Chapter 30

133 14 18
                                    

#LIB "There's no permanent in this world, the person you care about will leave you eventually."



Isang mahigpit na yakap galing sa mga kaklase ko ang bumungad sa umaga ko. Kamustahan dito, at marites doon. Hindi nga makapaniwala ang mga kaklase ko na kayang gawin iyon ni Rayvn. Akala nila mabait ang iniidolo nila pero hindi naman daw pala. Hindi na suspende si Rayvn pero nilipat siya sa ibang skwelahan, sa pribadong skwelahan.




"Lily, tara na sa canteen! Libre ni Virgil!" masayang sabi ni Bitna at biglang umakbay sa akin. Tumawa ako at mahina siyang binungo.

"Okay na kayo?!" gulat kong tanong nang makita kong umakbay si Bitna kay Virgil.

"Oo! Bakit naman hindi! Kayo? Okay kayo?" balik tanong ni Bitna sa akin.

Tumingin ako kay Virgil, ngumiti. "Oo naman!" sagot ko at nakita kong ngumiti pabalik si Virgil.

"Nanibago ako sa'yo Virgil..."si naomi sa tabi ko. Sabay kaming apat naglalakad patungo sa canteen. "Kasi noon todo tukso at pangungulit mo kay Lily pero ngayon..." nanliit ang mga mata ni Naomi.

Peke akong tumawa at inakbayan si Naomi. "New version na niya yan! O baka sinasaniban ng mabuting spirito!" pagdadahilan ko.

"Anong mabuting spirito, Lily?! Ibig mo bang sabihin-" nang alam na niya ang ibig kong sabihin kaya tumakbo ako. Hinabol ako ni Virgil pero tinawanan ko lang siya at tinukso pa lalo.

"Sana ganiyan ka lagi! Mas maganda yan!"

At dahil libre niya ay kumuha ako ng maraming pagkain at ganun din ang ginawa ni Bitna. Si Naomi naman ay dahil mabait ay maliit lang at puro gulay pa. Ang ganda ng ambiance at mood namin ngayon. Balik dating gawa, balik barkada ulit. Sana ganito lang lagi. Sana-

Tumikhim si Bitna kaya napatingin kami sa kaniya at nagtatanong ang mga mukha. Habang siya ay seryoso at kinakabahan. Uminom muna siya tubig at inayos ang upo niya.

"Okay ka lang ba, Bitna?" tanong ni Naomi. 

Huminga ng malalim si Bitna at tumingin sa amin. "Guys, may good news at bad news ako. Pili kayo ano uunahin ko."

Nagdikit ang dalawang kilay ko . "Good news muna."

"O-okay." utal niyang saad. "Ang good news nasali ako sa survival show at sa dami ng nag audition, ako ang napili para isalang!"

Bigla akong napatayo at niyakap siya ng mahigpit. "Congrats, Bin-naya! I'm so happy for you! Kailan ba ang palabas ng show na yan?" tanong ko sa kaniya. Imbis na masayang mukha ang makita ko sa mukha niya ay malungkot siya at mukha pang nag dadalawang isip.

"Congrats, Bitna! Masaya kami para sa'yo!" si Naomi.

Tipid na ngumiti si Bitna. Mahina kong tinapik si Virgil, tumingin siya sa akin, ngumuso ako sa direksyon ni Bitna at nakuha naman niya ang pahiwatig ko. Tahimik niya kasi.

"Congrats." tipid niyang sabi.

"Thanks. Ahm...guys, bad news naman ay..." lumunok muna siya. "ah, ano kasi, ah...Sa Korea kasi tapos...ahm, ah...ano, ah, Bukas na ang alis ko! Sorry ngayon ko lang nasabi sa inyo!" yumuko siya.

Nahulog ang kutsara ko at nalaglag ang panga ko. Namilog ang mga mata ko at parang tumigil ang mundo.
Maliban kay Virgil ay hindi kami ngumuya, nakatitig lang kami kay Bitna, gulat at halo-halo ang nararamdaman.

"Ano?! Tat-tama ba ang rinig ko?"

Tumango siya ng dalawang beses at hindi maka tingin sa amin.

Napatingin ako kay Virgil at nakitang kumakain lang ito at parang wala lang sa kaniya ang balita. At doon ko lang naitindihan. "Alam mo 'to, Virgil?!"

Tumingin siya sa akin at tumango ng isang beses. Para akong nabingi. Nilipat ko ang tingin ko kay Bitna na nasa harap ko, hindi makapaniwala. "Kailan pa ito?! Ba't ngayon mo lang sinabi. Bukas? As in? Bukas na bukas din? Ba-bakit?!"

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Napatayo ako at umiling iling.

"Hindi ko masabi sa'yo, Lily. ka-kasi na-nata-takot ako. Sorry, sorry-"

"So matagal na pala! Hah? Matagal na ba? Bakit..." nabasag ang boses ko at umiling iling, tumalikod ako at tumakbo.

Kung aalis siya, ibig sabihin ay matagal siyang babalik. O baka hindi na. Matagal ang proseso nun at kung makuha naman baka mag trainee pa siya ng ilang taon bago mag debut.

