Chapter 18

102 13 31
                                    

#LIB "MY TUTOR"

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Sa sobrang dami ay mahahalataan na wala akong tulog dahil sa laki ng eyebags sa ilalim ng mga mata ko. Maaga ako ngayong pumasok, kabado pa dahil baka makasalubong ko sila. Pero bigla nalang may kamay na pumatong sa balikat ko. Napahinto ako sa paglalakad at hindi huminga. Pumikit ako at tikom ang bibig.

"Hindi mo ako hinintay! Tawag ako ng tawag sayo!" boses ni Bitna.

Napa buga ako ng hangin at nilingon siya.

"Okay ka lang?" tinignan niya ako ng maigi. Tumango ako bilang tugon. "Talaga? Bakit parang nakakita ka ng multo?"

"Okay lang ako! Nagulat lang."

Tumango siya. Nalipat ang tingin ko sa likuran niya, nakayuko na naglalakad palapit sa amin si Virgil. Mabilis kong hinablot ang kamay ni Bitna at nagtago agad sa damuhan. Naupo ako at yumuko.

"Ba't tayo nagtatago?" si Bitna na pilit tatayo pero pinigilan ko siya at pinayuko ang ulo niya. sinubukan niyang tignan ang tinitignan ko. "Sino ba kasi ang tinataguan natin? May nambully ba sayo habang wala ako?!" napataas ang boses niyang sabi sabay biglang tayo.

Napaigik sa gulat si Virgil ng nasa tapat na siya sa tinataguan namin. Nagkatitigan silang dalawa pero nalipat kaagad ang tingin ni Virgil sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko at mas lalo kong niyuko ang noo.

Narinig kong may huminga ng malalim at mabigat na binuga ang hangin. May tumapik sa akin pero hindi ko ito pinansin, tinakpan ko lang ang mukha ko ng bag ko at saka tumayo, at tumakbo ng matulin.

"Una nako!" sigaw ko pero hindi lumingon.

Narinig kong tumawag si Bitna sa akin pero hindi ko magawang tignan siya.

Nang nasa klase na ay hinihingal akong nakahawak sa mga tuhod ko at sinusubukang huminga. At nang maramdaman na maayos na ay naupo ako sa upuan ko. Hindi ako tumingin sa pintuan, ang tingin ko ay sa bintana.

Payapa, malumanay at asul na asul ang kalangitan. Ang mga studyante ay nag uunahan na pumasok sa gusali. May guro na hinahabol ang dalawang studyante na nakamotor. May naglilinis sa paliid, may nagiigib, may nag lalaro ng bola kahit maaga pa, at iba pa. Nahagip ng mata ko sa di kalayuan si Lance, nakapamulsa siyang naglalakad,at may headset sa tainga.

Habang dumaan siya ay hindi maiwasan na mapatingin ang ibang istudyante sa kaniya. May iilan pa na lalapit na sana pero nag aalangan. May iba pa na mga lalaki na studyante na kumaway sa kaniya pero hindi niya nakita. Napatayo ako nang may umakbay sa kaniya. Si Esther. Napatingin sa kaniya si Lance at inalis kaagad ang kamay ng babae sa balikat niya. Napaupo ako sa aking upuan at tinignan lang sila. Sabay silang naglalakad, magkatabi at mukhang masaya sila. Malaki ang ngisi ni Esther habang umaakbay siya kay Lance kahit ilang beses na itong inalis ng lalaki.

"Sinong tinitignan mo?" napalipat kaagad ang paningin ko kay Bitna na nasa tabi ko na. Dumungaw siya sa baba, sa bintana kung saan ako nakatingin.

Pero buti nalang nakapasok na sina Lance kung hindi ay baka tinawag na niya at tinuro ako. Tapos sasabihin "Pogi, Crush ka nito!" . Pilit na siniksik niya ang sarili para makalapit sa bintana. Pinigilan ko siya pero nagpumilit parin.

Nakita kong napatingin si Virgil sa amin pero nang makita na nakatingin ako ay mabilis siya umiwas ng tingin.

"Si Lance ba? Huh?" si Shanen na malaki ang ngisi, binanga-bangga ang balikat ko.

"Hindi, ah!" agad kong tangi at tumingin nalanag sa harap.

Pumasok na ang guro namin, seryoso ang mukha nito at may dalang mga papel. Tumayo kami agad para batiin siya pero nahinto ng makita namin ang kasunod niya...si Mr. SSG President. Suminyas si Sir na maupo kami kaya naupo kami. Tumikhim siya at seryosong tumingin sa amin.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now