Chapter 26

118 13 9
                                    

#LIB "Hindi ko na siya gusto!"

"Bakit ka hinatid ni Miguel?" biglang tanong ni Bitna sa harap ko. Kakaupo ko lang sa upuan. 

"Huh? nagsabay lang kami sa gate." 

Umupo siya sa tabi ko at makahulugang napatitig sa akin. Nandikit naman ang kilay ko. 

"Talaga ba? Parang ano, eh-" 

"Oo, nagkasabay lang  kami, okay? 'Yon ang totoo, Shai!" 

"Ang defensive naman! Nagtatanong lang eh!" Makahulugan pa rin siyang nakangisi at nakatitig sa akin. 

"Nagkasabay lang talaga kami." walang gana kong ulit. "At saka hindi ko naman siya aagawin sayo, crush ko siya pero mawawala din 'to." wala sa sarili kong sabi. 

"Huh? CRUSH MO SIYA?!" napatayo siya bigla. Nanlaki ang mata ko at napatikom ng bibig. Kinagat ko sa loob. "PAANO SI LANCE?! MAY BAGO NA? HUH?!" pinilit ko siyang paupuin sa tabi ko pero hindi siya makontrol. 

Pumasok sa loob si Virgil, nagtataka ang mukha na nakatingin sa amin. Pero hindi na nakiusisa pa at naupo na lamang sa upuan niya. 

"Hush...baka marinig ka ng mga kaklase natin!" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Bitna at hinatak siya paupo sa tabi ko. 

"Crush mo ba talaga si Miguel? Talaga? Bakit...at...pa-paano?" gulat parin ang mukha niya. Mahina siyang nagtanong sa akin. 

"Magkapitbahay kami sa probinsya. Kaibigan din pala ni kuya kaya ayon. Crush lang naman, gwapo niya kasi." 

"Wow!" hindi makapaniwala niyang sabi at bumagsak ang balikat niya. Tumingin siya sa harap at natulala. 

"Sorry. I-uuncrush ko na siya, Bin-naya. Sorry-" 

"Okay lang naman." napahinto ako at hindi makapaniwala sa narinig. 

Tumawa siya at inakbayan ako. "Ano ka ba! Okay lang naman kung crush mo siya. Hindi ko naman na siya crush. At saka may bago na akong crush, no!" 

Huhulihin ko pa sana ang tinignan niya nang mabilis siyang tumingin sa akin at matamis na ngumiti. 

"Hindi ko bet si Miguel for you," makungkot niyang sabi. "pero masaya ako na hindi ka umiiyak dahil lang sa crush mo may jowa." niyakap niya ako. Akala ko pa seryoso siya pero tumawa siya ng malakas. 

Kumawala ako sa yakap niya at umiling. "Nahawa ka ata kay Virgil." sabi ko na ikinatahimik niya. 

Nagtaka akong napatitig sa kaniya pero umiwas siya ng tingin. Nalipat ang tingin ko kay Virgil at sakto naman na nagkasalubong ang titig namin. Umiwas siya ng tingin at nagpanggap na nagbabasa ng libro. 

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Alam mo 'yong okay kami pero naiilang parin sa isa't-isa. 

Umusad ako sa tabi ni Bitna, at mahinang nagtanong, "Naguusap pa ba kayo ni Virgil?" inosente at walang malisya kong tanong. 

Nagulat ako ng lumayo ng kaunti ang kaibigan ko sa akin. Namilog ang mg mata niya at umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at hindi nalang pinilit pa na itanong sa kaniya. 

Sa buong klase ay nakahiga lang ulo ko sa desk habang nakatingin sa bintana. May librong nakaharang kaya hindi ako nakikita ng mga guro. Hindi ko namalayan ang oras, at nakatulog ako. Nagising lang ako ng may maramdaman na malamig sa pisngi. Unti-unti kong binuksan ang mga talukap ko. Ngumiti pa ako ng makita ko ang gwapong mukha ni Lance. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit tumitibok parin ang puso ko sa kaniya, kung bakit kapag nakikita ko siya, napapaniginipan, o marinig lang ang pangalan niya ay para akong aatakehin sa puso. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng marinig mula sa labi niya ang pangalan ko. 

