Chapter 7

120 15 39
                                    

#LIB IT'S OUR BABY!

Palapit na kami sa bahay nang biglang may narinig kaming iyak ng pusa. Palingon lingon kami ni Lance at wala kaming nakita. Tinignan ko ang bawat sulok ng mga halaman pero wala. Hanggang sa at nakita namin ang maliit na pusa sa loob ng kanal. Naiipit ito at kawawa ang itsura. Nagmadali kaming lumapit at nagisip agad paano kunin ang maliit na pusa. 

"Paano ito?Kawawa ang kuting." natataranta na ako nang makitang malapit na itong bumitaw. Hinawakan ko ang dalawang paa ng kuting.  

Mabilis naman tumulong si Lance at dahil sa liit ng kuting ay niilabas namin ito mula sa loob. Madungis at basang-basa ito. Kumuha ako ng face towel sa bag at binalutan ko kaagad ang pusa. Pinunasan ko ito at hindi ininda ang baho. Tumigil na din siyang umiyak. Kawawang pusa. 

Umupo muna kami sa malapit na waiting Shed. Nakatingin lang ako sa kuting, ayaw bitawan. 

"Kailangan na nating umuwi, gumagabi na." biglang sabi ni Lance sa tabi ko. 

Tumingin ako sa kaniya at tumango, pero bago pa ako makatayo ay biglang bumuhos ang ulan. Napabuntong huminga si Lance. Nilipat ko muna ang pusa sa bisig niya, nagulat pa siya no'ng una pero kaagad din naman nawala ang ekspresyon na 'yon. 

"Hawakan mo muna. Titignan ko sa bag kung may payong ba ako nadala." sabi ko habang binubuksan ang bag ko. 

Tumango siya at nakatingin lang sa pusa sa kandungan niya. Nang makita ko ang payong sa loob ng bag ay sumaya ako. "Meron ako! Uwi na tayo!" 

Nagtatanong ang mukha ni Lance at tinignan niya ulit ang pusa. "How about this cat?" tanong niya.

"Hala, oo nga! Bawal sa amin 'yan, ayaw ni mama ng pusa o kahit anong hayop." malungkot na sagot ko, bahagyang yumuko ang ulo at ngumuso. 

He sighed. Bigla naman ako nagkaroon ng ideya. 

"Ah! Kung ikaw nalang kaya ang mag dala?" magiliw kong suhestiyon sa kaniya. 

Napatingin siya sa akin. Malapad akong nakangiti. 

"Okay." walang nagawa niyang sagot. 

Mas lumapad pa ang ngiti ko at pumalakpak pa. "Yehey! May uuwian na si baby...? Anong ipapangalan natin sa kaniya?" bigla kong tanong.

Kibit balikat lang si Lance. "You name it." 

Nag isip pa ako ng pangalan ng pusa hanggang sa nagkaideya kaagad. 

"Tacobell!Oo taco bell ang name!" 

"You sure?" pagsisigurado pa ni Lance sa akin, at agad naman akong tumango. 

"That's a pretty name. Good choice. Now, uwi na tayo?" tumango ako at 'saka binuksan ang payong na dala. 

Nagpalit kami ng dala, siya sa payong, at ako naman kay taco bell. We were walking side ways, and I couldn't stop my excitement. "May anak na tayo." wala sa sarili kong sabi habang sumugod sa ulan. 

"Hmm...it's our baby." 

Hindi ko alam kung narinig ko ba iyon ng maayos o talagang nasabi niya iyon. Napahinto pa nga ako sa gulat at naiwan niya. Kaya no'ng naramdaman niya siguro wala ako sa tabi niya ay lumingon siya. Tinawag niya ako. Sobra sobrang saya at kilig na ang nararamdaman. Inulit niya ang pag tawag. Umiiyak si taco bell kaya natauhan ako at kumaripas ng takbo papunta sa daddy niya. DADDY NIYA? Nahihibang na talaga siguro ako. 

Daddy niya si Lance tapos mommy niya ako? Is this for real? 

Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay aakma na sana siyang isauli ang payong pero pinigilan ko. "Gamitin mo muna." sabi ko sabay bigay sa kaniya si taco bell. "Please, alagaan mo siya, huh? Magbibigay ako pagkain niya, bukas." 

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now