Chapter 15

109 15 12
                                    

#LIB "THIS ISN'T RIGHT!"

Nalilito ako sa aking nadaramdaman. I'm too young to feel this, to feel...inlove. Lahat ng signs na nabasa ko sa internet at libro ay sinasabing mahal ko na. At hindi ito tama sa ibang tao, at sa akin. Kaya ito ako ngayon lumalayo sa kaniya o di kaya nagtatago. Pag andiyan siya tatakbo ako paalis. 

At dahil siya lang ang nasa isip ko ay hindi ko nasagot ang tawag ng kaibigan ko na si Bitna. 20 missed calls kagabi. I tried to call her back but she wasn't answering my calls. Wala siya ngayon sa klase at hindi ako makapakali. Gustuhin ko mang puntahan siya sa bahay nila, ay hindi pwede. Dahil may guro na at nasa kalagitnaan na ng klase. 

Kaya naman no'ng nag Lunch break na ay dumiretso na akong lumabas at pinuntahan siya sa kanila. Pero wala siya sa kanila at sa training place ng grupo niya. Matamlay akong kumain sa karendirya, at hindi inubos lahat ng baon. Nang natapos ay pumasok na ako, iyon nga lang wala ng mga studyante sa paligid. Tahimik na at mukhang nag simula na sa klase. 

Nakayuko ako at walang gana nag lakad hanggang sa may nakabanga ako. Inangat ko kaagad ang ulo ko at naghingi agad ng tawad. "Pasensiy-" napatigil ako ng makita ang taong nabanga ko. 

"Lance!" naestatwa ako sa kinatayuan ko. Gusto ko umalis agad dahil sobrang ingay na naman ng aking puso. At pinagpawisan na ako, at uminit na naman ang pisngi. 

"You're late." sabi niya na halata naman talagang late ako. 

May dala  siyang mga papel, mukhang papunta siya sa faculty. 

"Ahem, Lance, tara na?" hindi ko napansin ang babaeng nasa likuran niya. It was the senior high student na palagi kong nakakasalubong. Ngumiti siya sa akin at lumapit. "Hi, I'm Esther Yu." naglahad siya sa akin ng kamay. 

Tinanggap ko naman kahit nalilito pa. "Li-liliana." nauutal kong sabi sa aking pangalan. 

Nanlaki ang mga mata niya at excited pa na napatingin kay Lance. May kahulugan siyang tumingin. Napahimas ng leeg si Lance at nauna pang naglakad. Naiwan kami.

"Lily, una na kami, ah! Next time nalang tayo mag usap, bye!" sabi ni Esther na nagmadaling sumunod kay Lance, may bitbit din siyang mga papel. "Hoy, wait!" 

Sinundan ko lang sila ng tingin. Nang nasa tabi na siya ni Lance ay umakbay siya at sobrang lapit ng mukha niya sa tainga ng lalaki. Inalis naman kaagad ni Lance ang akbay ng babae pero tumawa lang ito at malokong binanga siya. 

Nakaramdam ako ng parang tinisok sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ganito. Sobrang nasasaktan ako sa aking nakita. Bago palang siya sa klase niya pero may kaibigan na siyang babae doon. At mukhang close na close sila. Hindi ko nga kaya ang umakbay kay Lance pero siya, madali lang sa kaniya. Napayuko ako ng ulo at naglakad na paalis. 

Pagkapasok ko palang sa klase ay pinagalitan na kaagad ako ng guro namin. Hindi ako nakapag pasa ng assignment at quiz. Nakatayo lang ako sa likod, hinihintay na matapos silang sumagot sa quiz nila. Nag alalang tumingin si Virgil sa akin, at mukhang tatayo na para lumapit sa akin. Umiling ako at mapait na ngumiti sa kaniya. 

Niyuko ko ang aking ulo ng makaramdam ng mainit na tubig galing sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sakit ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Pinisil pisil ko ang aking mga kamay, para lang mapatigil ang hikbi ko. 

Nagulat ako ng hilahin ako ni Virgil paalis doon. Narinig ko pang tinawag siya ng guro. Nakahawak siya sa aking kamay, maingat. Nakatitig lang ako sa kaniya, tumigil na sa pag iyak. Nang makalayo na kami sa klase ay humarap siya sa akin. Kinalas na niya ang pagkahawak. May bahid ng galit, pag alala at hindi ko maipaliwanag na tingin niya sa akin. 

Love in Bloom 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin