Chapter 6

144 16 9
                                    

#LIB FRIDAY, I LOVE YOU!

Biyernes na at matamlay ako dahil hindi ko na makikita si Lance bukas. Wala kasing pasok pag sabado at linggo. At baka ay lilipat na siya sa class A sa lunes, mas lalo akong magiging matamlay at hindi pursigidong mag aral. Kahit hindi naman talaga. I mean papasok ako para makita lang si crush, walang nga akong palya sa attendance, eh. Hay, sana ilipat din ako sa Class A- eme! 

Nakaupo ako sa damuhan, pagod at pawis na pawis. P.E namin ngayon at isa ito sa pinaka ayaw ko tuwing biyernes dahil palaging may pakulo si Sir. Palaging physical activities ang ginagawa. Nakakapagod kaya. Nakita kong palapit na si Bitna sa akin, hinihingal at mabagal tumakbo. Nang makalapit na siya ay umupo siya sa tumabi ko. Pinunasan niya ang mga pawis gamit ang kamay niya. 

"Ang init!" sabi niya pa sabay punas ulit ng mukha at leeg sa pamamagitan ng damit niya. 

Nakaupo lang kami dalawa, nakatingin sa mga kaklase namin na pang dalawang rounds na sa pag takbo. Nauna si Lance sunod si Virgil at iba pang kaklase. Hinihingal na sila at ang iba ay umakbay na sa kasamahan nila. Nang makalapit at natanaw na nila kami ay biglang nagsumbong si Vigil. 

"Sir, hindi nag participate sina Lamoste at Baccay!" sigaw nito sabay ngisi sa amin. 

Galit ko siyang tinignan. Pumito si Sir, mabilis kami ng kaibigan ko tumayo at nag jog papunta sa kanila. Pinagalitan kami ni Sir at dinagdagan ang rounds namin sa pag takbo. Kaya no'ng natapos kami ay pagod na pagod akong pumunta sa clinic, mahina ang paglakad ko. Sobrang sakit ng binti ko at dumagdag pa ang sakit ng tiyan. Hindi ko alam kong bakit sobrang sakit, iba sa pagtatae. Hindi ako nasamahan ni Bitna dahil may praktis siya ng kagrupo niya. Sumasali kasi siya ng mga contest, 'yong Kpop cover competition. Gustong-gusto niya kasing kumanta at sumayaw. 

Nakahawak lang ako sa tiyan ko at impit na umaray dahil sa sakit. Nang bigla nalang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko sa gilid, nagulat ako at nakitang si Lance iyon. Inalayan niya akong maglakad hanggang sa clinic. At sa sobrang malas ko sa araw na ito, wala ang nurse. Kaya nakaupo lang ako at naghihintay. 

Sobrang sakit na talaga ng tiyan ko!

"Wait lang, hahanapin ko si Nurse Ann." paalam ni Lance sa akin bago umalis. 

Yumuko ako at pinindot ang tiyan. "Aray ko po!" 

Hindi natagalan si Lance ay kasama na niya si Nurse Ann. Mukhang paalis na kasi iba na damit niya. Naabala ko pa. Dumalo kaagad siya sa akin. Iniinda ko ang sakit at napakapit pa ako sa mesa. Lumapit si Lance, may pag alala sa mukha. Sa kauna-unahan ay nakitaan ko siya ng ekspresyon. Thank God! Napansin ko din ang pawisan niyang mukha. 

"Saan masakit?" tanong ni Nurse Ann. Tinuro ko ang ibaba ng tiyan ko, sa puson. 

"Ah, may menstruation ka, gang." malumay niyang sabi sa akin at 'saka kumuha ng kung ano man sa cabinet. 

"First time mo bang magkamenstraution, gang?" si nurse na kumuha ng sanitary napkin. Hindi ko alam na ganito pala pag dinudugo. Hindi ko kasi nakikitang umiinda si ate pag dinudugo siya. 

"Opo, Miss." sagot ko na iniinda parin ang sakit. 

Tumango siya at binigay sa akin agad ang gamot at sanitary napkin. "Huwag ka mo nang umuwi. You need to take a rest muna before you go. Pag naramdaman mo nang wala ng sakit, pwede ka nang umuwi." Iginiya niya ako sa isang kama. Iyon lang ang mayron sa skwelahan dahil Public School at hindi pa nagkaroon ng donasyon o budget galing sa mayayaman o sa gobyerno. 

Naupo sa tabi ng kama si Lance. Tinapik siya ni Miss Ann at 'saka sinabing "Bantayan mo 'yang girlfriend mo, huh?" Nagulat ako sa sinabi niya at uminit ang pisngi. Tumingin siya sa akin, nakangiti. "Swerte mo sa boyfriend mo, gang, sinundan ako hanggang sa labas ng gate para lang matignan ka." 

Love in Bloom 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora