Chapter 20

105 15 34
                                    

#LIB "BEST BIRTHDAY EVER!"

Madami pa siyang tinuro sa akin, lahat ng subjects na hindi ko naipasa sa exam. Nagbigay din siya ng payo sa akin sa English, dahil mahina ako doon kailangan ko daw palaging magdala ng diksyunaryo. At araw-araw daw niya akong tatanungin ng mga word of the day ko. Sa science din ay tinuruan niya rin ako. 

Habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako sa bibig niya. Paminsan minsan niyang binabasa ang ibabang labi niya, at pumupula din iyon. Tapos kapag umiinom siya ng tubig, taas baba ang kaniyang adams apple na ang ganda tignan sa kaniya. Walang mintis ang kapogian niya at mas lalo na ang kaniyang tindig, malinis at mabango. Hindi man lang tinablan ng School Air. Samantalang ako, mukhang dinaanan ng ilang buhangin sa dumi. 

Nang maramdaman kong titingin siya ay umiwas na ako ng tingin. Binasa ko nalang ng tahimik ang libro na binigay niya sa akin. Palihim akong ngumiti. Nagtagal kami sa library hanggang sa magdilim. 

"Ah, wag mo na akong ihatid." sabi ko at aalis na sana ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. 

Napalingon ako sa kaniya. Sa kamay ko na hinawakan niya. 

Walang imik siyang naglakad, hila hila ako. Gulat akong naglalakad na nakatingin sa likod niya. Hindi niya inalis ang hawak niya sa akin. Nakaramdam kaagad ako sa aking tiyan ng parang paro-paro, nagsitayuan ang balahibo ko, uminit ang pisngi at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 

I bit the insides of my cheeks to prevent me from screaming. Kilig na kilig ako! Baka ano pa isipin niya. Ho!

Sa sobrang kilig ko ay hindi ko mapigilan ang sarili. Tinakpan ko ng isa kong kamay ang bibig ko at walang ingay na napasigaw. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng ngiti ko. Kung nakikita siguro ako ngayon ni Shanen, sigurado tinukso na ako noon. Pulang-pula na ako sigurado!

Hindi ko napansin na huminto siya, kaya naman nabungo ako sa kaniyang likuran. 

Tanga ko!

Nabigla ako ng lumingon siya tapos ay kinuha ang bag ko. Sinuot niya iyon sa harap niya tapos ay hinawakan ang isa kong kamay. Para na akong sasabog ng bigla niyang ni-level ang tangkad namin. Tinitigan niya ako, at ako naman na si tanga, nakatitig din. 

Baka marinig niya... 

Ang ingay na nito...

Kumunot ang noo niya, kuryusadong napatitig sa akin. Namilog naman ang mga mata ko nang bigla niyang idapo ang palad niya sa aking isang pisngi. Sobrang lapit ng mukha niya!

"Why are you always blushing? Do you feel hot?" nakatitig siya sa mga mata ko. Para na akong takure na malapit na sasabog. "Are you having a fever?" 

Inalis ko kaagad ang kamay niya sa noo ko, buti nalang talaga nagising ako kung hindi...baka ay masabi ko sa kaniya! Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang dalawa kong kamay. Sobrang init na ng mukha ko!

Nauna ako maglakad sa kaniya. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at impit na kinilig. OH MY GOD!

"May lagnat ka ba? Bili ako gamot." nang nasa bilis ko na siya. Aalis na sana siya para pumunta sa pharmacy nang pigilan ko siya. 

Para naman akong napaso ng hawakan ko ang kamay niya kaya naman mabilis ko iyon binitiwan. 

"Wag na! Okay ako! Ganito lang talaga ako pag naiinitan." Sabi ko at nagmadali ng maglakad. 

Sumunod naman siya, gusto ko pa naman sanang kunin sa kaniya ang bag ko pero nilalayo niya lang. 

"It's okay! Mabigat ang bag mo kaya..." sabi niya sabay taas ng mga balikat niya. 

Love in Bloom 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora