Chapter 31

124 14 20
                                    

#LIB "I LIKE YOU TOO"

Madaling araw ang alis ni Bitna at kahit masakit ay bumangon ako sa pagkahiga ko. Late na ako kaya hindi ako naligo o nagbihis man lang. Sumakay ako ng angkas at nagpahatid sa airport. Patakbo akong pumasok at hinanap ang Departure. Nakita kong madaming reporters nagtipon. At sa gitna doon ay isang babae, at si Bitna iyon. She was wearing a black facemask. Tumakbo ako patungo roon. Kumaway ako at para makita niya pero dahil sa dami ng tao ay mukhang hindi ako nakita. Kaya naman pumatong ako sa upuan at sumigaw.

"BIN-NAYA" I shouted her name.

At sa wakas nakita niya ko. Hindi ko man nakita ang ngiti niya pero ang mga mata niya ay nakangiti pero maiiyak na. Kumaway siya pabalik at nag post pa ng heart sign sa akin. Saglit lang iyon dahil tinatawag na siya ng manager niya. Tumalikod na siya at nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Wala na ang matalik kong kaibigan, umalis na para sa pangarap niya.

Nakayuko ang noo akong umalis. Ang tingin ay nasa sahig lang nang bigla nalang nakabungo ako sa dibdib ng isang lalaki. Humingi kaagad ako ng tawad at nang tinaas ko na ang tingin ko. Nagulat akong makita si Virgil, napaatras ako ng kaonti. Namumula ang mga mata niya at parang maiiyak na. Taas-baba ang pag hinga niya at pawis na pawis. Katulad ko ay hindi din nakapag bihis. Tumingin siya sa akin saglit at pagkatapos ay matulin na tumakbo. Sinundan ko siya. Papasok na sana siya kung saan pumasok si Shanen kanina pero pinigilan siya ng mga sekyu.

Walang magawa ay nakatayo roon si Virgil habang ang mga tingin ay nasa pasukan. Naka hawak sa magkabilang baywang niya. Habol-habol ang paghinga at ang kaninang nagbabadyang na luha ay nag uunahan na sa pagpatak. Lumapit ako at inalo siya. He silently cried in my shoulders. Naguguluhan man ay hinayaan ko siya.

Ilang minuto lang ay biglang tumunog ang cellphone niya. Ayaw niya pa sanang sagutin pero pinilit ko siya. Sinagot na niya at bigla siyang nabuhayan ng loob.

"Bin-na..." sagot niya sa tawag at malaki ang ngiti. Lumayo siya sa akin, at susundan ko sana pero pinigilan niya ako.

Uuwi na sana ako ng bigla kong maalala na wala na akong pamasahe. Hindi ko kasi inisip ang fare ng sinakyan ko, eh. Basta-basta lang akong sumakay, hindi tumitingin sa presyo. Kinuha ko ang barya na nasa bulsa ko. Napabuntong hininga ako nang makita na sampong peso nalang pala ang natitira sa pera ko.

Napakamot ako sa aking ulo at napaupo sa upuan sa gilid. Sumadal ako at napabuntong hininga.

"Hintayin ko nalang si Virgil." mahina kong sabi sa sarili.

Tinapik ako ni Virgil at nang makita ko ang mukha niya ay napatawa ako. May sipon kasi na lumabas mula sa ilong niya. Buti nalang talaga at ka kulay iyon ng luha. Kinuhanan ko siya ng picture, remembrance na rin. Pagalit siyang kukunin sana ang cellphone sa kamay ko pero binulsa ko na. Pinunasan ko ang sipon nila gamit ang kwelyo ng pajama shirt niya.

"Wag ka na umiyak! Ang pangit mo pala pag umiiyak!" sabi ko habang napahagikhik. "Para ka namang nawalan ng laruan. Uwi na nga tayo!" sabi ko at inakbayan na siya.

"Ang cute naman ng magkakapatid, oh!"

"Ang bata bata pa, nag jojowa na!"

"May pajama party ata!"

Naririnig ko habang palabas na kami sa airport. Lumayo ako kay Virgil at ganun din siya. Nag katitigan kami at nandidiri sa isa't-isa. Pero dahil nga wala akong pamasahe ay lumapit ako sa kaniya at nagpakyut.

"Pogi, pwede sumabay?" sabi ko habang nag puppy eyes sa harap niya at dikit ang dalawang kamay na para bang nagmamakaawa.

"Ew!" sabi niya at tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now