Chapter 14

109 14 18
                                    

#LIB I'M CRAZY OVER YOU!

I can't get him off my mind. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang nangyari kanina. Hindi ako makatulog,at nakatitig lang sa kisame na parang baliw na nangingiti. At sa bawat na maalala ko 'yon ay parang lalabas na sa katawan ko ang puso ko dahil sa sobrang bilis nito. Gumulong-gulong pa ako sa kama para lang maalis ang kilig pero hindi talaga.


kahit sa pagpikit ko ay siya at siya parin ang nakikita ko. Kaya napadilat ako at napatakip pa ng kumot hanggang sa dulo ng ulo ko. Para akong bulate na inasinan. Kaya napaupo ako at napahilamos sa mukha. Huminga ako ng malalim at tumayo. 


Pumunta ako sa study table ko at nag pinta nalamang. Ngunit, mukha niya ang naipinta ko. Ang mata niyang walang saya, ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, at ang mapupula niyang labi na pinagpala na cupid bow. I tried to repainted it, but I changed my mind. Sayang naman kung babaguhin ko!


Kaya naman tinuloy ko na hanggang baywang. Nang masiyahan ako sa kinalabasan ng obra ko ay uminit ang pisngi ko. I blushed. Nakatitig ako sa mga mata niya at iniisip na siya ang kaharap ko. Parang tambol na naman ang puso ko. At may kung ano sa tiyan.


Napailing ako sa sarili at napasabi na, "Hay, baliw na nga siguro ako!"


Bumalik ako sa kama at humiga ulit. Pero hindi talaga ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto. Paingat akong naglakad, tahimikk at patingkayad pa. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng pang dalawang gatas ko. Nang makainom ay bumalik ulit ako sa kwarto. Nahiga ulit at pinilit matulog, pero bubukas ulit ito at hindi talaga makatulog. Nag meditate pa ako pero ganun lang din, siya at siya parin ang nasa isip ko.


Crush pa ba ito o.... hindi pwede! Bata pa ako! At bawal...pa


Nakadilat lang ang mga mata ko sa buong gabi. Kaya no'ng nag umagahan na ay para akong zombie na naglakad papuntang kusina. At sobrang gulat pa nina kuya at ate. Peke akong ngumiti sa kanila at naupo sa bangko. Tahimik na kumain.








"Bakit ang laki ng eyebags mo? Nagpuyat ka?" si virgil na naka bike, naka sunod sa akin.

Hindi ko siya sinagot at antok na naglakad. Kaya naman hinarangan niya ako at suminyas na umangkas sa kaniya. Umiling ako at aalis na pero humarang ulit siya. Kaya wala akong nagawa kung hindi ay sumakay sa likod niya. Umupo ako na pambabae.

"Kumapit ka!" sabi niya.

Kumaapit ako sa dulo ng uniporme niya.

"Hindi diyan! Mahuhulog ka pag ganiyan ang kapit mo! Dito oh, dito!" sabi niya pa na inayos ang pagkakapit ko. Nilagay niya ang isa kong kamay sa tiyan niya. Hindi ko na naalis ang kamay ko dahil mabilis siyang pumadyak at matulin na nagpatakbo. Humigpit ang hawak ko at sinandal na lamang ang ulo ko sa likod niya.


Nakaidlip pa ako ng kaunti. Nang nasa skwelahan na ay bumaba na kaagad ako at patakbong pumasok sa gusali. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko pinansin o nilingon. Umakyat ako sa hagdan hanggang sa tatlong baitang. Nang makarating na sa room ay pagod akong naupo at napahiga ang ulo sa desk. Tinakpan ko ang sarili ko gamit ang kortina sa classroom. Dahil baka makita pa ako ng officers na andito pa sa loob. Kahit na dapat sa gym ako at naghihintay sa Flag ceremony.











Natulog lang ako hanggang sa may narinig akong yabag. Kinusot ko ang mga mata ko at antok na iginala ang paningin. Medyo malabo pa dahil bagong gising. At nang klaro na ang paningin ko ay nanlaki agad ang mga mata ko. Dahil nakikita ko sa harap ko si Lance. Pumasok siya sa loob ng kortina, kung nasaan ako at nakatitig lang sa akin. Napalunok ako at kumurap kurap. Kinakabahan at pinagpapawisan pa.

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now