Chapter 4

147 15 7
                                    

#LIB A BOND THAT CAN'T BE BROKEN

"Liliana, hija," nakasalubong ko ang nanay ni Virgil sa labas ng gate. Paalis na sana ako para pumasok sa school. Nagdadalawang isip siyang ituloy ang sasabihin.

"Po?"

Hindi ko alam kung bakit andito ang nanay niya pero kinakabahan ako. Siyempre matanda na at madalang lang siya pumarito o lumabas.

Lumapit siya ng konti sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nabigla ako at napatingin sa kaniya, nagtataka. "Ah, itatanong ko lang sana na..." tumitig siya sa mga mata ko, tinitimbang kong magiging matapat ako o sinungaling.

I swallowed my saliva and blinked many times. Kinakabahan ako sa itatanong niya, parang alam ko na kung ano.

Huminga siya ng malalim. "Pakiusap magsabi ka ng totoo, parang awa mo na."

"Po-po?" napabitiw ako sa hawak niya at hindi maintidihan kung bakit siya nakikiusap.

"Kilala mo ba kung sino ang bumugbog sa anak ko?" diretsahan niyang tanong.

"Ho!" napalakas kong sabi, nanlaki ang mata. Sinasabi ko na nga ba! "Ma'am, hindi ko po a-alam..."Oh God! Nautal pa ako baka mahuli akong nagsisinungaling.

May pagduda siyang napatitig sa akin, samantalang ako naman ay nanginginig na sa takot. "Hija, please, ikaw lang talaga ang matanungan ko. Nakita kayo ng kapitbahay natin kahapon na sabay umuwi. Eh, kako alam mo kung sino at bakit siya may pasa."

"Hindi po ba sinasabi sa inyo ni Leonard, Ma'am?"

"Sinabi niyang nabungo siya sa armchair pero, hija, imposible kasing ganun. Kahit ni minsan, hija, hindi namin siya pinagbuhatan ng kamay pero ganun lang kadali sa iba."

Naawa akong nakatingin kay Ginang Virgil, kaya naman sinabi ko na at siniguro naman niya na hindi siya magsusumbong na ako ang nagsabi sa kaniya. Dapat daw managot ang dapat managot ika pa niya.

Kaya pagkapasok pagkapasok ko palang sa room ay napatingin sila agad sa akin, kabado akong umupo. Lumapit sa akin si Bitna. "Ba't late ka? Alam mo bang wala ang guro natin ngayon?"

Nagtaka akong napatingin sa kaniya. "Bakit? Absent si Sir?" Pero napalitan din kaagad ng kasiyahan dahil wala ang adviser namin. Yes!

"Hindi siya absent pero pinapatawag ng principal kasi napaaway si Lance kahapon."

Nanlaki ang mata ko at napalakas ng sabi ng "ANO?!!"

Napatingin lahat sa akin ng sumigaw ako kaya nahiya akong yumuko at nag peace sign.

"Wow, grabe! Pag crush ang topic, nagiging warla!"

Sabay na naglingunan ang mga kaklase namin at nag "HUSH!". May nag sabi pa ng "Mga epal!"

"Mga chaka kasi kayo! Hush hush pa kayo diyan! Wala si Sir uy, mga chakabels!"

Hinawakan ko siya at pinigalan na magwala dahil halatang susugod talaga. "Ano ba, Bin-naya. Wag mo nalang silang pansinin."

"Hmp!"pagtaray niya pa sa mga kaklase namin, at hinila ako palabas. "Urky!Nakakaloka sila!"

"Saan tayo pupunta? Baka may papasok na kasunod na guro." kinakabahan na mahuli kami naglalakad sa hallway, oras ng klase.

"Wala yan. Do'n tayo sa Faculty Room, andoon lahat ng guro at saka si Lance."

Sumandal si Bitna sa pinto at nilapit pa ang tenga rito para sumagap ng balita mula sa loob. Suminyas pa siyang sundan ko siya. Umiling ako pero sumunod din naman.

"Mr. Lance Yuxuan Chen, napagkasunduan namin ng faculty teachers at ng adviser mo na ilipat ka sa Class A. You are the face of our school kaya dapat lang sa klase ka ng mga matatalino." boses ng principal namin.

Love in Bloom 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang