Chapter 5

142 16 22
                                    

#LIB SUSPENDED

Palinga-lingá akong tumingin sa buong klase at hindi mapakali. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng room, ala sais at limampu't pito na ng umaga. Wala parin si Lance at Virgil. Kaya tumayo na ako at aalis na sana nang tanungin ako ni Bitna.

"Saan ka pupunta?"

"Wala sila Lance, baka ano pang nangyari sa kanila." sagot ko sabay kumawala sa hawak niya at patakbong lumabas ng klase. May guro rin na nakakita sa akin pero hindi ko pinansin bagkus ay nilagpasan ko at nagmamadaling lumabas ng skwelahan.

Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin, wala ako sa sarili nag hahanap sa mga sulok. Hanggang sa may narinig akong sigaw ng babae. Napahinto ako at nanlaki ang mga mata nang sumigaw siya ng, "Lance!".

Sinundan ko ang nagmamay ari ng boses na iyon. Habang patakbo akong sinundan iyon ay may nakita akong mga ladrilyo. Kumuha ako ng isa at 'saka ako nagpatuloy sa paghahanap, nang makita ko ang likod ni Virgil ay napahinga ako. Pero napalitan agad ng pag alala nang makita kong nakaupo na sa sahig si Lance. May dalawang lalaki na nakahawak kay Virgil at si Graniel naman ay malokong nakangisi at nakatingin kay Lance. Sa gilid niya ay isang babae, hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod ito.

"Tama na, please!" pagmamakaawa ng babae.

Naisipan kong ipatugtug ang nasave kong video mula sa Tiktok, Police siren. Napalingon ang mga bully at nag uunahang tumakbo paalis.

"Paano sila?!" sabi pa ng isa.

"May pulis! Bahala na!" si Graniel na nilagpasan ako.

Nilapitan ko na kaagad si Lance para tulungan siyang tumayo pero naunahan na ako ng babae na katabi niya. Nakatingin sa akin si Virgil, gulat at naka awang ang bibig. Tinikom ko ang bibig niya. Nang nakatayo na si Lance ay tumingin siya sa akin, walang ekspresyon ang mukha. Hindi ko mabasa kong anong iniisip niya. Nilipat ko ang tingin mula sa kaniya papunta sa babaeng nakahawak sa braso niya, inalayan siyang tumayo ng matuwid. Nanlaki ang mga mata ko at napa awang ang bibig. Inalis ni Lance ang hawak ng babae sa sa kaniya at dumistansya ng konti. Hindi ko alam pero para siyang nahuli ng jowa na nagloko.

SIERRA RAYVN SUAREZ. Hindi lang sa facebook siya maganda, pero sa personal sobrang ganda. Ang amo ng mukha niya, para siyang anghel, sobrang approachable niyang tignan. Nangiti pa siya sa akin, animo'y kakilala niya rin ako.

"Hi!" Kumaway siya at matamis na ngumiti sa akin, pero napalitan agad ng gulat. Nakatitig siya sa ladrilyo na hawak ko, natakot kaya napa hawak ulit kay Lance. Pero inalis ulit ng lalaki ang hawak niya.

Binitiwan ko ang ladrilyo na hawak ko at tinaas ang kamay na tiniyak sa kaniya na hindi ako katulad ng mga bully. Bumalik ulit ang ngiti niya.

"Is that you who played a Police Siren? Nice move." puri niya pa sa akin at nilapitan ako at hinawakan ang mga kamay ko. "Thank you, Miss..ah..?"

"Lily." ako na ang nagpatuloy sa sasabihin niya.

"Yes, Lily! Thank you so much! Thank you for saving us!" maligaya niyang sabi sabay yakap sa akin.

Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko, hindi alam anong gagawin. Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at bumalik agad sa tabi ni Lance. Nakita kong malokong ngumisi si Virgil at lumapit sa akin, nilapit ang mukha sa tenga ko.

"Salamat, little Lily." mahina niyang sabi sabay akbay sa akin at 'saka ginulo ang buhok ko.

Pinilit kong kumawala sa pagkaakbay niya at hindi maipinta ang mukha ko habang ginagawa iyon. Tumawa lang siya at nadamay ako sa pagkatalikod niya at nauna pa kaming naglakad.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now