Hindi ako tumitingin sa dinaanan ko at iyak ako ng iyak. Hindi tanggap ang balitang narinig mula sa matalik na kaibigan. Masaya ako sa kaniya, Oo pero masakit na ngayon niya lang sinabi sa akin at hindi man lang ako naging handa. Nabungo ko si Lance at nahulog ang mga dala niyang papel.

Yumuko ako para kunin at bigay sa kaniya pero napahinto rin ng makita ang isang papel na may nakalagay na 'exchange student', may approval na rin, at sa ibang bansa pa. Mas lalong nadurog ang mundo ko, pati rin siya aalis. Kinuha niya mula sa kamay ko ang papel, at parang wala lang sa kaniya. Umalis siya at naiwan akong gulat, at durog na durog.

Napakamao ako at hinabol siya. Nasa canteen siya at kumakain na. Nag order ako ng pagkain ko at naupo sa harap niya. Tumingin siya sa akin, at nang makita ang itsura ko ay nagulat pero nawala din kaagad. May kinuha siya sa bag niya. Inilahad niya sa akin ang panyo. Kinuha ko at pinunasan ang mga luha at pati na rin pawis.

"Salamat." paos kong sabi at binalik sa kaniya ang panyo.

Umiling siya. "Sa'yo na." tipid niya sabi at nag patuloy kumain.

Ibinulsa ko ang panyo niya at nagsimula na rin kumain. Tahimik kaming dalawa, walang ni isang nagsalita. Bigla siyang tumingin sa akin. Nag simula na naman akong makaramdam ng paro paro sa tiyan, umiinit ang pisngi at sobrang ingay ng puso ko. Tumayo siya, pipigilan ko sana pero nakaalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin, pumunta siya sa counter, bumili ng maiinom.

Napakapit ako sa mg tuhod ko , pawis na pawis ang mga palad ko at parang kinarera ang puso ko at kagat kagat ang pang ibabang labi. Kung ito na ang huli ay sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa kaniya. Kasi baka maghinayang ako pag hindi.

Bumalik si Lance at nilapag ang isang strawberry milk drink sa harap ko. "Sa-salamat." nauutal kong sabi. Napatampal ako sa labi ko, tumingin siya bigla kaya ngumiti ako (akward nga eh). Tumango lang siya at nagpatuloy kumain ng natira sa baon niya. Napatitig ako sa kaniya, inaiimagine sa utak ang gagawin ko, nagprapraktis kumbaga.

Tumitig ako sa binigay niya na inumin. Napangiti ako. Dahil sa mga mabubuting ginawa ni Lance sa akin ay mas lalo nahulog ang loob ko sa kaniya.

I like him. Not as a friend but more than...

And maybe, he likes me too...

Nag flashback lahat ng moments namin ni Lance sa utak ko. Lahat ng iyon ay hindi pang kaibigan lang, alam kong gusto niya rin ako. Alam ko. The way he cares for me was different from "friends" relationship. Hindi niya lang siguro masabi sa akin kasi katulad ko kinakabahan. And to make this things clear, I will say "yes" to him!

"Lance" tawag ko sa kaniya, tumabi ako sa kaniya. Napahinto siya at tumingin sa akin. Nasa gitna kami at sobrang dami ng tao.

"Bro!"

I KISS HIM on his right cheek. " YES! I LIKE YOU TOO! TAYO NA FOR REAL!" Sigaw ko at pumikit dahil hindi ko kayang makita ang reaksyon niya.

Nagulat ako ng nakita na nasa harap na namin ang mga kaklase niyang tatlong lalaki at si Esther. Lance stops chewing his food. He has a shocked face and seems confused. Hindi ako makatayo, nahihiya ako, oo, pero kailangan ko ang sagot niya. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa paghihintay sa sagot niya. Tumingin siya sa akin, at pilit ko namang ngumiti sa kaniya.

Tinapik siya ng isang kaklase niyang lalaki at umalis, sumunod naman ang dalawa at nahuli si Esther. Sinundan ko sila ng tingin at nakitang huminto si Esther, nakatingin sa amin. Para akong napaso sa tingin niya kaya napabalik ako ng tingin kay Lance. Pero para akong piniga ng makitang nakatingin siya kay Esther. Tumingin ako sa itaas, pinipigilan na mahulog ang mga luhang nagbabadya ng bumuhos.

I heard him sigh. Napatingin ako at nakitang sumeryoso siya. I don't know if someone else saw that I kissed him a while ago. But if there was, this would be the most embarrassing moment if ever. If ever Lance would say...

"Thank you for liking me..." My tears fell and I couldn't stop it from falling. Naibaba ko ang ngiti ko. I tried so hard to smile. But I failed. "but I couldn't reciprocate your feelings. I'm sorry-"

Hindi ko na nakayanan kaya naman napatayo ako at tumakbo paalis. Narinig kong tumawa ang mga studyante at ang iba may sinasabi pang mga masasakit.

He doesn't like me. Oh god!









imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon