Chapter 25

125 13 28
                                    

#LIB "NEW CRUSH" 

Sa apat na linggong bakasyon ko sa probinsya, nakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Lance. At dahil iyon kay...Miguel. He was there when I needed someone to rely on. Hindi siya nang husga sa akin. Nakinig lang siya sa akin at naging sandalan ko. Ito 'yong gabi na nakita ko ang picture nila ni Lance. Nasa basket ball court ako nito, nakikisama kay kuya. 

Bigla akong umiyak ng malakas na parang  bata. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko na para bang may nakatusok doon na kutsilyo dahil sa sobrang sakit. Tumabi sa akin si Miguel, pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Tahimik lang siya habang ako naman ay iyak ng iyak. 

Sa sumunod na araw naman ay pumunta siya sa bahay namin, may dalang shortcake na strawberry. Nag aya siya kay kuya na mag swimming sa lawa. Sumama ako kasi bored na bored ako sa bahay. Hindi ako marunong lumangoy. Nasa gilid lang ako nakaupo at ang mga paa ay nasa tubig. Malinaw ang lawa, may kaunting mga taong naliligo. 

Malayo na ang langoy ni kuya at hindi ko makita si Miguel. Napasigaw pa ako ng biglang may humatak sa akin mula sa ilalim. Hindi ko makita kung sino dahil puro tubig na ang aking nakikita, dagdagan pa na hindi ako makahinga at nalulunod na. May kamay na humawak sa baywang ko at inangat ako. Napaubo ako at pinukpok ang dibdib. Habang abala ako sa pagbalik ng paghinga ko ay narinig ko ang malakas na tawa ni Miguel. At doon ko lang napansin na siya pala ang nagpaangat sa akin. Mukhang siya din ang humatak sa akin. 

Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko. His smile was the most brightest smile I've ever seen. Hindi ko din maitatangi na gwapo siya. Moreno, makapal ang kilay, ang kaniyang mga mata ay may pagka hazel brown, makapal at perpektong kurba ang kaniyang pilikmata, matangos ang ilong, mapula ang labi at makapal na may nunal sa ibaba nito, hugis oval ang mukha na balanse ang proportions at perpekto na jawline, at may nunal din siya sa panga niya. 

"Lily? Lily," napabalik ang aking paningin sa mga mata niya. "Okay ka lang? Sorry, binibiro kita. Did I made  you trumatized? I'm sorry, lily." sinseridad niyang sabi. Maingat ang bawat pagsabi niya noon at ang pagtitig niya sa akin. "Ah, gusto mo balik na tayo sa pangpang? sorry talaga." 

Habang nagsasalita siya ay nalipat ang paningin ko sa likod niya. Ang paglubog ng araw. Sobrang ganda at lalo na na nasa gitna kami ng lawa, ang mga anino namin ay sumasalamin sa dagat. Sobrang perpekto ng araw na iyon. Lalo pa akong namangha ng magkakulay pink, orange at red ang kalangitan. 

"Wow!" wala sa sarili kong sabi. Lumingon si Miguel sa likod niya. Nalipat ang paningin ko sa kaniya. Sobrang perpekto talaga ng side profile niya, at mas lalo pa siyang naging gwapo ng ngumiti siya. My heart skip a bit. O god this isn't what I've planned for! 

"Ganda!" he uttered. 

"Oo, maganda nga.." wala sa sarili kong sabi habang nakatitig sa kaniya. 

Nakatulala lang ako habang minamasdan siya. Pero bigla siyang lumingon sa akin, napaigtad ako at inilipat kaagad ang paningin sa sunset. I heard him chuckled. 

"Tara na nga!" sabi niya sabay langoy habang hatakhatak ako. Hindi kasi ako marunong lumangoy. 

Nang nasa pangpang na kami ay tinapon kaagad ni kuya ang tuwalya sa mukha ko. Pagalit ko lang siya tinignan pero tumawa lang siya at dumila pa. Binatukan kaagad siya ni Miguel. 

"Wag mong ginaganyan kapatid mo, dude. Para ka namang bata." sabi niya pa. 

"Eh, ano naman! Kapatid ko yan kaya..." nagkibit balikat si kuya at mukhang naiinis na kay Miguel. Hindi na kasi maipinta ang pagmumukha niya. "Ano ba yan! Nawalan na ako ng gana!" Sabay alis ni kuya, sinundan kaagad siya ni Miguel. 

Para silang mag jowa na nag aaway dahil sinusuyo siya ni Miguel. 






"Good morning!" si Miguel. 

Pasukan na ulit. Magkasabay kaming nag lakad papasok sa gusali.

"Ako na nito. Let me help you with these books." biglang kuha niya sa mga librong bitbit ko. Nagulat pa nga ako nung una. 

"Huh? Ako na!" kukunin ko pa sana pero inilayo niya. 

"No. Ako na! Mas lalo kang hindi tatangkad pag magbibitbit ka ng mabibigat na bagay." 

Nahinto ako. Na offend sa sinabi niya. 

"Joke lang!" bawi niya sabay mahinang tulak sa akin palakad ulit. 

Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasan tumingin sa paligid. May hinahanap. At hindi ako makapakali, parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa likod at tama ang hinala ko. Mayron nga! Nahinto ako sa paglalakad at nakatingin lamang sa kaniya, kay Lance. Palapit siya sa amin, nasa akin⸺ hindi⸺ kay Miguel pala. He stared at him with piercing eyes. 

At hindi ako komportable sa presensya niya. Ang akala ko ay hihinto siya sa tapat namin pero lumagpas siya at dumaplis sa balikat ni Miguel. Napatingin ako kay Miguel at nakitang napangisi ito at napailing. 

"Anong problema no'n?" hindi niya makapaniwalang sabi. 

Nagkibitbalikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakatingin lamang ako sa naunang si Lance. Bumalik na naman ang malamig niyang presensya, ang mahirap na kausapin na Lance at ang hindi nakikita na pader na hindi ko kayang basagin. 

Pero bakit naman ganun? Hindi ba dapat masaya siya at magaan na ang awra dahil kay Rayvn? 

Bakit parang balik na naman siya sa dati? 

Bakit ko naman siya proproblemahin? 

"Hindi ko na siya crush! Hmp!" 

"Huh? May sinasabi ka ba?" si Miguel na napahinto sa paglalakad at kuryusong napatingin sa akin. 

Napatikom agad ako sa aking bibig. Hindi ko namalayan na nasabi ko pala, akala ko sa utak ko lang, eh! 

"Babe!" matinis na tawag ni Rayvn. Nalipat kaagad ang tingin ko sa kanila. Malayo na si Lance pero kitang kita ko pa din sila. Yayakap na sana si Rayvn nang biglang humarang si Miguel sa harap ko. Tumingkayad ako para sana makita sila pero kahit anong pilit ko ay ang dibdib ni Miguel ang nakikita ko. Ang tangkad kasi!

"Malalate ka na. Tara na!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila na palakad. 












imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt