Chapter 23

105 14 21
                                    

#LIB "MALI ANG INIISIP MO!"


Kabado man ay sinunod ko ang utos niya, umangat ang tingin ko sa kaniya. At kahit madilim sa banda rito ay nasisinagan ko parin siya. Dahil sa konting ilaw at pati narin sa liwanag ng buwan. Kalahati lang naman ang nakikita kong mukha niya. At kahit ganoon ay sobrang gwapo niya. Mas lalo akong kinakabahan ng makita na umiigting ang panga niya. Nagdikit ang mga kilay niya at mukha siyang galit. 

Napalunok ako at napakagat ng pangibabang labi. Napayuko ako dahil hindi ko kinaya ang ganoon na itsura niya. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganon, na galit. 

"Answer my question, Lily." 

"Kasama ko buong pamilya ko, Lance. Kumain kami sa labas. 'Yon lang." pagpaliwanag ko na parang pinagalitan ng isang kapatid. 

Napatitig siya sa aking mga mata, ako naman ay nanginginig na sa kaba at takot. Hindi ko nakitaan noon na ganito siya. Puros blanko na ekspresyon lang ang alam niyang gawin pero ngayon, hindi ko na siya kilala. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Kaya hindi ko nakayanan na mapatitig sa kaniya. Naibaba ko ang tingin ko. 

Nangingibabaw ang katahimik sa aming dalawa. Walang niisang nagsalita. Tanging mga hininga lang namin ang maririnig. 

Huminga siya ng malalim. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Malumanay na ang kaniyang titig at nawala na ang galit sa kaniyang mga mata. Umatras siya ng konti mula sa akin at umayos siya ng tayo. Iniwas siya ng tingin sa akin. 

"Let's go back. Baka hinahanap ka na nila." sabi niya na tumaikod na sa akin. 

Nauna siyang maglakad, ako naman ay hindi parin makapaniwala na makita siyang ganoon kaya naman nung tinawag niya na ako ay sumunod na ako sa kaniya. Nakayuko lang at nakayapos ang dalawang kamay. Nahinto ako ng lumingon siya, ang mukha lang niya (yung parang sideways, ganun). 

"I'm worried about you. Akala ko mag isa ka lang." mahina niyang sabi pero narinig ko. 

Nagulat pa ako ng sabihin niya 'yon.

Paulit-ulit pa 'yon sa tainga ko. 

I'm worried about you.

Nang nasa harap na kami ng pinagtratrabahuan niya ay nagpaalam na ako kaagad. Hindi ko na kasi nakayanan ang bilis ng puso ko. Sobrang kilig na kilig ako. Tumakbo pa nga ako para lang hindi niya makita ang abot tainga kong ngiti tapos ang maingay na puso ko. 

Nang nakabalik na ako sa kung nasan sila Mama ay sakto namang paglabas nila mula sa loob. Pulang pula ang ilong ni ate at mata, mahahalataan na kagagaling lang ng iyak. Si mama naman ay naunang naglakad, galit. Si kuya naman, nakapamulsang naglalakad sa tabi ko, walang imik. At ako naman, hinahaplos ang likod ni Ate dahil taas baba ang paghinga niya. Humikbi pa nga siya. 

Tahimik kami nakasakay sa taxi. Nasa passenger seat si mama at kaming tatlo ay nasa likuran. Wala nagsalita kahit isa sa amin at ang maririnig lang ay ang mahinang iyak ni Ate. Inaalo ko siya pero hindi siya natigil. Tumingin na lamang ako sa labas, sa bintana. Nahagip ng paningin ko pa si Lance, nag seserve sa isang babaeng customer. Nung lumagpas na ang sinasakyan namin ay hindi maialis ang tingin ko sa likuran, malayo na at malabo na. 



Nang nasa bahay na ay malakas na sinarado ni mama ang pinto ng kwarto niya. Tinignan ko si kuya, naghahanap ng sagot pero tinaasan niya lang ako ng dalawa niyang balikat at tumalikod na, tapos ay pumasok sa kwarto niya. Napatingin ako kay ate nang malalim itong huminga at bagsak ang mga balikat na naglalakad patungo sa kwarto niya. Ako nalang ang naiwan sa sala. Nalilito ako kung sino ang una kong pupuntahan. Si mama ba o si ate. 

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now