Chapter 17

113 12 8
                                    

#LIB "Good night..."

Umiyak lang ako sa tabi, humihikbi at hindi mapaliwanag ang naramdaman. He was my childhood friend, my enemy, ...and brother. Hindi ko mawari kung bakit siya nagkagusto sa akin. Kung araw araw naman niya akong inaaway at kinukutya. Parang mali. Mali na magkagusto siya sa akin. Ha! Oo..mali nga talaga! Mali din na mahal ko na si Lance! Nalito lang si Virgil at ako din. Baka mawawala din 'to bukas.

Baka katuwaan lang ni Virgil sa akin. 

Baka praktis lang kasi may nagugustuhan siyang iba tapos...

tapos....

...ako ang napag diskitahan.

Oo ganun nga!

"Lily! Lily!" narinig ko ang boses ni Bitna kaya napatayo ako at hinanap kung nasaan siya. 

Nang makita ko siya ay tuwang tuwa akong tumalon sa kaniya. Siya naman ay nag alala ang mukha. 

"Bin-naya!" 

Mahigpit ko siyang niyakap. "Ba't hindi ka na pumapasok sa school? Hindi mo pa sinasagot mga tawag ko sayo. Ano ba ang nangyari sayo, huh?" sabi ko at kumalas na sa pagkayakap sa kaniya. 

At doon lang ako na nahinto nang makita ko ang buhok niya. Ang dati niyang buhok na hanggang pwet ay ngayon ay hanggang leeg nalang niya. At sobra ang pinayat niya. 

"Anong nangyari sayo?" tanong ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. 

Napakamot siya sa kaniyang ulo at nahiyang sumagot, "Nagpagupit ako. Alam mo na bagong style." 

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya kaya humalukipkip ako at ginilid ang ulo. "Hindi ako naniniwala. Sabihin mo totoo."

Tumawa siya pero peke, nanliit ang mga mata ko at naghintay sa isasagot niya. Pero ilang minuto lang siyang walang imik. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at niyuko ang ulo. Pinisil pisil niya ang kaniyang mga daliri at pumapadyak ang isang paa niya. 

Niyakap ko siya, at tinapik tapik ang likod. Naramdaman kong naestatwa siya at ilang sandali lang ay taas baba na ang balikat niya. Tahimik siyang umiyak. 

Alam kong may kinalalaman na naman ang pamilya niya. At hindi na ako nagtanong pa. I let her cry on my shoulder. Tamihik ako sa tabi niya at nakatingin lang sa buwan. Nakaupo na kami ngayon sa bench. Nakasandal ako sa likuran at siya naman ay nakahiga ang ulo sa balikat ko. 

"So-sorry." paghingi niya ng paumanhin at inalis na ang ulo niya sa balikat ko. Nalipat ang paningin ko sa kaniya. 

"Ano ka ba! Okay lang, 'no!" sabi ko at pekeng ngumiti. "Paano mo nalaman na nandito ako?" dagdag ko pa.

"Pumunta ako sa inyo nung narinig kong hindi ka pa umuuwi. Nilibot ko pa lahat ng barangay para makita ka. "

"Huh? narinig? kanino?" nagtaka akong nagtanong sa kaniya. Napaharap sa kaniya.

Nabigla siya saglit at napakagat sa ibabang labi niya. "Sabi ng mama mo, wala ka pa raw sa inyo kaya naghanap nako!" 

"O-okay."

Tumayo siya bigla. "Tara na, uwi na tayo! Baka hinahanap ka na sa inyo, eh!" Tumalikod siya at mauuna na sanang maglakad nang hulihin ko ang kamay niya. 

Lumingon siya. 

"Tinawagan kita ng ilang beses. Hindi ka sumagot. Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka..." hindi ko maituloy ang sasabihin. 

"Pumayat? Aysus! Alam mo naman na on diet ako! May audition kasi kaya nagpapayat muna." 

Tinitigan ko muna siya at sinisiguro kung nagsasabi ba siya ng totoo. 

Love in Bloom 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin