Chapter 2

181 17 9
                                    

#LIB SOMEONE'S OUT OF THE LEAGUE.

"Tignan mo 'yang crush mo," ngumuso si Bitna sa direksyon ni Lance. Nakaupo ito sa bench habang nagbabasa ng libro. May mga studyante napapalingon sa kaniya kahit nga seniors ay nakatingin.

"Kung ako sa'yo aamin na ko. Baka hindi ka aabutin ng ilang araw may jowa na 'yan!" sulsol ni Bitna sa akin.

"Ey! Whatzup beshy?!" si Virgil na biglang umakbay sa amin. Iaalis ko na sana pero mas lalo niyang pinabigat ang pag akbay sa balikat ko.

Tinignan ko siya ng masama pero tumawa lang siya at hinablot ang lollipop na nasa bibig ko, 'saka niya kinain.

"May laway ko 'yan!" puna ko, aaktong kukunin ang lolli ko mula sa bibig niya.

"Ew!" napangiwi si Bitna.

"Eh, ano naman!" masaya pa siyang ipakita sa akin ang pagnguya niya sa lollipop ko.

"Kadiri ka!" hinampas ko siya at matagumpay na nakawala sa akbay niya.

Nakita kong tumingin sa gawi namin si Lance, nakababa na ang libro niya. Patakbong lumapit si Virgil sa kaniya.

Nakita ko pang may babaeng lumapit kay Lance at nag bigay ng regalo. At nasundan pa ng isa, hanggang hindi ko na mabilang pa dahil sa dami.

Hindi naman siya sikat noon pero no'ng nanalo siya sa Math League at nang nakapaskil ang itsura niya sa iba't-ibang social media platforms at sa news, ayan andami natuloy nagkakagusto sa kaniya.

Bigla akong hinawakan ng kaibigan ko at hinila paalis. Lumingon ako at malungkot na nakatingin sa gawi ni Lance.

"Sabi ko kasi sa'yo, eh, na umamin ka na. Ayan tuloy mauunahan ka na niyan!"

"Parang hindi mo naman kilala si Lance. Hindi naman siya easy to get!"

"Heh! Sa dami ng magagandang seniors? Ewan ko nalang talaga!" napamaywang si Bitna, at problemado ang itsura.

"Okay lang, kung gusto siya ni Lance. Wala na ako do'n." may bahid na lungkot ang pagkakasabi ko.

Bumuntong huminga si Bitna at malungkot siyang lumapit sa akin at saka niya ako niyakap.

"Since grade seven mo pa siya crush, ang tagal na din no'n. Kung pwede lang na ako ang magsabi, eh!" pag alo niya pa sa akin.

Mahina akong napatawa at hinampas siya kaya napabitiw siya sa pagyakap.

"Umiiyak ka ba? Hala! Affected yarn?" napatawa siya at pinunasan ang luha sa maamo niyang mukha.

"Eh, ikaw kasi eh!"

"Okay lang naman ako,Bin-na. At saka crush lang naman-"

"Anong lang naman? Mahigit isa o dalawa ba yon na taon? Ah basta, matagal na! Lang naman?!"

"Parang ewan ka naman! Wala pa ngang girlfriend 'yong tao, inunahan mo na!" sabi ko, umupo sa gilid, sa may damuhan at ilalim ng malaking puno.

Sumunod siya at hindi maipinta ang mukha. "Lalaki 'yon, mars! Malamang madali makahanap 'yon!"

Napairap ako at napailing. "Bahala siya! Andami pang lalaki, at saka bata pa tayo. Bakit ako mamoreblema sa lovelife? Ang bata bata pa natin!"

She sighed, defeated. "Ikaw ang bahala."

Pumasok na kami sa klase at naupo na ako sa tabi ako ng bintana, naka mangulumbaba at nakatingin sa labas.

Naramdaman kong may tumabi sa akin, at alam kong si Lance iyon dahil sa amoy pa lang na johnsons baby powder. Ewan kung iyon ba talaga pero amoy siyang pambaby.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now