Chapter 28

109 13 16
                                    

 #LIB "MY SAVIOR"

Unti-unti kong binukas ang mga mata ko, sobrang sakit ng buo kong katawan at lalong-lalo na ang ulo ko. Akala ko sa pag gising ko andoon parin ako, sa isang madilim at nakakatakot na room. Sobrang sakit ng mga kamay ko na hindi ko magawang itaas. Sobrang malabo ang paningin ko, at nahihilo ako.


"Lily, lily" I heard him call my name.


Hindi pa klaro sa akin ang kaniyang mukha. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at binukas ulit. At nang makita siya ay napayakap ako sa kaniya.


"Salamat, Miguel. You saved me!" mahigpit ko siyang niyakap. "A-akala ko hindi na ako makakalabas doon sa room na iyon. Sobrang natakot ako! Salamat sa pag ligtas mo sa akin."


Tinapik niya ako sa likod. Kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya. Napaubo siya at napatikhim na para bang nasasakal. Hindi ko namalayan na ganoon kahigpit ang yakap ko. Humingi ako ng pasensya. "Sorry."


Tumango siya at magsasalita na sana ng biglang pumasok sina mama, at kuya. May pag alala sa mga mukha nila.


"Okay ka lang ba, liliana? Anong masakit sayo, anak? Sabihin mo kay mama..." si mama na may mga luha sa kaniyang mga mata, halatang alalang-alala na.


Tinignan ko si Miguel sa likod, inakbayan siya ni kuya at lumabas silang dalawa sa kwarto.


"Kanina ka pa namin hinahanap. Pinuntahan ka namin sa school mo, pero wala ka sa room ninyo. Wala ng mga studyante roon. Nabalitaan nalang namin na nasa hospital ka na. Sorry anak, nahuli ako..." niyakap ako ni mama at naramdaman ko ang mainit niyang luha sa aking pisngi.


"Okay lang, ma. Okay po ako. Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Sadyang makulit lang ako at naiwan ako sa school at nadaganan ng mabigat na book shelf. Kaya ayon, hindi ako nakauwi." pagdadahilan ko pa.


Nang matapos kami mag usap ni mama ay kinausap siya ng doctor. Kaya mag isa ako sa ward. Hinintay ko na bumalik si Miguel pero wala. Si kuya lang ang pumasok, bored siyang naupo at nag lalaro sa cellphone niya.


"Saan si Miguel, kuya?" takang tanong ko, tinitignan ang pintuan.



"Umuwi na." tipid niyang sagot.

Lumungkot ang mukha ko. Hindi iyon nakita ni kuya dahil busy siya sa kakalaro sa cellphone niya. Si mama hindi pa bumabalik.


"Lily, sa susunod mag ingat ka naman. Walang pera si mama pambayad sa hospital." biglang sabi ni kuya pero ang tingin niya na sa kaniyang cellphone.


"Sorry." hingi ko ng tawad.


Hinintay ko si mama, nakatulog na si kuya. Alas singko na ng umaga at hindi pa rin siya bumabalik. Hanggang sa mag hapon na at wala pa rin siya. Umalis si kuya, naiwan akong mag isa.


Pero buti nalang binisita ako nila Bitna. May dala silang mga prutas at inumin. Niyakap ako ni Bitna ng mahigpit pero napaigtad ako sa sakit. Kaya kumalas din siya kaagad.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now