak pa sa dalawa niyang dibdib. Para naman akong napaso na bumitaw kaagad. 

Sinubukan kong umalis pero hinuli niya ako at ganoon padin ang posisyon namin. 

"Look at me in the face, Lily." ang baritinong boses niya. 













imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang