Chapter 24

125 14 47
                                    

#LIB "ANG CUTE MO!" 

"Mali ang iniisip mo, lily!" umuling siya at hahawakan na sana ako nang umatras ako at iniwas ang kamay ko mula sa kaniya. "Please, magpapaliwanag ako..." 

"Akala ko ba mag kaibigan tayo, Bin-na... ba-bakit hindi ko ito alam?" 

"Lily, tara na. Inaantok na ako!" si kuya na hinila ako. "Bukas nalang kayo magusap. Tara na!" 

"Lily!" tawag ni Bitna at aakmang hahawakan ulit ako ng tumalikod na ako at nagpatangay sa hila ni kuya.

Nang nasa malayo na kami ay lumingon ako, nakita kong napaupo si Bitna at sapo ang mukha na para bang umiiyak. Nakaramdam ako ng sakit. Nakaramdam ng parang pinagtaksilan nila ako. Akala ko walang sekreto sa amin, pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Mukha pa namang matagal na siyang nandoon sa bahay nila Virgil. Hindi man lang niya ako sinabihan. 

Umulan bigla kaya napatakbo kami ni kuya, malayo pa ang amin. Kaya nung nasa bahay na ay basang basa kaming dalawa. Wala ako sa aking wisyo, nakatayo lang ako sa sala habang si kuya ay binalot ako ng tuwalya. 

"Maligo ka, lily. Baka magkasakit ka niyan!" si kuya na naunang naligo at nagpatuyo. 

Wala parin ako sa aking sarili. Bigla akong napaiyak ng hindi ko makayanan ang sakit. Sakit na pinagtaksilan ng mga kaibigan. Para akong batang umiyak at napayakap kay kuya. Umigtad siya sa gulat. 

"Ano ba 'yan mababasa ako, ulit!" reklamo niya pero inalo na ako. "Ano bang problema mo? Sino umaway sa'yo, huh?!" 

Napalakas ang iyak ko at mas lalong dinikit ang mukha sa dibdib niya. Napabuga ng malalim na hininga si kuya at naramdaman kong bumagsak ang dalawang balikat niya. Naramdaman ko ang haplos niya sa likuran ko at mahinang sinabi na,

"Magiging okay din ang lahat bunso..." 

Nakatulugan ko ang gabing iyon. Ginising ako ni mama pero mahina akong napabangon. Dinapo ni mama ang palad niya sa noo ko. Kaya senermonan niya ako buong araw. Absent ako at walang ganang kumain at bumangon. Nasa kwarto lang ako, nakatitig sa kisame at paminsan-minsan pang nababahing. Wala sina mama, ate at kuya kaya ako lang mag isa sa bahay. Pero nung lunch ay umuwi si Ate, pinakain ako ng lugaw. Tapos umalis na kaagad. 

Sa sumunod na araw ay ganun parin, may sakit parin ako. Pinuntahan ako nila Bitna pero hindi ko sila hinarap at kinausap. Wala akong pa akong ganang harapin sila. Sa sumunod naman ay si Lance naman ang bumisita sa akin. Kahit andiyan siya sa tabi ko ay wala akong gana. Hindi na umepekto ang crush effects niya sa akin. Kasi naman okupado na nila Bitna ang utak ko. 

Hanggang sa isang linggo akong absent sa klase. At buti nalang talaga ay tapos na ang exams at pwede na din hindi na pumasok. Natapos ko ang Grade 8 year na pasado....at hindi parin kinakausap sina Bitna. 




Grade 9 na ako sa susunod na pasukan. Apat na linggo  kami  andito ng pamilya ko sa probinsya. Malayong-malayo sa syudad. Sariwa ang hangin rito at magaan sa pakiramdam. Nakapag isip ako rito. Tapos naging okay na sina mama at ate. Payag na si mama na mag ibang bansa si ate. Si kuya naman ganoon padin, adik sa mobile games. 

Ako naman sawi, sawi sa crush ko na si Lance. Nung isang araw kasi nagstalk ako sa timeline ni Rayvn, sobrang lapit nilang dalawa. May in a relationship pa nga si Rayvn sa status niya at nakatag doon si Lance. Napastalk nga ako roon, pero wala namang mga pictures doon ni Lance maliban nalang sa profile pic niya. Madaming nagcomment doon na mga school mates namin at pati na nga mga kaklase ko napakomento, eh. 

Sobrang astig nga tignan ni Lance doon. Nakavarsity jacket siya habang nakahawak ng bola. May hikaw pa nga siya sa tainga. Hindi ko alam kong tunay ba. Habang si Rayvn naman sobrang ganda niya doon, nakasuot siya ng varsity shirt ni Lance. Para nga silang model doon. 

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now