Chapter 9

123 16 21
                                    

#LIB MAY IBA AKONG GUSTO!

Hindi sumagot kaya umiwas na ako ng tingin dahil naiilang ako. Nagising si Bitna no'ng natapos na ang movie.

"Comfort room lang muna ako." pagpaalam ni Bitna na hindi na hinintay ang sagot namin. Kumaripas na ito ng takbo papuntang CR.

"A-ako din!" aalis na sana ako nang hulihin ni Vigil ang braso ko.

Lumingon ako sa kaniya at nakitang sobrang seryoso ng mukha niya.

"Ihing-ihi na ako, please." pagsinungaling ko para lang makatakas.

Binitiwan niya ako at nakatakas na nga ako sa hawak niya. Pumasok ako sa banyo, sa isa sa mga cubicle, at napahinga dahil sobrang kaba ko kanina.

"Bakit ko ba naisip itanong 'yon?" tanong ko sa sarili ko at 'saka hinampas hampas ang noo sa pader.

Napaupo ako sa inidoro at 'saka sinapo ang mukha. "Napaka awkward no'n!"

"Lily?Ikaw ba 'yan?" rinig kong boses ni Bitna sa tabi ko.

"Bin-na?Oo, ako!"

Lumabas na ako at hinintay siya. Nang makalabas ay nag hugas muna siya ng kamay at tumingin sa akin.

"Narinig ko 'yon kanina."

"Huh? Anong narinig mo?"

"Yong ano, yong, alam mo na."

"Ang alin?"

"Kung may gusto ba sayo si Virgil."

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga. "Eme ko lang 'yon." sagot ko, no'ng nahimasmasan na.

"Obvious naman na may gusto 'yong tao sayo."

"Huh? Sino si Virgil? Hindi noh! Biro ko lang iyon, akalain ko bang seseryosuhin niya."

"Ikaw ang bahala." sabi niya sabay akbay sa akin at naglakad na papuntang pintuan.

Nang pagbukas namin ay nanlaki ang mga mata namin dahil nasa labas si Virgil.

Narinig niya ba?

"Ano tara na? Toms World tayo!" sabi niya at nauna na sa amin mag lakad.

Bahagya akong binangga ni Bitna at nginusuan si Virgil. "Mukhang narinig niya." mahina niyang sabi.

"Hindi yata."

Nagpalit muna ng pera si Virgil sa cashier at kami naman ay naghihintay lang sa gilid.

"Bili tayo milk tea." sabi bigla ng kaibigan ko, at sinama ako sa shop.

Nag order siya ng tatlo, strawberry yong sa akin tapos sa kanila naman ay black chocolate milk tea. Bumalik na din kami kaagad sa pwesto namin. Nag laro kami ng time crisis 5, Hot shot at sumayaw sa Just Dance. Nakalimutan namin kaagad ang awkward na pangyayari kanina.

Nang matapos ay naglaro kami ng Overtake, Shooting Mania, Ring em, Gotcha at madami pang iba. We spent Virgil's money and we had so much fun. At ngayon ay nasa harap na kami ng Tiny Claw Machine. May nagustuhan na kaagad ako na stuff toy, isang nine tailed fox na sobrang cute. Dalawa iyon at namumukod tangi talaga. Isang maliit na mukhang babae at 'yong isa panlalaki ang datingan.


"Ano gusto mo diyan? Kukunin ko!" Si virgil.

Tinuro ko ang dalawa kaya tumango siya at naghulog ng coin sa machine. Nakailang ulit na siya pero hindi parin niya nakukuha. Nag cheer pa kami ni Bitna sa kaniya para lang maging motivated siya sa paghuli.

"Kaya mo 'yan! Go, Go, Leon!" si Bitna na todo cheer at nakisabay na rin ako

Please, makuha ka.... I was hoping for it. The plush toys got my attention, and it reminds of...Lance.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now