Chapter 19

104 14 25
                                    

#LIB "Good job! You did a great job, Lily!" 

Friday na at P.E class ko na naman ngayon. Birthday ko pero kahit ni isa sa pamilya ko walang bumati. Ang lungkot ko tuloy ngayon. Pero dahil P.E at puro physical activities na naman ay mas lalo pumangit ang araw ko. Hingal na hingal ako habang shinoshoot ang bola sa ring. Ako nalang ang hindi pa naka score. Sabi pa ni Sir, "Huwag kang titigil hangga't hindi ka nakakascore. O kung hindi ay zero ang grado mo sa akin." Kaya ito ako ngayong, pawisan habang pinipilit na mapasok ang bola sa ring. 

"Go, Lily!" si Bitna na taga cheer ko. 

Buti pa siya nakaupo na at hindi na pawisan, samantalang ako pagod na pagod na at gusto nalang tumigil. Pero hindi pwede! Kaya mo 'yan self! Umiling ako at determinadong maipasok ang bola. 

"Si lance!" 

"Ang pogi!"

Narinig kong sabi sabi ng mga kaklase ko kaya napatingin ako kaagad. Sa di kalayuan naglalakad palapit sa bench si Lance at kasama niya si Esther. May pinaguusapan silang dalawa. Seryoso ang mga mukha nila at hindi ko alam kung bakit andito sila. 

Pumito si Sir kaya binalik ko kaagad ang tingin ko sa bola at pagkatapos ay sa ring. Pumikit ako at nagdasal. "Lord, please, ipasok niyo na 'to. Pumasok ka, please.."  

Tumalon ako at tinapon na ang bola. Dumilat ako at kinagat ang pang ibabang labi, kabado na. 

Please...please...

Isang malakas na sigaw mula sa mga kaklase ko ang nagpatingin sa akin sa ring. 

Naishoot ko! Naishoot ko nga! 

oo

Naishoot ko!

Niyakap kaagad ako ni Bitna. Hindi ako makapaniwala na naipasok ko, nakatayo lang ako habang nakayakap siya. Sobrang saya niya para sa akin. Ang malikot kong mata ay napunta kaagad sa direksyon ni Lance. Nakatingin na sila sa direksyon namin. Nakita kong napangiti siya ng kaunti. Pero mabilis din naman nawala ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Umiwas kaagad ako ng tingin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, uminit ang mga pisngi at parang kung may ano sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. 

"Congrats-" hindi na ituloy ni Virgil ang sasabihin at ang pagyakap sa akin. Napahimas siya sa kaniyang batok at umatras. Patakbo siyang umalis. 

Nakaramdam agad ako ng lungkot. Hindi ko gusto ang nangyari sa amin. Hindi kami ganito. 

Bigla akong inakbayan ni Bitna, "Dahil nakascore ka ngayon sa P.E natin, ililibre kita!" sabi niya sabay hatak sa akin palabas sa gym. 

Nakasalubong ko pa namin sina Lance at Esther, palapit sila kay Sir. Tumingin ako kay Lance pero nang magtagpo ang mga tingin namin ay umiwas ako. 

"See you at the library..." napatingin ako sa kaniya. "Also, congratualitions." Napahinto ako sa paglakad. Umalis na siya at lumapit na kay Sir. 

"Ayieeee... may pa see you, see you pa ang crushy mo, ah!" Si Bitna na tinutukso ako habang kumakain kami ng Popsicle at 'saka fries.

Napatikom ang ng bibig, pinipigilan na ngumiti. 

"Kilig ka, no? Ayieee" 

"Hush.." sabi ko at bumigay na. Lumabas na ang ngiti ko na abot sa tainga. 

Tumawa si Bitna at pinindot nang pindot ang tagiliran ko. Pero natigil siya sa panunukso at nakatingin lang sa kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at bumagsak ang ngiti ko ng makita si Virgil. Wala siyang kasama at may dala siyang dalawang inumin. At isa doon ay ang strawberry milk drink na paborito ko. 

Love in Bloom 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon