Chapter 33

182 13 8
                                    

#LIB "You own yours, and I own my feelings."


Kinuha ko kaagad ang wallet ko. I was about to leave when suddenly he grabbed me closed to him. Nagulat ako at hindi makagalaw. Ang kamay niyang isa ay nasa ulo ko, na para bang prinoprotektahan sa kung ano. At ang isa naman ay sa kamay ko.


"Magnanakaw! Tulong! Magnanakaw!" sigaw ng isang babae.


Naramdaman kong gumalaw ang paa niya kaya napatingin ako. Hinarang niya ito at nadapa ang isang lalaki. Kumawala kaagad ako sa yakap- ewan kung ano ang tawag do'n pero parang ganun narin naman ang posisyon namin. Tumayo ang lalaki at tatakbo na sana pero mas mabilis sa kaniya si Lance. Mahigpit niyang hinawakan ang lalaki, ang dalawang mga kamay nito sa likuran at sinandal sa pader ang mukha nito.


"Bitiwan mo ko! Bitiw! Kung hindi- Ah!" napaimpit ito sa sakit ng mas diniin pa ni Lance ang hawak nito.


Pumito ang mga sekyu at rumesbak kaagad. Tumalikod na ako at sumulong sa ulan. Hindi ko na siya hinintay pa dahil baka ano pang kahihiyan ang gagawin ko sa harapan niya. Patakbo akong sumulong sa ulan. Buti nalang talaga at naiwan sa skwelahan ang mga libro at gamit ko. Ang cellphone naman ay naiwan kay Naomi.


Napahinto ako ng biglang may kamay na pumatong sa balikat ko. Hinihingal ang nasa likod ko. "Lily, magkakasakit ka. Hinintay mo sana ako. Bibili ako ng payong."


Umiling ako at inalis sa balikat ang kamay niya. "Hindi na. Bumalik ka na doon, Lance." sabi ko at nagmamatigas na naglakad pasulong sa ulan.


Pero mas matigas pa ang ulo niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila patakbo papunta sa waiting shed. Hindi ko inasahan iyon kaya para akong bata na hinila ng kuya niya. Nang nasa waiting shed na ay doon lang ako nakaramdam ng lamig. Nanginginig ako sa lamig. Niyakap ko ang sarili ko at lumayo kay Lance. Pero siya itong lapit ng lapit.


Please naman kahit ngayon lang lumayo ka sa akin.


Napaigtad ako ng bigla niyang ipatong sa magkabilang balikat ko ang jacket niya. Basa ito ng kaonti pero nawala ng kaunti ang lamig sa katawan ko. Tumingin ako sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ulit ang jacket niya pero umiling lang siya at lumayo mula sa akin.


"Sa'yo na. Mas okay kung susuotin mo para mainitan ka kahit kaunti."


Umupo siya at tumingin sa ulan na pumapatak. Hindi ko matanggal ang tingin ko mula sa kaniya. Umupo rin ako pero malayo sa kaniya. Walang iba dito sa waiting shed maliban sa amin. Malayo ang distansya naming dalawa. Sobrang layo na hindi ako pwedeng makapasok sa puso niya. Eme!



Tahimik kaming dalawa. Ang ulan lang ang maingay at pati na rin ang puso ko. Buti nalang talaga at malayo ako sa kaniya kung hindi naririnig niya na ito.


"Baka matunaw ako niyan." bigla siyang napatingin sa akin kaya napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin.


"Bumalik ka na doon." sigaw ko.


Umiling lang siya at tumayo para lumapit ng kaunti sa mga patak ng ulan. Nilahad niya ang kamay niya at sinalo ang mga patak nito. Nagtataka akong lumapit. Ganun din ang ginawa ko.


"Parang luha lang." biglang sabi ko habang ang tingin nasa ulan.


"Malungkot."


Napatingin ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng makita ang lungkot sa katauhan niya.


"Wag mo akong kaawaan, Lily."


Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya bigla. At bigla na namang nanlamig ang ekspresyon niya.


Umiling ako. "Hindi kita kinaawaan, Lance."


Pumagitna ang katahimikan mula sa aming dalawa. Tumikhim ako at sinabi ang bumagabag sa isip ko.


"Lance..."tawag ko sa kaniya at tumingin siya sa akin. "You own your own feelings." tumango siya.


"But I also own my own feelings." dagdag ko at sakto naman na may jeep na sa harap ko kaya sumakay na ako.


Wala ng bakanteng upuan kaya naiwan si Lance roon. Umandar na ang jeep, tinignan ko siya, nakatayo siya at nakatalikod na. Ngumuso ako at kinagat ang pang ibabang labi ng maramdaman ang mainit na luha na gusto ng kumawala.


Nang makarating na sa bahay ay doon na bumuhos ang mga luha ko. Dumiretso kaagad ako sa higaan at doon impit na sumigaw.


Napatingin ako sa stuff toy na bigay ni Virgil sa akin. Tinurin ko na iyong si Lance kaya iyon ang nabuntongan ko ng inis.


"Alam mo, nakakainis ka! Ang galing mo mag paasa,eh." sabi ko habang dinuduro-duro ang kawawang stuff toy.


Sininok ako at hindi matigil sa pag hagulgol. "I hate you!" tinapon ko pero kinuha ko ulit tapos niyakap.


Umiyak ako ng umiyak sa kama hanggang sa makatulog.







































































Pero isang malakas na katok ang nagpagising sa akin. "Ito na, lalabas na!" sabi ko habang kinusot kusot ang mga mata. Humikab pa ako at tulog pa.


"Bilisan mo, may nag hihintay sa'yo sa labas!" si kuya na atat.


Binuksan ko kaagad ang pinto at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Lance. Ang tulog na diwa ko biglang nagising. Isinara ko kaagad ang pinto at napasandal dito. Kumabog na naman ang makulit ko na puso. Napahawak ako roon.


"Lily! Buksan mo ang pinto! Wag kang bastos!" si mama.

 

Kinalma ko muna ang sarili. Huminga ako ng malalim at binuga. Paulit-ulit. Bago ko binuksan ang pinto, inayos ko muna ang sarili.

 

"Ano, yon?" nagpanggap akong pagod.

 

"Your phone." binigay niya sa akin ang cellphone ko, at kinuha ko kaagad. Nagtataka akong napatitig sa kaniya. "Binigay ni Naomi sa akin."



Tumango-tango ako. "thanks."


Nagkatitigan kaming dalawa at walang nagsalita. Naiinis na naman ako sa kaniya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Magsasalita na sana si Lance ng unahan ko siyang mag salita. "Bye."

 

Isinara ko na ang pinto at naupo sa kama. Narinig kong nagpaalam siya sa nanay ko at sa kuya ko kaya mabilis akong pumunta sa bintana. Tinitignan kung lumabas na ba siya. Nang lumabas na siya sa bahay ay nalungkot ako. Tumingin siya sa direksyon ko kaya nagtago ako sa ibaba. Bumilang ako ng sampong segundo bago tumayo ulit at tumingin sa bintana.

 

At nang makitang nakalabas na siya ng gate ay niyuko ko ang noo ko, nalungkot pa lalo.

 













imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now