"Lily." mas lalong lumaki ang ngisi ko ng yumuko siya para lumebel ang tingin namin. May sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil nakatutok lang ako sa mukha niya. Parang may mga musika sa paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. 

"Lance, gusto kita-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng kumatok siya sa desk ko kaya napaahon ako sa pagkahiga. Namilog ang mga mata ko at nalalag ang panga. 

Napasigaw ako at napatayo. Tumakbo ako palabas pero nahinto sa pinto ng tawagin niya ako. Tumingin ako saglit sa kaniya at kumaripas na ng takbo dahil sa hiya. 

Tinampal-tampal ko ang bibig ko habang tumatakbo. Narinig ko ang tawag niya sa akin sa likod. Nakasunod siya sa akin, mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko kahit na madaming studyante na nakaharang. 

"Excuse me, excuse me..." ulit kong sabi habang dumadaan. 

At dahil hindi ko nakita ang dinadaraanan ay natapilok ako. Napapikit ako at inasahan ko na ang bagsak ko sa sahig pero... hindi. Naramdaman ko nalang na may nakahawak sa likod ko, sa baywang ko. Naka 'backbend ako' at sobrang liit sa bisig ni Miguel. Nakatitig ako sa kaniya at gulat parin. 

"Okay ka lang ba?" nag alalang tanong niya sa akin habang hawak ako. 

Kumawala ako sa hawak niya at umayos ng tayo. Tumango ako sa kaniya at naiilang na ngumiti. 

"Babe Lance!" rinig kong tawag ni Rayvn. 

Napatingin ako sa nakatayong Lance sa hindi kalayuan. Nakatingin siya sa amin, hindi ako sigurado kung sa amin ba o baka kay Rayvn sa likod na palapit sa kaniya. Walang reaksyon sa kaniyang mukha. Nakaramdam ako  ng kirot sa dibdib ng tumalikod siya at naglakad paalis. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. 

Hindi ko na siya gusto. 

Hindi na. 

"Kumain ka na ba?" si Miguel ang bumasag sa iniisip ko. 

Umiling ako. Ngumisi siya at sinabing, "Ayos! Sabay na tayo!" 

Nauna siyang naglakad habang ako ay nasa likod, nakasunod sa kaniya. Malalim ang iniisip at nalilito na. 

Kahit sa canteen ay siya lang ang laman ng isip ko.

"Lily, lily-" si Miguel na winasiwas ang palad niya sa harap ko. 

"Hmm?" ako na hindi nakinig sa kaniya. 

"Ano gusto mo? Libre ko." 

"Kahit ano nalang." 

Tumango siya pero ang tingin ay sa akin habang umoorder. Nag alala ang mukha ni Miguel. 

"Okay ka lang ba?" nang matapos umorder.

Si Miguel ang nagdala ng pagkain namin dalawa. Naupo kami sa malapit na bakanteng upuan. 

Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. 

"Kanina ka pa kasi wala sa sarili. Malalim ang iniisip. May problema ba, lily?" 

Dinaan ko sa mahinang tawa ang tanong niya at umiling. "Wala! Kain na tayo! Thank you sa libre, Miguel." 

Hindi siya gumalaw kaya taka ko siyang tinignan. 

Tumikhim siya at pinatong ang baba sa kamay habang nakatingin sa akin, ng seryoso. Nagsimula na akong kumain. 

"Kuya, lily. Kuya tawag mo sa akin. Nakatatanda mo ako kaya, kuya. Para mo naman akong kaedad kung makatawag ka sa pangalan ko. Baka akalain nila may something sa atin" pabiro ang huli niyang sinabi.

Nabilaukan ako at napaubo. Inabot niya ang basong tubig sa akin at napalitan ang ngisi niya ng pag alala. 

"Kahit ano na nga lang!" bawi niya sa sinabi niya at ginulo ang buhok ko. 













imaceyou_onwattpad

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now